Chapter 41

331 15 5
                                    

Chapter 41
Meddle

Sa sasakyan habang pauwi ay paulit-ulit na kumakatok sa aking isipan ang pag-atras sa kasunduan namin ni Travis. Alam kong imposible dahil may kontrata at maaari akong makasuhan kung sakali pero hindi ko maiwasang ikonsidera.

I can't bear to work with him anymore. Nasasaktan na ako. At kung magpapatuloy pa ito ay wala nang matitira pa sa akin. Madudurog ako nang pinong-pino.

Isa pa, kung sila nga ni Elaine, dapat talaga ay dumidistansya ako. Not because I'm a threat. Ano man itong ginagawa ni Travis, hindi ito banta sa kanilang relasyon. It's either he's just in need of a designer or he's taking revenge on me. If it's the latter, I'm not up. Wala akong panahon para sakyan ang gusto niyang mangyari.

Ang akin lang ay may 'nakaraan' kami. At kahit wala naman kaming ginagawang masama ni Travis, ang pakikipagkita at pakikisama sa akin ay parang nakakabastos sa kung anong meron sa kanila ni Elaine. I want to pay respect, a thing that she didn't give to what we have before.

But then I promised to my brother and father that I will get the house back. I promised them that I will do everything for it, even if it means I'll sink. Even if it means breaking my heart. Ayos lang. Basta sila ang dahilan, ayos lang. Kaya kahit ayaw ko na, gagawin ko pa rin. I don't want to be selfish. And as for Elaine, distancing myself from Travis will already do.

I spent the rest of my weekend contemplating things. Sadie is out of town with Klyde for their prenup shoot kaya wala akong mapagkwentuhan ng mga nangyari noong Sabado. Though, I think she knows about the date thing. Pakiramdam ko'y kasabwat siya ni Travis. Pinalagpas ko na lang. Huwag lang siyang mang-aasar.

Monday came and great anxiety is washing over me. Kabado akong pumasok sa opisina, nangangamba na baka magpunta na naman si Travis dito.

I have laid out my plans. Iiwasan ko siya. I know I can't avoid him totally but at least I will. Kung may kailangan siya sa akin ay ang nasa front desk na lang ang kakausapin niya tungkol roon at sila na ang magsasabi sa akin. This will be a good start. Kung pwede ko lang talaga siyang iwasan nang tuluyan. Pero hindi pwede. I am in need.

Kaya naman nang tumawag sa opisina ko ang nasa front desk para sabihing may naghahanap sa akin sa baba ay abot-abot ang tahip ng puso ko at pakiramdam ko'y aatakehin ako.

"S-Si Travis Zendejas ba 'yan?" kabado kong sabi.

Damn it! Akala ko nagkaintindihan na kami ng nasa front desk tungkol rito!

"Hindi, Yani. Pero gwapo rin," pabulong ang huling mga salita tapos ay gigil na humagikgik ang nasa kabilang linya.

Pero walang ibang pumasok sa isipan ko kundi ang sinabi niyang hindi si Travis ang naghahanap sa akin. I sighed my relief. It was as if a large rock has been lifted from my chest.

"Kung ganoon, sino?"

"Ayaw ipasabi ang pangalan, e. Basta malapit raw kayo,"

Kumunot ang noo ko pero hindi na nang-usisa pa. Ang malamang hindi si Travis ang naghahanap sa akin ay sapat na para panatag akong bumaba sa lobby at hindi na mangangailangan ng karagdagang detalye.

Pagbukas ng elevator ay agad kong natanaw ang isang pamilyar na lalaki. Nanlaki ang mga mata ko.

With a large bouquet of roses on hand, Louell is innocent-looking as he sat on the couch while watching the people in front of him walking back and forth.

I blinked so many times to make sure that I wasn't illusioning. Nang makumpirmang hindi ako namamalikmata ay halos patakbo akong pumunta sa kanya.

"Louell!" gulantang kong sinabi habang papalapit sa kanya.

Against All Odds (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now