Chapter 35

365 18 19
                                    

Chapter 35
Kiss

I woke up with my head throbbing so bad the next day, it feels like it will explode. At nang makita ang oras ay parang gusto ko ng murahin si Sadie. It's already past 11 in the morning!

Kaya naman kahit inaatake ng hangover ay sinikap ko pa ring tumayo at magtungo sa banyo para makaligo. May lakad ako ngayon! Damn, alcohol.

Mabilisan na rin ang ginawa kong pagligo at pagbibihis. I wore a black three quarter sleeves off-shoulder top and a pair of white high-waisted jeans then put on a minimal makeup on my face. Ngayon ko sobrang na-appreciate talaga ang pagpapahiram ni Brent ng sasakyan niya sa akin. Sa lagay ko kasi ngayon, paniguradong male-late ako kung magco-commute pa ako. Lalo na't hindi ko na yata gamay ang mag-commute sa Maynila. Ang tagal ko ring nawala.

I'll have lunch with Tito Bernard and Tita Lorna in their mansion. Para daw sa pagbabalik ko. Hindi naman na kailangan ng ganoon dahil bibisita naman talaga ako sa kanila para na rin mapag-usapan namin ang tungkol sa nakabili sa bahay.

I really hope I can already talk to him or her sooner so I'd have a clearer plan on what to do next. Hindi ako pwedeng magsayang ng oras. Nasa malayo ang pamilya ko at gustong-gusto ko nang makasama ulit sila. But if I get to retrieve our house, e 'di parang wala ring silbi iyon dahil wala rin namang titira roon? America na ang itinuturing naming tirahan ngayon. Gusto ko lang naman talagang bawiin ang bahay dahil amin iyon. Iyon ang isa mga unang naipundar ni Daddy.

Well, if I can convince Tita Jackie and Mommy to go back here, then it will pay off. Sila lang naman kasi ang problema, e. Ayos lang naman sa aking dito manirahan.

I drove Brent's car to their mansion. Noong nakaraang taon lang ako natutong magmaneho. I was then promoted at the company and they issued me a car. Kaya naman sinikap kong matuto. Iyon kasi ang isa sa mga bagay na hindi naituro ni Daddy at Kuya noon sa akin.

Tito Bernard's mansion is still as grand as it is years ago. I parked Brent's Benz in front of their porch then went out carrying my bag. Buti na lang talaga. I'm just on time!

Paglabas ng sasakyan ay agad kong namataan si Tita Lorna na palabas ng mansyon, malawak ang ngiti sa akin. She's wearing a simple but elegant white dress. I went to her then kissed her cheek.

"Welcome back, hija," banayad niyang sinabi saka muling ngumiti sa akin.

"Thank you, Tita. Kumusta po kayo?"

"We're good, hija!"

Sumulyap siya sa likod ko saka ibinalik ang tingin sa akin, ngayon, mas malawak na ang ngiti.

"Mabuti naman at pumayag kang gamitin muna ang sasakyan ni Brent. Mas magaang magtrabaho kapag may sasakyan, Yani,"

I chuckled. "Baliktad yata, Tita. Buti kamo at pumayag siyang hiramin ko ang sasakyan niya!" tumawa ako.

Tumawa na rin siya. "Syempre naman, hija... O siya, tara na sa loob at naroon na ang Tito mo,"

I nodded. Iginiya niya ako papasok sa kanilang mansyon. Dumiretso na kami sa hapag dahil pasado alas dose na. Naging abala si Tita sa pagmamando sa kanilang mga kasambahay habang ako ay dumiretso kay Tito para magmano.

"Kumusta, Yani?" ani Tito.

"Maayos naman po, Tito. I'll start working with Brent on Monday,"

Tumango siya at ngumiti. "That's really nice to hear, hija. You two are cousins so you should preferably be in one team,"

I smiled back, feeling happy for my cousin. Sa paraan ng pananalita ni Tito ay halatang suportadong-suportado na niya ang anak, hindi gaya noon. Dapat lang dahil successful na talaga si Brent.

Against All Odds (Playboy Series #2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu