Chapter 53

365 16 1
                                    

Warning: SPG
--

Chapter 53
Love

Tumigil siya sa mismong harap ko. His overwhelming height made him tower over me. Kabadong-kabado ako na maging ang mga tuhod ko ay nanginginig. The destructive storm in his eyes is enough to make me pray for his wrath.

"T-Travis..." hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para banggitin pa ang pangalan niya.

One tight clench of his jaw made my heart pound more violently. Gusto ko nang tumakbo pero alam kong imposible iyon.

"What's this?" his first words sent shivers down my spine. Sobrang lamig at mapanganib ng boses niya.

Nag-iwas ako ng tingin at hindi nakapagsalita. Not that I have something to say right now. Of course I won't answer his question. Damn.

Mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Umatras ako pero tumama na ang likod ng tuhod ko sa upuan. It created a sound. And I don't want the people inside the shop to notice us. Kaya naman ay tumigil na ako sa pag-atras. Now, I'm doomed.

He closed the distance between us. Ang isang kamay niya'y itinuko niya sa dulo ng lamesa. Tapos ay yumuko siya para maglebel ang tingin namin. Nasa dibdib niya lang ang tingin ko. Everything about him is intimidating. Lalo na ngayon.

"Come on, baby. What's this? Hmm?" malambing na ang boses niya pero ang panganib doon ay hindi pa rin maipagkakaila.

Napalunok ako. Then my lips parted. His tone is alluring me to speak up so it was a struggle to keep my rationality.

Matagal na ganoon lang ang aming ayos. Pigil na pigil ang aking hininga. Afraid that even it might make him more mad.

Napatingin ako sa kanya nang bumuntong-hininga siya at umatras. Umayos siya ng tayo. He stared at me. The coldness in his eyes made me lower my head again. Damn it!

"Let's go home." he declared.

Sa takot ko ay walang pag-aalinlangan akong tumango. Dali-dali kong pinulot ang aking mga gamit. I was surprised when he got my things from me at siya na ang nagdala sa mga iyon. But I know he's still mad. So damn mad.

Pinipisil-pisil ko ang aking mga daliri habang nakasunod sa kanya palabas ng coffee shop. Even the way he walks right now is laced with anger. O baka imahinasyon ko na lang iyon?

Halos malaglag ang puso ko nang tumigil siya at humarap sa akin. He's still scowling.

"We'll ride in my car."

Bumuka ang bibig ko para magprotesta sana pero agad ko ring itinikom iyon. Tumango na lang ako. If complying to all his bidding will lessen his anger, then I would do it. Pero bakit ba kasi ako natatakot? Ano naman ngayon sa kanya kung iniiwasan ko siya? Ano naman ngayon kung galit siya? Ano naman my ass, Yani. Aminin mo na kasing nag-aalala ka para sa kanya. You love him that's why you're so concerned about his feelings. You don't want him upset even if that's your plans' consequence.

"My bodyguard will drive your car." dugtong niya.

Tumango ulit ako. Now I feel relieved. Akala ko ay maiiwan na iyon dito sa kagustuhan kong maibsan ang galit ni Travis sa akin. Hindi pa naman sa akin iyon.

Sa biyahe ay walang nagsasalita sa amin. I couldn't help but thank whoever invented the stereo. Dahil kung wala iyon ay nabingi na ako sa katahimikan. Ang mahinang music galing doon lamang ang tanging ingay sa loob ng sasakyan.

I was pinching my fingers so bad. Nagtatalo ang utak ko kung dapat ba akong humingi ng tawad o hayaan na lang na ganito tutal ay ito naman ang gusto ko. In the end, I kept mum. Lalo na't nasa Manila na kami. Kulang na kung sakali ang oras kung magsasalita pa ako.

Against All Odds (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now