Chapter 30

257 10 1
                                    

A/N:

Hello! I have changed my username from @eidelliee_ to @eigemi. Thank you and stay safe!
——————————————————

Chapter 30
Destiny

Naging mabilis ang mga pangyayari. Sa sobrang bilis ay hindi manuot sa utak ko ang mga iyon. My life turned into a hundred and eighty degrees in just a blink of an eye, it felt surreal.

The convoy of Dad and his security team were ambushed on their way home, the authorities said. Hinarang sa walang mga kabahayang daan saka pinaulanan ng putok ng baril. Marami ang mga tauhan namin pero 'di hamak na mas marami ang mga armadong umatake sa kanila. The other details did not register in my mind anymore.

Pagdating sa ospital ay hindi namin alam ang uunahin. Kung ang maghintay ba sa labas ng operating room o ang magtungo sa... morgue.

Morgue.

Sa morgue kung nasaan si...

Daddy at si Tito Jaime.

Pasigaw na mga hagulgol ni Mommy at Tita ang umalingawngaw sa madilim at malamig na silid na iyon. Their defeaning howls were like that of an extremely pained animal, making me shiver so bad, wrecking more my already wrecked heart.

Tanaw ko silang dalawa habang nakahilig sa dalawang magkatabing makipot na mga bakal na kama. Lulan nito ang malamig na bangkay ng aking ama at tiyuhin. Bangkay. Bangkay ni Daddy at Tito...

Wala akong maramdaman. Namamanhid ang puso ko. They were declared dead on arrival. Ang mga katawan ay nakasilid sa mga cavader pouch at pinahintulutang masilayan muna namin bago i-examine para sa autopsy.

I stared coldly at my lifeless father. His white long sleeves turned red because of his own blood. Ang necktie na isinuot ko sa kanya kanina ay naligo rin sa dugo. And his face...

Nanginginig ang mga kalamnan kong lumapit sa aking ama. Nakaalalay sa aking likod si Travis pero hindi ko siya mapagtuonan ng pansin. Tumabi ako kay Mommy at gaya niya'y humilig sa bakal na kama.

Sa nanginginig na kamay ay hinaplos ko ang maputlang-maputla na mukha ni Daddy. Nababalot rin ng dugo ang kanyang mukha pero natuyo na. May kaunting mga pasa at hinihiling ko na sana ay puro na lang ganoon at hindi ganito.

Nanghihina kong ipinulupot ang aking braso sa kanyang dibdib, walang pakialam kung pati ako ay mabalot na rin ng dugo. I hugged him so tight. Ang mga pagtangis nila Mommy ay halos hindi ko na marinig dahil sa nararamdaman. My tears started to flow heavily. Unti-unti ay naramdaman ko ang matinding pagkirot ng aking puso. At kung may hihigit pa sa salitang matindi ay iyon ang gagamitin ko. Dahil bawat pagtibok nito ay para akong mamamatay sa sakit.

"Daddy..." I whispered painfully against his chest. "Wake up..."

Hindi. Hindi ito totoo. I'm just dreaming. Isa lang ito sa mga gabing nananaginip ako ng masama. Tama. Kausap ko lang siya kanina! Can someone wake me up from this nightmare? This is never funny at all!

Kaya naman kumirot pa lalo ang puso ko nang hindi pa rin sila gumigising.

"Daddy naman..." my voice broke.

O baka naman niloloko lang nila ako? Kami? Are they pulling a prank on us? Ganito iyong mga napapanood ko!

Nag-angat ako ng tingin sa kanyang mukha. My frustration was to the moon when I saw that there are no traces of humor on his face. Pikit na pikit pa rin ang kanyang mga mata.

"Dad!" I said impatiently and shook his shoulders a bit. "Wake up! Hindi na po nakakatuwa! Daddy! Daddy!!!" I lost my control. I cried loudly in pain, grief, and sorrow.

Against All Odds (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now