Chapter 6

3.7K 112 2
                                    

CHAPTER 6

Hindi na ako nagtaka nung kumalat 'yung picture namin ni Damon. Everything is really working well. Umaayos sa plano niya. Mas lalong dumami ang mga zombies na nakatingin sakin. Sinabi ko na kay Zanea na layuan niya muna ako at baka madamay pa siya sa mga gagawin nila sakin. Expect ko na na may bigla na lang hihila sa buhok ko at mananampal sakin. Pero ayaw akong iwan ni Zanea. Baka kung ano pa daw ang gawin sakin ng mga zombies.

"Grabe! Hindi talaga dapat pagkatiwalaan agad ang mga transferees."

"Slut."

"Whore."

"Malandi."

"Si Damon pa talaga ang tinira."

"Kunwari pang galit siya kay Damon, 'yun pala gusto lang niyang masolo."

"Pati nga si Hunter, nilalandi na rin niya e."

"Syempre. Ano pa bang ieexpect natin sa mga transferee? Kung hindi na-kickout, malamang gusto niya magkalat ng kalandian."

Sa totoo lang, nasasaktan ako sa mga pinagsasabi nila. Kunwari pang magbubulungan, dinig na dinig ko naman. Saka ako pa ang malandi? E sila itong naghahabol kay Damon. Saka hindi ko naman gusto 'yung nangyari. Siya mismo humila sakin para mahalikan ko siya. If I know, pinasundan niya talaga kami para ipagkalat ito sa buong university. Ano ba'ng ginawa ko sa kanya? Sila itong ginugulo ang buhay ko.

"Gib, wag mo na lang pansinin ang mga sinasabi nila. Alam naman nating hindi totoo ang mga iyon." Hinawakan ako ni Zanea sa likod.

Ngumiti na lang ako. Hindi ko kayang hindi pansinin ang lahat pero ayokong magmukhang mahina sa kanila. Ako 'yung biktima tapos ako pa ang magmumukhang masama. Hindi naman yata patas iyon.

Nagpatuloy kami sa paglalakad para makapunta sa building namin. Bawat pasilyong madadaanan namin ay may kanya-kanyang komento sa nangyari, sa akin. Puro mga pang-iinsulto. Puro masasakit na salita. Ni wala silang karapatan na sabihin sa akin ang mga iyan dahil hindi nila ako kilala. Gusto kong manlaban. Gusto kong sabihin sa kanila na hindi totoo ang mga sinasabi nila. Pero magsasayang lang ako ng oras at lakas.

Pagkarating namin sa building, umakyat agad kami ni Zanea sa hagdanan papunta sa 2nd floor. Doon ang room namin para sa filipino subject. Gosh! Gaano ba sila karami? Pati ba sa mga magiging kaklase namin ay merong mga zombies?

Kumabog ang puso ko nung makita ko siya sa labas ng room na katapat ng room namin. Nakasandal siya doon sa pader at nakayuko. Anong ginagawa niya dito? Hindi naman namin siguro siya classmate ulit. Tama na yung 2 subjects ko siyang nakikita. Kahit kanino, ayoko ng ma-attach. Okay na ako na may isa akong kaibigan dito sa university. Mas magiging tahimik ang buhay ko kung hindi sila konektado.

Yumuko ako nung palapit na kami. Nakikita ko ang napaka-ganda niyang sapatos. Adidas. Mayaman talaga siya. 'Yung mga paa niya naka-harap samin. Sana nagkakamali lang ako. Lumipat ako sa kabilang side ni Zanea at hindi siya nilingon. Pumasok kami ng room na may mga mata pa rin ng zombies. May ibang lalaki rin na zombies. Pati siguro sila naniniwala na malandi ako. Sino'ng hindi? Ako ang humalik kay Damon base dun sa picture.

Pero ang totoo, wala silang alam sa tunay na nangyari. Hindi ko alam kung ano ang mga nakita nung kumuha nung picture. Kung alam niya ang buong storya, alam niyang biktima lang ako. Pero hindi niya yun gustong ipakita sa picture. Kaya mas lalo akong naniniwala na pakana ni Damon ito. Ganti na niya sakin ito. At masakit na isiping nag-uumpisa pa lang siya.

"Gib, okay ka pa ba? Gusto mo mag-ditch na muna tayo?" Nag-aalalang tanong ni Zanea.

"Hindi naman habang nabubuhay pa 'yang issue ay tatakas ako. Paano yun kapag tumagal ang issue? Edi failed due to absence na ako?" Sabi ko at muling tiningnan ang mga kaklase namin na nakakatakot kung tumingin. May mangilan-ngilan pa rin naman na walang pakialam pero hindi importante sa akin iyon.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon