Chapter 31

241 15 0
                                    

Chapter 31
Leave

After the funeral, we focused on Kuya. Still mourning and broken, nasa ospital naman kami, 24/7 na binabantayan ang aking kapatid.

Puyat at pagod ang inaabot naming mag-ina, ang ospital na ang naging bagong tirahan. Puyat hindi dahil sa pagbabantay kundi dahil hindi makatulog sa dami ng problema. May hangganan kasi ang oras ng pagdalaw sa ICU. At pagod dahil hindi komportable ang manirahan sa ospital.

But all those physical sufferings can't compare to the emotional pain we are going through. Great anxiety, fear, and helplessness are attacking us all at the same time.

Kuya is still in the ICU, and still with no signs of waking up. Para akong pinapatay sa sakit tuwing nakikita siya. Maraming tubong nakakabit katawan, ang ulo ay nababalot ng benda, at puno ng sugat dahil sa mga tubo at injection.

I feel like crying whenever I see him helplessly lying in that bed. My heart is bleeding so bad. Halatang hirap na hirap na at kung pwede lang akuin ko ang lahat ng sakit, matagal ko nang ginawa. Mag-iisang buwan na siya sa ICU pero parang wala pa ring ikinabubuti ang kanyang lagay. His first two weeks in the hospital is very critical, it's so traumatic for us.

He had negative changes in respiration and motor functions. He also had seizures. Mommy is a total wreck. Halos hindi na makausap ng maayos. Laging umiiyak at natutulala. Natatakot na ako sa inaasta niya pero ayaw niya namang paawat sa pagbabantay rin. Kaya naman pati siya ay pinatitingnan ko rin sa nurse minsan.

I bleed for my mother as much as I bleed for my brother. The pain I've been feeling is probably nothing compared to her pain. Nawalan siya ng asawa at kapatid. At ngayon, ang anak niya ay nag-aagaw buhay pa. Reason why as much as I wanted to also mourn and everything, I choose to be strong instead. Pretend to be strong, rather. Kailangan ng aking ina ng masasandalan. At ako iyon. Ako dapat iyon.

"Wake up now, Kuya..." marahan kong sinabi.

The sounds and alarms of the machines connected to his body gives me heart attacks during the first days here in the ICU. Tuwing tumutunog ang mga iyon noon, akala ko ay may kung ano nang nangyayari kay Kuya, napapaiyak na lang ako. Now, I'm already used to those sounds. Normal lang pala iyon.

"Malapit na ang pasukan niyo sa law school... Paano ka papasok k-kung hindi ka pa rin gumigising?" nabasag ang boses ko na agad kong pinigilan.

The doctor said that being visited by a loved one has a positive effect on a patient. Pero paano gaganda ang kondisyon ni Kuya kung maririnig niya akong umiiyak, 'di ba? Kaya rin hindi ko binabanggit sila Daddy sa kanya tuwing binibisita. I'd rather not mention them than lie to him that they're doing fine. Because they're not. Or maybe... yes. They're resting somewhere peaceful now. Away from this chaotic world.

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. That's the only thing I could do. I want to hug him so bad but I'm afraid it might be bad for him.

"Bilisan mong gumaling, Kuya. Magiging abogado ka pa, 'di ba?"

Tuluyan nang nabasag ang boses ko. My tears fell as I remember what the doctor told us. Na baka hindi na bumalik sa dati ang buhay niya. But no. I will have faith in Him. He can make the impossible possible. Magiging abogado si Kuya. Makadadalo ako sa oath taking niya. He'll be my legal counsel once I build my own clothing line.

Pagkatapos ng pagbisita kay Kuya ay dumiretso na ako sa hospital room na tinutuluyan namin ni Mommy habang narito sa ospital. Bago ako umalis kanina para sa pagbisita ay pinatulog ko muna si Mommy roon. She's been sleepless for the past days like me. Ayos lang sa akin dahil bata pa ako pero para sa kanyang may edad na, hindi iyon maganda para sa kalusugan. I just hope she really is sleeping. Ako kasi, kahit nakapikit na, gising na gising pa rin ang diwa.

Against All Odds (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now