Chapter 24

238 13 0
                                    

Chapter 24
Visit

"Ready?" Travis arched his brow in a playful manner.

"Yup!" I beamed at him and put my seatbelts on.

Ito ang unang pagkakataon na si Travis ang maghahatid sa akin sa school. I think he wants to make sure if I'm already fine enough to go back to school that's why and I couldn't help but feel guilty. Masyado yata siyang natakot noon. Mabuti at pumayag sila Mommy sa gusto niya. Pati na rin si Kuya!

Ngumuso siya. "May I remind you to be extra careful from now on,"

I pouted. "Okay,"

"And every after school, you need to give me the list of activities you needed to do so I can help you with it." he said authoritatively.

Mas lalo pang nanulis ang aking mga labi. "Okay..."

"Take note, Yani, you should give me the complete list. Wala kang hindi sasabihin sa akin."

Natawa na ako. Seriously? He threw me a dangerous look. Natutop ko ang aking labi, natatawa pa rin talaga.

"There's nothing funny. I'm serious here, Yani."

Kinagat ko ang aking labi, nangingiti.

"Fine, fine!" I tried hard not to laugh. "Stop being grumpy, then," I smiled cutely.

Nag-iwas siya ng tingin. "Tss."

I chuckled. Kung ikapapanatag niya ang pagtulong sa akin, then I'll let him. Sigurado naman akong kung tutulungan niya ako ay hindi niya ipipilit na gawin lahat. He knows his limitations and he knows I'm trying hard to be independent.

Pagdating sa school ay inihatid niya ako mismo sa unang klase ko ngayong araw. Wearing his crisp white long sleeves, smooth black slacks, and black leather shoes, agaw-pansin siya sa mga estudyante sa paligid.

Natitigilan ang mga babaeng nadadaanan namin at hindi iyon dahil sa magkasama kami. It's because of him alone. And of course, once again, he seems oblivious of the attention he's drawing. Abala lang siya sa pagbubuhat ng mga libro ko gamit ang isang kamay, ang isa'y nasa kanyang bulsa.

Ngumuso na lang ako. You need to understand, Yani, that this man beside you is like an immortal living on the land of the mortals; a greek god personified. So to stand beside him will always be both a privilege and honor.

Hinarap ko siya nang makarating kami sa classroom ko. Halos umirap pa ako dahil sa natanaw na mga kaklaseng halos malaglag ang panga nang makita siya. Ganito na lang lagi!

"Uh..." I trailed off.

I got my books from him. He then stared at me with such intensity. His expressive, chocolate brown eyes glittered when the sun's rays struck them. I get lost everytime I stare at those deep, dangerous eyes. I blinked twice and looked away. Hindi ko kinaya ang intensidad ng kanyang mga mata.

"I'll be here later for lunch," he said.

That excited me but it was short-lived. Kasi alam kong maaabala ko na naman siya. Marahan na lang akong tumango, ayaw nang umapila dahil alam kong hindi rin naman siya papapigil.

"Ako rin ulit ang susundo sa'yo mamaya,"

I smiled. The things he does for me...

"Okay..."

He sighed. Hinawakan niya ang aking baywang at hinila palapit sa kanya. He then kissed my forehead. Rinig na rinig ko ang singhapan ng mga tao sa classroom. Uminit ang pisngi ko.

"Don't stress yourself, please..."

Naging abala ako sa pagte-take ng mga na-miss kong quizzes at pagpapasa ng requirements. Nakapagreview naman ako ng maayos kaya tingin ko'y walang problema sa magiging scores ko. Hindi ko na nga lang mate-take ang mga na-miss kong recitations so I really tried hard to not feel bad about it because I know those were big losses! Wala ng silbi kung manghinayang pa ako. For the missed lessons, I have no problem because I studied those while I'm absent and thanks to Sadie's notes. Really.

Against All Odds (Playboy Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ