Chapter 21

241 14 1
                                    

Chapter 21
Collapse

Akala ko ay malala na ang mga pinagdadaanan ko dahil sa school. May mas ilalala pa pala.

Habang papalapit ng papalapit ang pagtatapos ng first sem ay mas dumarami pa ang mga ginagawa namin. And the requirements gets harder and harder. Even the lessons.

"O, Yani, subukan mong hindi na naman mag-lunch ngayon, ah. Naku! Sinasabi ko sa'yo..." pinamewangan ako ni Sadie.

I stopped collecting my things and turned to her. I weakly smiled. Katatapos lang ng klase namin sa isang major at nagsisilabasan na kami ng classroom. Ang sunod rito ay lunch at balak kong hindi na kumain dahil gusto kong ituloy ang pag-i-illustrate.

We already started using Adobe Photoshop and Illustrator to create prints. And using it, we are going to create a digital portfolio as a final project, due three days before the midterm exams. I am actually done with it. Final touches na lang.

Ang totoo niyan ay halos isang buwan pa bago ang deadline. Gusto ko lang tapusin na iyon ngayon para habang papalapit ng papalapit ang midterms ay paubos na rin ang requirements na gagawin. That way, mas marami akong time sa pagre-review.

Nanlaki ang mga mata niya. "Huwag mong sabihing hindi na naman talaga?!"

I bit my lip. Napapabayaan ko na rin talaga ang katawan ko. My lips are so dry.

"I need to finish the portfolio asap, Sadie..." mahinahon kong sabi. "May sandwich naman ako sa bag,"

She groaned. "Sandwich for lunch?! Are you studying or are you trying to kill yourself? Yani, sa susunod na buwan pa ang deadline niyan! Kumain ka naman!"

I stared blankly at her. Hindi niya kasi naiintindihan. Bukas makalawa, mas dadami na naman ang schoolworks. Kung wala akong tatapusin ngayon, mas lalo lang akong matatambakan. At ayaw ko ng natatambakan. What a study habit, right? Study habit na hindi recommendable sa mga sakitin.

She let out a deep sigh when I kept mum. "Tara na sa canteen. Tutulungan na lang kita riyan mamaya-"

Nanlaki ang mga mata ko. "Sadie!"

"Grabe ka na, e! Ako nga, the night before lang ako gumagawa, natatapos ko naman!"

Ngumuso ako. But the quality of rushed things are...

But well, Sadie's really good at designing. Her designs are so cool kahit rushed lang! Sometimes, I feel insecure. Hindi ko kaya iyon.

Dismayado siyang umiling nang mapagtantong hindi ako papatibag. Kailangan na ring matapos ang argumentong ito dahil tumatakbo rin ang oras.

"Fine. Dadalhan na lang kita ng pagkain sa kung saan ka man tatambay at doon na rin ako kakain-"

Umiling ako. "Huwag na. Pangdalawang tao 'yung sandwich ko, mabubusog na ako roon. And I know you don't want to eat anywhere than in the canteen," I arched my brow.

Ang tagal pa bago ko siya nakumbinsi. Guilty ako dahil mag-isa niya na namang kakain. Hindi kasi ako makapag-concentrate kapag maraming tao. And knowing canteen during lunch. Pero sabagay, marami pa namang kaibigan si Sadie bukod sa akin. She'll never be out of place.

Sa likod ng school ko balak gumawa. Sa may mga benches. Presko at tahimik kasi roon. Habang nilalagpasan ko ang bawat classroom sa aming floor ay nahagip ng aking paningin ang repleksyon ko sa salaming bintana ng mga ito. Halos manlamig ako sa nakita. Talagang tumigil pa ako sa paglalakad.

My skin is so pale. I was born pale but the paleness of my skin right now is just very different. My eyes looked so tired and dark circles were forming around it. My hair is in a messy bun. I don't have any make up on my face. Even a lip balm. God. Hindi na ako mukhang fashion design student. Mas mukha akong bangkay.

Against All Odds (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now