Chapter 38

359 17 11
                                    

Chapter 38
Sting

Para akong masisiraan ng bait sa kasunduan namin ni Travis. I really, really, really find it weird. If not... stupid. Ni hindi ko nga masabi kay Brent iyon dahil alam kong hindi kapani-paniwala. Though, I bet he knows it now because Travis already talked to our customer service manager to avail my services.

At kung gaano ko kaayaw sabihin kay Brent, lalo naman kay Sadie. Paniguradong manunukso lang iyon at walang masasabing matino. Her teases are the least I needed right now because my mind had gone haywire and I don't need more confusion. Siguro ay mas mabuting wala na lang akong pagsabihan. Kahit kila Tito Bernard. Darn. This is really stressing me out.

Pero alam kong hindi na dapat ako nagrereklamo at wala akong karapatan dahil una sa lahat, sa akin halos lahat ng pakinabang. Kaya naman hinayaan ko na lang at nagpatangay nang tuluyan sa agos.

The next days passed by quickly. Nagkapirmahan na kami ng kontrata. Mas nalinawan na rin ako sa mga kondisyon ng kasunduan. I just need to work hard and be more creative until my service equals to the cost of the house. Medyo nanlulumo lang talaga ako dahil alam kong matagal na proseso ito. Ibig sabihin kasi ay matagal rin bago ako makabalik kina Mommy. Sana lang kalaunan ay pumayag siya sa plano kong i-cash ang iba. Tulad ng sabi ko ay may ipon ako at madadagdagan pa iyon dahil nagtatrabaho naman ako.

I was sleeping soundly when my phone rang noisily. I groaned as I reached for it on the side table, eyes still closed.

"Hello..." minamalat ang boses ko.

"Good morning! Did I wake you up?" Louell's energetic voice pushed me to open my eyes.

"Hindi naman, Louell..." I lied then yawned.

Malumanay akong bumangon at naupo sa kama. I glanced at my alarm clock and saw that it's still 5 in the morning. Sinandal ko ang ulo ko sa headboard saka ipinikit ang mga mata. Darn. Antok pa ako.

"You sure? Your voice tells otherwise," he chuckled.

"Hmm..."

"See? Sige, nakakaistorbo yata ako-"

"No, no, Louell!" agap ko, naalimpungatan na. "Sorry, uh..." I scratched my nose. "Alas singko pa lang kasi ng umaga dito, e..."

"Oh, I forgot! Sorry!"

I grinned. "Ayos lang,"

"No, it's not. I'll just call again later-"

"Ano ka ba, it's fine!" I laughed then decided to get up already. "Medyo puyat lang kasi ako dahil may tinapos na trabaho kagabi. But it's fine,"

Hinawi ko ang puting kurtina sa glass door tapos ay binuksan iyon para makapunta sa balcony. Nang makalabas ay sumalubong sa akin ang malamig na pang-umagang hangin. I hugged my body. Medyo maliwanag na ang paligid pero ang city lights ay buhay na buhay pa rin.

"Oh. That must be exhausting," kumento niya.

"Yeah..." I sighed. "Napatawag ka?"

Sa pamamalagi ko rito ay hindi kami nawalan ng komunikasyon. He consistently calls me. Minsan ay hindi ko pa nasasagot dahil kung hindi abala sa trabaho ay tulog na.

Siya naman ngayon ang bumuntong-hininga.

"I miss you..."

Naitikom ko ang labi ko roon. I stared blankly at the view in front of me.

"I miss you so bad, Yani..."

Huminga ako nang malalim, hindi kayang ibalik ang sinabi niya.

I know I've given him a chance. And I still do. Wala namang nagbago. But these past days, I feel a bit guilty about it. I became stiff and reserved when talking to him. Pakiramdam ko kasi, mas lalo lang nadadagdagan ang kasalanan ko kay Travis tuwing kausap ko si Louell. Because I know that he is the instrument of the mistake I committed. Damn, I am screwed big time. Kapag ba humingi ako ng tawad kay Travis, hindi na ganito ang mararamdaman ko? Because I know I'm being unfair to Louell.

Against All Odds (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now