Chapter 11

254 15 5
                                    

Chapter 11
Avoid

And that was my last conversation with him.

Simula noong Sabadong iyon ay naging mailap na si Travis sa amin ni Sadie. We rarely see him at school pero alam kong pumapasok siya. Kung nakikita o nakakasalubong naman namin ay tila invisible naman kami sa kanya. 'Di niya kami pinapansin.

At first, I disregarded the thinking that he's avoiding us. Kasi baka abala siya sa pag aaral, sa kanyang thesis, o 'di kaya ay sa kanilang negosyo. Lalo na't noong Sabadong iyon ay agad siyang nagpaalam dahil may emergency raw sa kanilang kompanya. Pero lumipas ang isang linggo na walang paramdam si Travis. Hindi niya rin binisita si Lulu sa sumunod na Sabado.

"Umiiwas ba si Travis?"

Hindi pa nakakatulong na ramdam rin iyon ni Sadie. I realized then that my hunch is right. He is avoiding us. He is avoiding me. It's not hard to tell at this point. Lalo na't noong mga nakaraang linggo ay lagi kaming magkakasama.

I wanted so bad to ask him what's wrong. But my frigging ego won't let me to. Bukod pa sa mailap siya sa amin kaya mahirap siyang kausapin.

At dahil mainit ang mata ng mga tao sa aming dalawa nitong mga nakaraang linggo, people also immediately noticed what's going on. Ang iba'y palihim na natutuwa. Ang iba naman ay hayag hayagang nagdiriwang sa nangyayari. As if I'm affected. Kaibigan ko lang naman si Travis. Kung nalulungkot man ako, dahil iyon sa umiiwas ang isang kaibigan.

Some would start a conversation with me to fish out for information. Even if they hide their real motive, I already know what they want. Most of them of course are girls. Girls who adore him so much.

"Dadalawa lang kayong kumakain rito ngayon, ah?" linyahan ng mga pasimpleng nakikiusyoso tuwing kumakain kami ni Sadie sa canteen gaya ng babaeng 'to na tourism student yata.

Padarag na ibinagsak ni Sadie ang kanyang mga kubyertos. "Ano naman ngayon sa'yo?! Tsismosa."

At lagi silang susupalpalin ni Sadie. Tuloy ay mapapangiwi sila at aalis sa pagkapahiya. Gaya ng isang 'to.

"Feeling close!" pahabol pa ni Sadie, iritadong iritado.

Bumuntong hininga ako, nawalan na ng ganang kumain.

Sinundan ng tingin ni Sadie ang babae. Nang mawala siya sa kanyang paningin ay ako naman ang binalingan niya. "Ano ba kasing nangyari?"

"Hindi ko talaga alam, Sadie," I said, frustrated.

"Nag away ba kayo?"

"Hindi naman."

"E, bakit ka niya iniiwasan?"

Kumunot ang noo ko. "Ako? E, dalawa kaya tayong iniiwasan niya."

She laughed. "Ikaw lang! Bakit naman ako iiwasan ng Travis na 'yon?"

I pouted. "Hindi kaya naasar na siya sa mga hirit mong libre?"

Pwede!

She let out a thunderous bark of laughter. "Yani naman! Seryoso tayong nag uusap rito, e!"

Mas lalong lumalim ang gitla sa aking noo. "Seryoso naman ako! Baka na badtrip na 'yon sa kakalibre sa atin!"

Mas lalo lang siyang natawa. Nakanguso ko siyang pinagmasdan hanggang sa natapos siya sa pagtawa.

"Una, hindi ako iiwasan ni Travis. Ikaw lang! Pangalawa, 'di 'yon iiwas dahil lang sa libre," umiling siya, tila isang malaking joke ang mga sinabi ko.

I sighed deeply, now, so frustrated. "Bakit naman niya ako iiwasan?"

Sadie shrugged. "Gusto mo tanungin ko na siya?"

Against All Odds (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now