"by the way Ada, mall tayo minsan" masayang sabi ng mom ni Xian at lumakad na ulit sila, pero bago sila tuluyang lumabas, binitawan nito ang salitang "magaling ka pumili anak, maganda sya"

Napayuko na lang ako dahil alam kong nagbablushed na ko, napatingin naman ako bigla kay Xian na napakamot na lang sa batok.

"asan na si Tita?" tanong ni Miggy na kalalabas lang ng kusina na sakto naman na kalalabas lang rin nila Robin.

"umalis na" sabi ni Sassy

"bagal kasi" sabi ni Hailey

"aba aba baka nakakalimutan nyo, ako ang nag hugas ng mga pinag kainan nyo" sabi ni Miggy

"baka din nakakalimutan mo, si Sassy at ako ang nagluto ng ulam" pataray na sabi ni Hailey.

"ako nag luto ng kanin, I mean nag saing" pataray din na sabi ni Candy.

*hahaha* gosh! I can't stop laughing while watching them. Now, I must say that I'm so lucky to have them.

"Hahahaha" narinig kong tawa ni Xian. Napatitig ako sa kanya with a smile. This is the first that I saw him laughing like that.

"hey! Xian, Ada bat tumatawa kayo huh!?" tanong ni Miggy

"Wait, kami ata ni Ada ang nag ihaw ng isda" sabi ni Xian

"Oo nga naman, may ginawa kami kaya wag mo kaminv tignan ng ganyan" taas noo kong sabi.

"wow! I can't believe this, parang... Parang wala akong kakampi sa grupi na 'to" angal ni Miggy sabay pout.

"ayshhhhh. Tara dito, tara!" sabi ni Sassy kay Miggy at niyakal ito. Tumingin naman samin si Miggy sabay *blehhh* 😝

"isip bata" sabi ni Hailey.

¯¯¯

We decided na mag sleep over dito sa condo ni Candy, wala rin naman kasi syang kasama dito, at ayaw naming iwan syang mag isa. Balak din naming manood ng horror movies, nagmamatapang kasi si Miggy. 😁

"Xian pakiusog yang sofa" sabi ni Hailey

"eto na higaan nyo girls" sabi ni Miggy sabay lapag sa sahig ng isang malaki at malambot na higaan. Pwinesto nya iyun sa gitna ng sala sa tapat ng tv.

"padaan!" sabi ni Xian na may mga dalang unan na patung patong at halos matakpan na ang mukha nito.

"oh ayan okay na huh, kaming apat na girls dito sa lapag, kayo naman dyan kayo sa dalawang mahabang sofa" sabi ko

"huh!? Ayaw, gusto ko katabi mahal ko noh!" angal ni Miggy

"hindi pwede noh" pakikipag talo ko

"bakit? Akin naman si Sassy ah" sabi ni Miggy

"hahaha its a big NO! sakin sya noh" mataray kong sabi

"eto na snacks natin" sabi ni Candy at kasama nya si Sassy na galing sa kitchen. May dalawa silang softdrinks in a can at mga chips.

"kahit tanungin mo pa si Sasa ko di sya tatabi sayo" pakikipag talo ko kay Miggy

"HAHA! nagkakamali ka" sabi ni Miggy sabay *blehhh* 😝 sakin

"parang mga bata" sabi ni Sassy

"mahal ko, sabihin mong tatabi ako sayo" pacute na sabi ni Miggy kay Sassy

"hindi pwede noh!" sabi ni Sassy na kinatawa namin dahil nagulat si Miggy sa sinabi nya at umupo sa sahig habang nagwawala na akala mo bata.

"ako ba pwedeng tumabi kay Ada?" tanong ni Xian na kinagulat ko. Lumakas ang tibok ng puso ko dahil dun, at nagiinit ang pisngi ko.

"HINDI PWEDEEEE!" sabay sabay na sigaw nila Sassy, Candy at Hailey kay Xian. Napayuko na lang ako sa pagkadismaya, at naramdaman ko naman na may kamay na nakapatong sa ulo. Tiningnan ko kung kaninong kamay yun, he smiled at me sabay sabing.

"ang cute mo" Wahhhhhhhhh Xian enebeeeee! Kenekeleg eke😅

*phone ringing*

"excuse me guys, tumatawag mama ko" sabi ko sa kanila. Pumunta ko sa kitchen para sagutin ang tawag ni mama

Ako: ma bakit po?

Mama: pumayag na ang papa mo na mag sleep over kila Candy kasi sabi ko naman kasama mo sila Sassy and Xian.

Ako: talaga ma? Thank you po

Mama: sige na anak, matutulog na kami, behave ka dyan huh

Ako: opo ma, good night po.

Matapos kong makausap si mama ay biglang dumating si Xian.

"ano sabi ni tita?" tanong nya

"ahh, sinabi nya lang na pumayag si papa na mag sleep over ako, kasi kasama ko naman daw kayo" sabi ko at kumuha si Xian ng mga baso.

"tulungan na kita" sabi ko at nag taka naman ako nung bigla syang huminto.

"Ada" sambit nya ng pangalan ko

"hmmm?" tanong ko

"pupunta ka ba sa... pupunta ka ba sa korea?" tanong nya na parang nagdadalawang isip sa sasabihin nya

"ano kasi... Ahmmm I was s-scrolling those post na nakikita ko sa fb (friendsbook) and nakita ko yung isang post ng tita mo na naka-tag ka" nautal nyang sabi and naalala ko yung post ni tita sa timeline ko, inaantay ako ni tita sa korea and syempre hindi ko sya papaasahin, kaya pupuntahan ko sya.

"Oo pupunta ako pe-" sabi ko pero hindi ko naituloy nung biglang dumating si Sassy

"uyy yung baso kanina pa inaantay" sabi nya. Kinuha na ni Xian ang mga baso at tinulungan ko sya. Pumunta na kami sa sala para manood ng horror movie, alam kong nakakatakot yun pero magiging masaya ako, dahil kasama ko naman tong mga tao na 'to ngayon, itong mga tao na dahilan kung bakit feeling blessed ako.

Sila ang mga KAIBIGAN KO!

-

A/N: Good morning, gosh! now lang ako nakapag update ulit and I'm sorry for that. Medyo naging busy lang sa school lalo na ngayong pandemic.

Take care always guys, actually bumaba ang followers ko pero thank you sa nga taong nag stay, nag hintay at nag titiwala sakin.

Sana patuloy nyo po akong suportahan THANK YOU SO MUCH! 😘❤️

MY FIRST LOVE.Where stories live. Discover now