Chapter 12

275 11 5
                                    

Chapter 12
Worse

Ipinatawag si Travis sa dean's office dahil sa ginawa niya. Pati na rin ako para isalaysay kung ano ang nangyari at bakit nauwi sa bugbugan. Si Jay naman ay dinala sa school infirmary. Kung hindi agad dumalo si Trevor sa kanila kanina ay baka napatay na ni Travis ang lalaki!

Kabadong kabado ako sa kung ano ang maaari nilang ipataw na parusa sa kanya. Suspension? O baka naman sampahan pa siya ng kaso? Ipinagtanggol niya lang naman ako! Kung hindi siya dumating kanina, baka kung ano na ang nangyari sa akin!

"What happened?!" bungad ni mommy.

Sa likod niya ay si dad na kalmadong nakahalukipkip at si kuya na tahimik akong sinusuri.  Mukhang galing pang trabaho si dad at si kuya naman ay paniguradong tumakas lang sa school niya. I bit my lower lip for the mess and disturbance I caused.

The school called the parents of the involved, including mine. Kinakabahan ako sa pagdating ng mama ni Travis. Ako ang may kasalanan kung bakit na office ang anak niya. I'd accept if she'll lash out at me or something.

Tumayo kami ni Sadie upang salubungin sila.

"Mommy, please defend Travis. Ipinagtanggol niya lang po ako,"

Nasa labas kami ni Sadie nitong dean's office. Inexcuse niya ako kanina para makamusta kaya nagpasya akong rito na lang rin hintayin sila mommy. First time ko 'tong ma-office sa tanang buhay ko.

"A-Ano ba kasing nangyari, anak? Though, the school already told us what happened, I want to hear it from you."

I bit my lower lip. "Mamaya na ako magpapaliwanag, 'my. Hinihintay na po nila kayo sa loob,"

"Oh!"

Nilingon niya sila dad at sabay sabay na silang pumasok sa loob. Nakasunod ako sa kanila sa likod.

Nilingon ko si Sadie bago tuluyang pumasok. "Sadie, thanks for the concern. Bumalik ka na sa room para wala kang ma-miss na subject,"

Tumango siya. "Ayos ka lang ba talaga rito?"

"Oo. Andito na sila mommy. Salamat talaga," I smiled.

"Tss. O, sige. Babalik ulit ako mamaya rito para mangamusta."

Pagpasok ko sa loob ay agad kong naramdaman ang tensyon. Sa couch ay naroon ang mga partido. Sa mahabang couch ay naroon ang walang kagalos galos na si Travis  at ang aking pamilya. Sa katapat naman na couch ay ang mga magulang ni Jay. They look so apologetic. Sa gitna ng dalawang couch ay si Mrs. Custodio, ang aming dean.

Nagtama ang tingin namin ni Travis. The concern in his eyes escaped even when it's so dark and lethal. Kumalabog ang puso ko.

"Yani..." itinuro ni mommy ang tabi niya.

Tumikhim ako at nagtungo na roon para maupo. Nagsimula ng magsalita ang aming dean. She greeted and at the same time, apologized at the elders for the short notice.

"Hindi po makakarating si Mrs. Zendejas kaya sana po ay ayos lang sa inyo kung si Travis na lang ang makikipag usap sa atin,"

"Nasaan ang mama mo, Travis?" bumaling si mommy sa kanya.

"She's abroad, Tita,"

I bit my lower lip. And now, Travis doesn't have a guardian to defend him. I feel so guilty.

Tumango si mommy at bumaling kay Mrs. Custodio. "Kami na lang ang magrerepresent kay Travis, dean,"

My face brightened at that. Napabaling naman si Travis kay mommy.

Against All Odds (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now