Chapter 56

403 13 1
                                    

Warning: SPG
---

Chapter 56
Drunk

Pasado alas diyes na ng gabi. Wearing a beige puff sleeves dress and strapped heels, we went to the club nearby like what we have agreed. Nagpalit ako kanina dahil ayon kay Sadie ay masyado raw pormal ang aking damit sa event. Naniniwala naman ako sa mga sinasabi niya kaya heto.

Sa sasakyan na ako ni Travis sumakay papunta roon. Like what I said, sasama siya sa akin sa party. Noong una ay pinigilan ko siya dahil may meeting siya bukas nang maaga pero nagpumilit siya. Buti at pumayag naman si Brent. Well, of course he would...

Hindi na siya nagpalit ng damit. Nagtanggal lang ng coat at itinupi ang puting long sleeves hanggang siko. And it's unfair because he looks more prepared to party than me who even put an effort to dress up!

Tahimik siya habang nasa biyahe at mukhang alam ko na kung bakit. My dress is too short and it shows too much skin. But I admire how he stops himself from commenting on it. Kasi alam niyang hindi iyon tama. Men and women can wear anything they want.

Sabay kaming pumasok sa superclub na iyon. He was holding my waist in a possessive stance. Pakiramdam ko ay nasa lalamunan ko na ang aking puso.

Gaya ng dati ay hindi na kami pumila na siyang ipinagtaka ko. Tinanguan lang ni Travis ang bouncer at walang pag-aalinlangan niya na kaming pinapasok. Makes me wonder if Travis is a regular customer here? Hmm. Whatever.

The familiar loud music welcomed my ears as soon as we got inside. Ang mga neon lights ay masakit sa mata at nakakahilo. Idagdag pa ang amoy ng sigarilyo at alak, pati na ang makapal na kumpulan ng mga tao na halos umabot na dito sa entrance. Damn. Gusto ko na lang umuwi. Ayaw ko nga lang maging KJ. I need to celebrate with my team.

A waiter led the way to our table. Tatlo o apat yatang VIP tables na magkakatabi ang kinuha ni Brent para sa team. Nasa ikalawang palapag iyon nitong club.

Papunta roon ay maraming sumusubok kumausap kay Travis. And the brute is always dismissive with them. Ang focus niya ay ang huwag akong madikit sa kahit na sino na nasa club. I can't believe he even ignores those pretty girls who try to strike a conversation with him just to pull me closer to him! Damn it, I love him so much!

Pagdating sa second floor ay agad naming nahanap ang mga table. Sadie immediately saw us.

"Nandito na ang lovebirds!" she declared.

I glared at her pero sa huli ay natawa na lang. I pulled Travis towards them.

Tumayo si Sadie at nakipagbeso sa akin. Pansin kong tipsy na ang isang 'to gayong halos magkasunod lang kaming umalis kanina sa event. I shook my head. Mukhang magbabantay na naman ako ngayong gabi. Wala pa naman si Klyde rito. Nasa isang business trip.

Nagbatian kami ng mga katrabaho ko. Pinapaupo na nila kami nang humigpit ang hawak ni Travis sa aking baywang. Nilingon ko siya.

"I'll just go to Jared and Trevor's table," he whispered on my ear.

"Oh? Nandito sila?" sabay gala ng tingin ko para hanapin sila.

Ang tagal ko nang hindi nakikita si Trevor! And I realized, hindi ko pa pala nakikita sa personal si Jared!

He immediately blocked my sight. Kumunot ang noo ko.

"Don't look for them," iritado niyang sabi.

Napakurap-kurap ako at hindi na napigilang matawa. Oh, this man!

"You're crazy, Travis! I only love you!"

Damn!

Nagtaas siya ng kilay. Nag-iwas naman ako ng tingin, pinag-iinitan nang husto ng pisngi.

Against All Odds (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now