Chapter 36

338 18 11
                                    

Chapter 36
Fault

Dalawang buwan na kami noon sa America nang makilala ko si Louell. I met him in the hospital where Kuya was then confined. His father was then undergoing dialysis in that same hospital at siya ang sumasama sa kanyang ama noon na mahina na.

He was really annoying at first. So damn annoying. Yung tipong maririnig ko pa lang ang pangalan niya, kumukulo na agad ang dugo ko. Walang araw na hindi niya ako pineste.

If I'm not mistaken, our first encounter was in that hospital's cafeteria. I wasn't sure, though, if it was also the first time he saw me. I bet not. Nasa counter ako noon at nag-oorder ng lunch namin ni Mommy. Nang magbabayad na ay nagulat ako nang may maglapag ng pera sa counter.

"It's all on me, Miss," a guy winked at me then smiled, showing the twin dimple on his cheeks.

Napakurap-kurap ako. "Thanks, but I will pay for my order," I smiled politely.

He smirked then turned to the cashier. "It's all on me,"

Nalaglag ang panga ko lalo na nang tumango ang babae at kinuha ang perang inilapag ng lalaki. I turned to him, now starting to get pissed. These past months, I always encounter guys like him, offering to pay for my food and such. At lagi ay napagpapasensiyahan ko sila at nakakausap sa maayos na paraan hanggang sa sumuko rin sila. Pero ngayong kabebenta lang ng bahay sa California, hindi ko maipapangakong magiging mabait ako sa isang 'to.

"Excuse me, mister, but I can afford to pay." kumuha ako ng pera sa aking wallet at inilahad sa kanya.

Tumaas ang isang kilay niya. "I know that. I just want to treat you," he smiled again.

Ngumiti ako pabalik, walang humor. "But I don't want to. And I don't think you should treat me. You don't even know me,"

His lips twitched. "Then should we introduce ourselves? I'm Louell," he offered his hand.

Malamig ko lang na tinitigan ang kamay niya, halos umirap. Alam na alam ko na iyang ginagawa niya. Pumoporma?

Ibinalik ko ang tingin sa kanyang mukha at nakitang malawak pa rin ang ngiti niya kahit ang tagal ng nasa ere ng kamay niya.

"If you're flirting with me, mister, then better find someone else. I'm not interested." diretsahan kong sinabi.

His crispy laugh echoed at the whole place. Napahawak pa sa tiyan sa matinding katatawanan. Nag-ugat ako sa aking kinatatayuan, nilalamon ng matinding hiya. Mas lalong uminit ang ulo ko lalo na't napapatingin na ang ibang tao sa amin.

Nang makabawi ay nakangisi siyang umiling. "I didn't know you're that easy to conclude, Miss," ngumisi ulit siya.

Umismid ako at mas lalong napahiya pero hindi ko ipinahalata. "Look, mister, I have no time to joke around you. So please, just accept this." inilahad kong muli ang pera.

His lips twitched in amusement. "My, you're very difficult. Makes me fall harder..."

Suminghap ako. "You know what? Back off." inilapag ko na lang ang pera sa counter at iniwan siya roon, already losing my temper.

Rinig ko ang malakas niyang tawa hanggang makalabas ako ng cafeteria.

I remember how he pestered me so much the whole day of that day. Nakasunod sa akin saan man ako magpunta para magpakilala e ano bang pake ko kung isa rin siyang Pilipino? Kung may binabantayan rin siyang pasyente? Wala! Annoying!

It was uncomfortable and bothersome. Kaya naman nagtanong na ako sa mga nurse kung gaano kadalas pumupunta iyon sa ospital at gaano katagal nang sa ganoon ay maiwasan ko siya. But to my horror, since that day, araw-araw na siya roon!

Against All Odds (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now