//Chapter 43* What to do???

208 6 0
                                    

[RECAP IWBLNP #42]

Ang sakit isipin na ang taong pinagkatiwalaan mo ang siya pang mananakit sayo ng sobra…

Hindi ko parin maisip kung baket niya ko iniwan ng basta basta na lang..

Ano bang kulang saakin? Am I not enough for him?

Minahal nga ba niya talaga ako?

Totoo ba lahat ng sinabe niya sakin? O pawang kasinungalingan lang?

Ano bang ginawang kong kasalanan at sinasaktan ako ng taong minamahal ko? ang gusto ko lang naman maging masaya eh’   =((

Maging payapa ang buhay, maging masaya sa mga gusto kong gawin, sa mga bagay na nakakapag pasaya saakin.

 Nabuhay ba ko sa mundong ito na dapat masaktan lamang? T______T

I just want to be love not played! I just to be happy with the people I loved.

With the people, I cared for.

“Princess.”  Tawag ng isang binata sakaniya kung kaya’t siya ay napalingon sa kaniyang likuran.

“K-kirby? O.O”

=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=

Dedicated to my blockmate: Jean Garcia =) tho, she is a silent reader. HAHA.

I wanna be loved not played! #43 What to do???

[Narration po ito. meaning si author po ang nagsasalita. Ukie?]

“Princess…”  rinig na tawag ng Daddy niya sakaniya kaya agad naman itong lumapit,

“ano yun Dad?”  tanung niya sa Daddy niya na abalang nagbabasa sa dyaryo, inayos ng Dad niya ang dyaryong binabasa at inilapag sa lamesa at tumingin sakaniya.. simula nang makalabas siya sa hospital ilang linggo na ang nakalipas eh’ hindi na umalis ang ama niya sa bahay. natuwa naman siya doon dahil matagal-tagal din niya itong nakasama lalo na’t buwan na ng nobyembre at malapit na din ang araw ng pasko.

“Princess… I want you to go to this place later.”  At may kinuha ito sa wallet niya at iniabot sakaniya ang isang pirasong papel.

Inabot naman niya ito at binasa.

Good Morning Mr. Tan just want to ask if you will let me to have some dinner with you daughter Princess later at (Mr. Z Diner) later at 6pm. Thank you.

-Jadrien Xander Zan

Napansin naman ng kaniyang ama ang pagkunot ng noo niya dahil siguro hindi niya alam kung baket ito iniabot sakaniya.  “I want you to meet Jadrien to that place later and have some dinner with him”

“W-why me Dad?”  pag-aalinlangan niyang tanong, halos bumilis ang pag tibok ng puso niya… eto na nga ba ang iniisip niya simula palang nung isang linggo. Alam niya na darating yung araw na ito. At eto na nga! Hindi niya alam kung anong dapat na gawin. Kung dapat nga ba niya itong siputin. Pero nakasulat doon na si Jadien ang nagpadala noon. Ibig sabihin—

“ipinalagay ko na sa kwarto mo yung damit na gagamitin mo later sa dinner. I want you to be ready and ako mismo ang maghahatid sayo doon para makasiguro.”  Halos hindi mag process sa isipan ni Princess ang sinabe ng Dad niya. Alam niyang male ito! At pa-paanong si Jadrien pa mismo ang nag padala ng sulat nito!?

i wanna be LOVED not PLAYED! [HIATUS]Where stories live. Discover now