Chapter 33

287 14 4
                                    

Chapter 33
End

Ipinagbili na ng bangko ang bahay matapos kunin. Dumagdag pa iyon sa problema kong wala naman talaga akong pera pambawi roon. Buti na lang daw at kilala ni Tito Bernard kung sino ang nakabili. Napakiusapan daw niya na bigyan ako ng pagkakataong mapag-usapan namin ang bahay. Kaya uuwi ako para roon. I'm just glad that Tito will let me do the talk. Ayaw ko na kasing siya na naman ang umasikaso nun. Nakakahiya na. It is our problem to solve. Not his.

Sabi pa ni Tito ay mas mabuting umuwi na lang muna ako ng medyo matagal kung gusto kong maasikaso ng maayos ang tungkol sa bahay. I believe in his words so here I am. Tingin ko rin ay iyon talaga ang dapat kong gawin. Because I might need to talk to the buyer many times and the retrievement process might take long.

And if I can successfully convince him or her to sell the house to me again, I will save money for it. Huwag lang mangungutang ulit dahil alam kong lalala lang ang sitwasyon. Solving a problem by creating another problem is a big no. Brent, my cousin has recently opened a headquarters of his fashion line in the Philippines. Matagal na niya akong kinukuha para magtrabaho sa kanya kaya walang problema sa pag-iipon. My previous job requires my physical presence during working days so I had to quit because I will really leave. Kundi ay wala akong mapagkukuhanan ng pera.

Meron naman na talaga akong ipon. Inilalaan ko iyon sa pagbawi sana sa bahay namin sa California. But this came so I had to unprioritize it. Tutal ay family friend lang ang nakabili sa bahay roon. Madali lang pakiusapan lalo na't ipinagpauna na namin noon na babawiin rin namin iyon in time. Sa bahay sa Maynila, hindi ko kakilala kaya mabuting unahin ko.

But if the buyer is not to willing to sell it, I will double or even triple the price. Ganoon ako ka-desperada. That house means so much to me. Roon kami nagsimula. It's not just a house to us. It's home.

"Mag-iingat ka, ha, Yani? Tumawag ka agad pagkalapag mo sa Manila," sunod sa amin ni Tita habang palabas ng apartment building.

Nilingon ko siya. Sa tabi niya ay si Mommy na tulala na naman. I smiled at them.

"Opo, Tita. Mag-ingat din po kayo rito,"

It's so hard to leave them at this point. Hindi pa lubos na magaling si Mommy kaya walang magiging kaagapay si Tita sa bahay. Lalo na't may katandaan na rin siya. Wala namang problema sa pagbabantay kay Mommy dahil may nurse naman siya. At nagpaplano akong magdagdag pa ng isa sa pag-alis ko. Siguro ay kukuha na rin ako ng kasambahay at ako na ang magpapa-sweldo? Hayaan na ang gastos. Kesa mahirapan sila.

Nilingon ko si Mommy at nilapitan. I hugged her tight.

"Alis na po ako, 'my,"

Hindi siya sumagot. Hindi rin niya ibinalik ang yakap. Nanatili siyang estatwa roon. Bahagya akong nanlumo pero agad ding nakabawi. It's fine, Yani. Soon you'll feel her love and care again.

Tita turned to Mommy out of concern for me.

"Aalis na si Yani, Vivian," mapagpahiwatig niyang sinabi saka umismid.

She sighed when we still didn't get a response from Mommy. I held her shoulder.

"Ayos lang po, Tita," tipid akong ngumiti.

Bigo siyang umiling pero nang sumulyap sa likod ko ay agad umaliwalas ang mukha.

"Louell, hijo, salamat sa pagpiprisinta sa paghahatid dito kay Yani, ha? Naku! Ang layo pa man din ng airport mula rito. Siya pang gastos ni Yani kung sakali!" humalakhak siya.

Narinig ko ring humalakhak si Louell na galing parking lot para ilagay ang mga gamit ko sa kanyang sasakyan.

Ngumuso ako. "Tita," I warned.

Against All Odds (Playboy Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat