Chapter 9

267 18 8
                                    

Chapter 9
Birthday

"Sophomores, at last. Cheers!"

Pinagtama namin ni Sadie ang mga hawak naming coke-in-can saka nagtawanan.

Time flies so fast. Parang kahapon lang noong kabado pa akong pumasok sa unibersidad na ito dahil wala akong kakilala. Ngayon, second year na ako. And do you know what that means? Halos dalawang taon na lang, ga-graduate na ako! After attaining my well-deserved degree, I'll find a job and design clothes - my ultimate dream. Kapag nakakuha na ng sapat na karanasan, magtatayo ng sariling clothing line. I know it was too dreamy, but its not impossible, too. Oh, what I'd give for that day to come.

"Pero alam mo iyon? Kung kailan second year na, saka pa ako walang jowa! Ang papangit ng mga pumoporma sa akin ngayon! Wala akong masagot!" nalukot ang mukha ni Sadie.

Tumawa ako. "E, 'di ikaw ang pumorma? Para makapilli ka,"

Wow, Yani. What an advice.

Ngumiwi siya. "Ampapangit ng lahat ng nakikita ko, e! Sinong liligawan ko doon?"

I pouted. Mabuti na lang at narito kami sa pinakadulong parte ng canteen, kaunti lang ang tao at malayo pa sila sa amin kaya 'di kami naririnig. Kundi ay kanina pa kami na-bash. Pasmado talaga ang bibig ni Sadie kahit kailan.

"Ang dami mong manliligaw rito sa school na gwapo, ah. Ba't 'di mo sagutin?" tukso ko.

She gave me a wry smile. I chuckled. Of course I know why. She thinks it's ridiculous to be in a relationship with a schoolmate. Oh, her prejudices.

Matapos ang break ay dumiretso na kami sa sunod naming klase. Nagpapasalamat ako dahil pareho pa rin kami ni Sadie ng schedule. I won't have to worry about my classes just because wala akong kilala sa mga klaseng iyon. Hindi pa naman ako 'sociable'.

Gaya ng nangyari sa unang araw ng klase noong nakaraang school year, orientation lang ang ginawa namin buong maghapon. The subjects we have this second year first semester were pretty hard but exciting.

Pagkalabas namin ni Sadie sa Fashion Design building ay pumarada sa aming gilid ang isang pamilyar na sasakyan. Bumukas ang driver's seat at iniluwa nito si Travis. Kumaway ako sa kanya.

Abala siya maghapon sa kanyang klase kaya ngayon niya lang kami kinita. Huling taon na niya ito sa kanyang masters. Next year ay wala ng Travis na aaligid sa amin. I'm kinda sad. Syempre ay nasanay na akong nandiyan siya lagi. And he's my friend. Mababawasan na naman ang mga kaibigan ko. Let's just hope na hindi siya makakalimot kapag nagtatrabaho na siya.

"Hi, Travis," mapanuyang bati ni Sadie saka humalakhak.

Hindi siya pinansin ni Travis at dumiretso lang sa amin.

"How's your day?" tanong niya sa akin.

"It's great! Ikaw?"

"Ayos lang rin,"

Tumikhim si Sadie. "Nandito ako, oh," inilahad niya ang kanyang sarili.

Ngumuso ako.

Travis shifted on his weight. "So... let's go? Sasabay ka ba, Sadie?" bumaling siya sa aking kaibigan.

"No. Si Yani lang ang sasabay sa'yo," she smirked.

Kumunot ang noo ko. "May pupuntahan ka ba after class, Sadie?"

"Wala naman," sagot niya.

"Ba't 'di ka na lang sumabay, kung ganoon? Madadaanan naman natin ang subdivision niyo,"

She glanced at Travis then naughtily pouted. "Hindi na..." may idinugtong pa siyang hindi ko naintindihan saka ngumisi.

Matapos ang ilan pang pangungumbinsi kay Sadie ay sumuko na ako. Baka nga may lakad siya at ayaw niya lang sabihin sa akin kaya ayaw niyang sumabay sa amin. Nagpaalam na kami sa kanya.

Against All Odds (Playboy Series #2)Where stories live. Discover now