Chapter 28

219 12 0
                                    

Chapter 28
Perfect

"Oh, yes! It's fucking over!" humiyaw-hiyaw si Sadie na parang tanga habang iwinawagayway ang mga kamay.

"Sadie..." marahan kong saway.

Paano ba naman kasi ay kalalabas pa lang namin ng classroom pero kung makaasta siya ay parang wala na kami sa school. Buti sana kung hindi panay mura ang lumalabas sa bibig niya. Ayaw ko nang lingunin pa ang iniwang classroom. I can imagine our proctor giving her a deadly look. Mamaya bawiin pa grades nito.

Hindi niya ako pinansin. She continued waving her hands in the air while whistling a familiar happy tune. Umiling na lang ako at inintindi ang sayang nararamdaman niya.

This is the last day of our finals so technically, bakasyon na. Kaya kahit wala akong pagkakaabalahan ngayong summer ay masaya ako. Just staying at home without worrying about deadlines and grades is already therapeutic for me.

But don't get me wrong. I love school. I love learning new things. I'm just really happy about this break. Lalo na't masasabi kong mahirap ang mga pinagdaanan ko sa taong ito. That's just third year, huh? Paano pa kaya sa susunod na taon? So maybe while resting, I should also prepare my mind and body for the coming academic year. I'm graduating next year!!!

An exaggerated groan came out of Sadie kasabay ng pagbaba niya ng kanyang mga kamay. Kumunot ang noo ko pero agad ring napagtanto kung bakit.

"Babe, mukhang masaya tayo ngayon, ah?"

Nakaplaster na naman ang ngisi sa mukha ni Klyde, mukhang handa na namang mabato ng kung anu-ano ni Sadie. Hindi ko alam kung ngingisi ba ako o iirap na rin. Ngayon pa lang ay pagod na ako sa magiging bangayan nila.

"P-Pwede ba?!" Sadie stammered.

Klyde chuckled at that. Umawang ang labi ko nang nakita ang pagpula ng pisngi ni Sadie. Tumikhim siya at agad nakabawi.

"Buti na lang talaga at bakasyon na, 'no? Finally, I won't see your annoying face!" she laughed hysterically while clapping her hands but something is fishy.

Klyde raised his brow mockingly. He coolly leaned sideways on the wall beside us then crossed his arms.

"Talaga? Baka kabaliktaran. C'mon, babe. Don't be shy to admit that you'll be missing me," his lips twitched playfully.

"Ha!" she scoffed. "You fucking wish. Ga-graduate ka na, 'di ba? Oh! That I'm not sure." she smirked victoriously. "Pero kung sakali man, sana huwag ka nang mapadpad rito,"

Sinaway ko si Sadie. That's already below the belt.

Klyde sniggered, tila hindi naapektuhan kahit konti man lang sa mga ibinato ng kaibigan. Umayos siya ng tayo saka kinain ang distansya sa pagitan nila ni Sadie. Bahagyang napaatras ang aking kaibigan pero hinawakan siya ni Klyde sa baywang para hindi makagalaw. Tapos ay inilapit niya ang kanyang mukha sa tainga ni Sadie.

"Sorry for you, then, 'coz I'll be taking my masters here," he smirked. "See you around, Samantha Dixie. Sa bakasyon man at sa susunod pasukan..." then he turned his back at us and vanished in the sea of people in the corridor.

Natameme ako ng ilang saglit roon. Nang makabawi ay nilingon ko si Sadie. Nagulat ako sa sobrang pamumula ng kanyang mukha. Mas pula pa kesa kanina!

Nang mapansin ang paninitig ko ay tumikhim siya at humarap sa akin, namumula pa rin.

"M-Mauna na'ko. Andiyan na ba sundo mo?" hindi siya makatingin sa akin.

Hmm.

Hindi ako sumagot. Nang mapansin niya iyon ay nag-angat siya ng tingin sa akin. I arched my brow at her. Nag iwas ulit siya ng tingin.

Against All Odds (Playboy Series #2)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ