Chapter 14

247 14 4
                                    

Chapter 14
Promise

"Nasaan na ba 'yang Travis mo, Yani? Anong petsa na, oh! Baka naman inindian ka na niyan, ah? Naku!" ani Sadie sa aking tabi.

Ngumuso ako. "Sabi ko naman kasi sa'yong huwag mo na akong samahan, e. Medyo matatagalan talaga siya ngayon dahil sa sched niya,"

"Ha!" she scoffed. "Tama ba iyon? Pinaghihintay ka niya? Naku, Yani, ayus-ayusin mo mga desisyon mo sa buhay."

Umiling-iling na lang ako. Sinulyapan ko ang phone kong may bagong text galing kay Travis.

Travis:
I'm really sorry. Saglit na lang 'to. Are you in the canteen now?

I typed in my reply.

Ako:
Yup! It's fine. Take your time :)

May usapan kami ngayon ni Travis. After class, pupunta kami sa... I don't know where but he told me it's a peaceful place somewhere in Makati. Nagtaka tuloy ako. Is there still a peaceful place in the Metro? Yung tipong sariwa ang hangin, free from noise pollution, and such? Well, we'll see later.

Individual portfolio na naman kasi ang project namin sa isang subject and Travis offered to help again for the nth time. He's always a very big help so I agreed. Sinigurado ko muna na wala siyang ibang mga gagawin bago ako pumayag dahil baka ginagawan niya lang ako ng pabor kahit maiistorbo na siya.

Dadalhin niya raw ako sa lugar na iyon dahil ayon sa kanya ay marami akong maiisip na ideas roon. So, maybe it's a fashion gallery again,huh?

Matatagalan nga lang siya kaunti dahil may klase siya hanggang 5 PM at ako'y kanina pang 4:30 natapos ang klase. Kaya sinabi ko na lang na maghihintay ako rito sa canteen. And the very caring and concerned Sadie initiated to accompany me. Ngayon naman, panay ang reklamo.

Tumikhim si Sadie nang saktong may maaninag akong figure sa aking harap. Agad akong nag-angat ng tingin sa pag-aakalang si Travis 'yon pero mali ako.

A petite but tall man with thick-rimmed glasses was blushing in front of me. Sa likod niya'y dalawang lalaking tingin ko'y mga kaibigan niya. Hawak nila ang magkabila nitong balikat na para bang kung bibitiwan nila siya'y kakaripas siya ng takbo. I looked at them curiously.

"Uh... hi, Yani, may ibibigay lang sana 'tong kaibigan namin sa'yo... kung okay lang sa'yo," anang isang lalaki sa likod sabay turo sa lalaking nasa mismong harap ko.

Lahat sila ay mahiyain tingnan pero sa kanilang tatlo ay ang nasa gitna siguro ang pinakamahiyain.

Humalukipkip si Sadie sa aking gilid at pinagtaasan sila ng kilay. Nawala naman ang nagtataka kong ekspresyon at napalitan ng malambot. Sa ID ng lalaking nasa gitna ay nalaman kong mga freshmen sila ng Computer Science department.

"Uh... sure! Ano ba 'yon?" ginawaran ko sila ng isang palakaibigang ngiti.

Maaaring hindi ako sociable pero hindi naman ako snob.

Mas lalong namula ang lalaki sa aking harapan. Siniko siya ng mga kaibigan niya at binulungan ng kung ano, tila pinapagalitan na sinusulsulan.

The man on the center then lifted both his hands to show the white card he is holding. Inilahad niya iyon sa akin.

"P-P-Para s-sayo, Yani..." his hands trembled.

Impit na humalakhak si Sadie. "Lagot 'tong batang 'to kay Travis," she murmurred under her breath.

Pasimple ko siyang siniko sabay tanggap ng ibinigay ng lalaking tingin ko'y sulat.

"Thanks..." I smiled softly.

Against All Odds (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now