MFL #02

2.2K 44 2
                                    

Ada's POV

*Kringkring* the bell rang, meaning lunch na(^v^)

inayos ko muna yung mga gamit ko before mag lunch, at nung okay na ay lumabas na ko with Sassy.

Sa paglalakad namin ay napalingon ako sa likuran at nakita ko si Xian with Cindy, and Miggy.

"naiihi ako cr muna ko" sabi ni Sassy kaya napahinto kaming dalawa at nauna na samin sila Xian.

"huh? baka mawalan na tayo ng upuan sa canteen" sabi ko

"mauna ka na lang sa canteen naiihi na kasi talaga ako" sabi ni Sassy

"sige" sabi ko. pumunta na syang cr at dumiretso na kong canteen, pagkarating ko dun ay pumila pa ko para makabili lang, kaso nung nakabili na ko ng food ko ay wala ng vacant:( mukhang kakain ako ng nakatayo nito ahh.

Tumingin tingin parin ako sa paligid kaso wala na talagang vacant, hanggang sa napako ang tingin ko kay Xian na mag isang nakaupo sa mahabang table.

Napangiti ako then I decided na lumapit sa kanya, at huminga muna ko ng malalim at tuluyan ng lumapit.

"hi" bati ko sabay upo sa upuan na nasa tapat nya kaya magkaharap kaming dalawa.

"hi din" sabi niya rin

"pwedeng makiupo?" tanong ko

"nakaupo ka na nga eh" cold nyang sabi. Oo nga pala nakaupo na ko, Ayshh! nakakahiya.

"h-hindi ka kakain?" nautal kong tanong para may masabi lang.

"kakain" tipid nyang sabi

"ahh, buti naman naging classmate ulit kita ngayon" nakangiti kong sabi

"bakit?" Cold na tanong nya

"h-huh? ah eh kasi ilang taon din kitang hindi naging classmate kaya masaya akong malaman na classmate kita ngayon" mahaba kong sabi. tsk>_<

"ok" reply nya... grabeh ang haba ng sinabi ko tapos OK lang sagot nya.

napatingin naman ako kila Miggy at Candy na kakalapit lang samin, umupo si Candy sa tabi ni Xian at umupo naman si Miggy sa tabi ni Candy.

"pagkain mo" sabi ni Candy sabay bigay ng pagkain kay Xian.

"thanks" sabi ni Xian

"may kausap ka pala dito habang wala kami ah" sabi ni Candy

"classmate ka namin diba?" tanong ni Miggy at nag nod ako sabay subo ng pagkain ko.

"magkakilala ba kayo nito?" tanong sakin ni Candy

"O—" pero di ko natapos yung sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Xian ng "No" na kinalungkot ko.

bakit nya sinabi yun? di lang naman kami close pero magkakilala kami.

"ahh ok" sabi na lang ni Candy

"teka ano nga ulit pangalan mo Ab—" sabi ni Miggy pero di ko na sya pinatapos dahil kinorek ko na sya agad.

"Ada" pag correct ko.

"ahh" sabi ni Miggy

"Hi I'm Candy" sabi ni Candy sabay abot ng kamay nya to shakehands kaya nakipag shakehands ako. then napatingin ako kay Xian na kumakain na.

"Ahmpp Xian gusto mo ng ulam ko?" tanong ko. Sinigang na hipon kasi yung binili kong ulam favorite ko kasi

"allergic ako jan" sabi niya kaya napatingin ako kay Miggy at Candy na nakatingin sakin na parang nagtataka kung bakit feeling close ako kay Xian.

"s-sorry" sabi ko

"oh" sabi ni Candy sabay bigay kay Xian ng ulam nya, at agad naman itong tinanggap ni Xian kaya medyo nalungkot ako at nasasaktan konti kasi nakikita ko mismo sa harapan ko na close na close si Candy at Xian.

"Ada" narinig kong tawag sakin at napatingin ako kung saan galing yun, then nakita ko si Sassy na may hawak na isang tray na naglalaman ng food nya. Lumapit agad sya sakin sabay tabi sa upuan.

"Wow adobo" sabi ni Miggy, at kukuha na sana sya ng ulam ni Sassy ng biglang paluin ni Sassy ang kamay nya.

"sakit nun ah" angal ni Miggy

"wag kang kukuha ng hindi sayo, at wag kang feeling close" masungit na sabi ni Sassy pero ngumiti lang si Miggy

"hi" bati ni Candy sa kanya

"hi din" seryosong sabi ni Sassy sabay subo ng food nya.

"I'm Candy and you are Sassa right?" sabi ni Candy sabay abot ng kamay nya kay Sassy para makipag shakehands. ako naman medyo natawa, hahaha Sassa daw.

"I'm Sassy" pagcocorrect na sabi ni Sassy pero di sya nakipag shakehands.

"Omg sorry" agad na sabi ni Candy

"okay lang, by the way I like your last movie" sabi ni Sassy na kinataka ko, last movie daw??

"really? I'm happy naman na nagustuhan mo" masayang sabi ni Candy

"a-anong movie?" nautal kong tanong kaya napatingin sakin yung tatlo pwera lang kay Xian na kumakain na parang walang pake.

"wait, you don't know me? I mean you don't know that I'm an actress?" gulat na sabi ni Candy, tsk ang arte mag salita. teka actress daw?

"may tv ka ba sa inyo?" tanong ni Miggy

"syempre meron" sabi ko agad.

"artista sya" sabi ni Sassy na kinabigla ko. kaya pala ganun na lang makahiyaw at makatili ang mga kalalakihan at kababaihan sa kanya.

"hindi mo alam?" tanong ni Miggy, then napatingin ako kay Xian na biglang sinubuan si Candy.

aray naman, sakit sa heart naman nito, na yung mahal mo sinusubuan ang iba at sa harapan mo pa.

"wala naman kasi akong pake" bigla kong sabi sabay tayo mula sa kinauupuan ko at umalis na ng canteen.

dumiretso agad akong Cr at tumingin ako sa salamin then nanlaki ang mata ko dahil hindi ko akalaing nasabi ko yun. tsk naging rude ako at sa harap pa ni Xian, wahhhhhhhhh ╥﹏╥ nakakahiya.

"Ada nakakahiya" sabi ko habang nakaharap sa salamin then biglang bumukas yung pintuan at pumasok si miss mangaagaw ng upuan, edi sino pa ba edi yung Hailey.

"Ada" tawag nya sakin.

"yes?" tanong ko

"gusto ko lang sabihin sayo na mas maganda ako" mataray nyang sabi

"di ko naman tinatanong ah" sabi ko

"iniinform lang kita" sabi niya, ayshhh ang yabang.

"kahit di mo na ko iinform dahil alam ko naman na" sabi ko

"na maganda ako?" tanong nya

"na pangit yang ugali mo" nakangisi kong sabi at lumabas na ng Cr, at pumunta ng room.

*****

A/n: Chapter 2~ sana po nagustuhan nyo.

thanks~

—immissline❤️

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon