Chapter 25

242 14 1
                                    

Chapter 25
Jealous

Unti-unti kong naramdaman ang pisikal na pagkirot ng aking puso. Their laughs offend me in every way and I don't understand why. I didn't personally witness it but I know Travis' history with girls. He was a notorious playboy. Marami ang nagsabi, isa na si Sadie. Maging si Kuya noon. Nakilala ko rin sa personal mismo ang ilan sa mga naging babae niya. Some even tried to mess up with me.

Until now, I'm much aware that there are still so many women trying to flirt with him. Some were even older than him. But all of those were nothing to me. I just ignore them. Hindi ako naaapektuhan. I don't feel threatened nor insulted at all. Because he never makes me feel like it. Naiintindihan ko rin naman talaga. Sa kalibre niya, imposibleng hindi siya kabaliwan ng marami.

Pero bakit ngayon, habang pinanonood ko sila, bakit parang... parang ang sakit? Gayong wala naman silang ginagawang masama. They're just laughing together and they're with a group.

Is it because I can sense that she likes him romantically? Yes. I sensed it the first time we met. The way she acted towards me and her facial expressions. Even her eyes are giving her away. Ang hirap lang kumpirmahin dahil magkaibigan sila. Malay ko ba kung ganoon lang talaga siya sa mga kaibigan niya? Pero bakit parang iba naman ang paraan ng pagtingin niya kay Trevor gayong kaibigan niya rin naman raw ito?

Unti-unting lumukob sa aking sistema ang pait. Kumalat ng kumalat hanggang sa halos malasahan ko na ito. Tinalikuran ko sila at ang karamihan saka naglakad palayo, sa parteng hindi ako mapapansin, mabigat ang damdamin at dinadama ang masakit na paghagupit ng aking puso.

I'd rather walk away right now than go to him while feeling this way. It wouldn't give justice to my plans...

"Yani," Travis' low baritone echoed at the whole lobby.

Napako ako sa aking kinatatayuan. My heart thumped fast and my knees wobbled.

Unti-unti akong humarap sa mga tinalikuran ko kanina. At halos mabuwal ako nang makitang sobrang lapit na ni Travis sa akin at mas lalo pang lumalapit. From him and Elaine, the attention of the public is suddenly at us. At me. Gusto ko ng tumakbo palayo at magtago!

He stood tall in front of me, slightly crouching his head, hands in his pockets, stance so territorial. Tiningala ko siya. Sobrang dilim agad ng titig niya. My mouth ran dry. This immaculately handsome man really knows how to intimidate me.

"Looking for me?" he said darkly. The corner of his lips then rose na agad niyang pinigilan.

Nanlaki ang mga mata ko sa tama niyang hinala. Lalo na sa reaksyon niya. My cheeks heated so bad and I hope I didn't blush. Nainis ako sa aking sarili. Parang kanina lang ay pasan ko ang buong mundo tapos heto ako ngayon, pinag-iinitan ng pisngi!

I blinked twice. "Yes..." my eyes widened. "I-I mean, no! I mean..." kinagat ko ang labi ko. Gah!

Hindi na niya napigilan. His lips parted shamelessly in amusement. Umayos siya ng tayo saka dinilaan ang labi.

"Then why are you heading out? This is the way to me, Yani," he showed the opposite way with his palm.

Nalingunan ko si Elaine sa malayong likod niya na isa sa mga nanonood sa amin. Ang masaya niyang mukha kanina ay wala na. It was replaced by indifference. Her stone cold expression with a glint of anger made me shiver. Nag-iwas siya ng tingin kalaunan at pagalit na iniwan kaming lahat.

Travis snapped on me kaya ibinalik ko ang aking tingin sa kanya. Gulat pa ako sa nasaksihan nang sumagot.

"I-I thought you weren't there so..."

Against All Odds (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now