Chapter 34

299 18 4
                                    

Chapter 34
Party

"Giuliani Morven!!!"

A familiar woman cheerfully ran towards me. Sadie's shoulder-length hair bounced as she went to me. The sound of her heels were so loud, it draws attention from other people. Nang makalapit ay agad niya akong inatake ng mahigpit na mahigpit na yakap. I chuckled and let go of my luggage to hug her back.

In the recent years, we didn't lose communication. We kept in touch. At sa lahat ng nangyari sa amin sa mga nagdaang taon, nasa tabi ko siya. She was at Kuya's wake the whole time. When I was mourning abroad, she tries hard to visit us occasionally, even when she's busy with her studies. At nang makapagtapos, ginawa na niyang probinsiya ang America. Halos buwan-buwan ay naroon siya! Takot daw siyang makahanap ako ng ibang bestfriend. In fact, tatlong linggo pa lang ang nakalilipas nang huli kaming magkita.

Nang bumitaw siya sa yakap ay nakita kong nagpupunas siya ng luha. Kumunot ang noo ko saka humagalpak sa tawa.

"Gosh, I missed you!" she exclaimed while wiping her tears.

Ang daming pinagbago ng aking kaibigan lalo na sa pisikal na anyo.Tumangkad pa siya ng kaunti at mas nahubog pa ang katawan. Ang buhok niyang hanggang balikat ay kulay asul at berde na. It suits her well, though. Ibang-iba na rin siyang manamit. Propesyunal na propesyunal na.

Sumimangot ako. "We were just together weeks ago, Sadie,"

Umirap siya. "Panira naman 'to! What I mean is na-miss kitang kasama rito sa Pinas! May kaibigan na ulit ako rito," nagpunas ulit siya ng luha.

Ngumuso na lang ako. Mas hindi iyon kapani-paniwala. Sadie is such a social butterfly. Imposibleng mawalan siya ng kaibigan dahil lang wala ako.

Ilang sandali pa ay lumabas na kami sa airport para magtungo sa parking lot. Maraming nag-offer na sunduin ako ngayon dito pero dahil ang lakas mambanta ni Sadie, siya na ang pinili ko. May trabaho pa naman ang isang 'to ngayon pero dahil nagkusa siya, ayos lang naman siguro.

When I saw the outside world, when the sun's rays struck my face, bunch of memories came flooding my mind. I put my hand on my forehead to shield myself from the sun. I let out a deep sigh then shook my head to distract myself and to stop being emotional. Now is not the time.

Sa BMW kami ni Sadie sumakay. My best friend is very successful now and I'm so proud of her. May sarili na siyang condo at mamahaling sasakyan na galing mismo sa pera niya talaga. Samantalang ako, heto't tambak pa rin ng problema at pasikip ng pasikip ang bulsa.

"Bakit ba kasi hindi ka na lang sa condo ko tumira? Kung nahihiya ka, e 'di hati na lang tayo lagi sa groceries at bills!" pagmamaktol ni Sadie habang nagmamaneho.

We're on our way to Brent's condo. Roon ako tutuloy pansamantala habang inaayos ko ang tungkol sa bahay namin. Sa mansyon sana nila Tito Bernard kaso ay malayo iyon sa building na pagtatrabahuan ko.

My initial plan is to rent a place just to exercise my independence from my relatives. Pero naisip kong dapat ay maging praktikal ako lalo na ngayon kaya tinanggap ko na lang ang alok ng aking pinsan. Tutal ay hindi naman namamalagi si Brent rito sa Pinas dahil sa France siya naka-base. Umuuwi lang siya rito once or twice a month para bisitahin ang kanyang kompanya. Ibig sabihin ay ako talaga ang magsho-shoulder sa lahat ng gastos ko kaya ayos lang.

"Mas malapit nga 'yung condo ni Brent sa kompanya, Sadie," palusot ko.

She scoffed. "Doon din ako nagtatrabaho, Yani, for your information," inirapan niya ako. "Ang sabihin mo, ayaw mo lang akong makasama! Nag-abroad ka lang, ganyan ka na? I'm hurt!" she placed her hand on her chest, exaggerating it.

Against All Odds (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now