MFL #33

1.2K 20 3
                                    

Xian's POV

Nasa hospital ako at nagtataka parin ako kay Candy. Kanina nung palabas na kami ng gate ng school ay bigla syang huminto at sinabi nyang

" sorry Xi, di pala ako makakasama, kaya mo yan, it's time na para makausap mo ang dad mo" at after nyan ay tumakbo sya pabalik sa loob ng school.

Nasa labas ako ng room ni papa, nahihiya at kinakabahan kasi akong pumasok. Ilang minuto pa ang lumipas ay huminga ako ng malalim sabay bukas ng pinto.

Sa pagbukas ko ay nakatingin sakin si Ate, si Trixie, ang Stepmom ko at si Dad, parang alam nila na dadating ako at nakaabang lang silang pumasok ako.

Tuluyan na kong pumasok sa loob, nakatayo lang ako at gustong tumulo ng luha mula sa mga mata ko dahil sa nakikita ko, ang dami ng nakakabit sa katawan ni Dad, grabeh na yung pinagdadaanan nya.

"Thanks for coming here Xian" sabi ni ate Trina sabay lapit sakin at niyakap ako

"Tito!" Sigaw ni Trixie at yumakap rin sakin.

Bumitaw na sila ate sa pagkakayakap sakin, at nakita kong umiiyak na si Dad at ganun din ang stepmom ko. Sinimulan kong ihakbang ang mga paa ko, at lumapit sa babaeng kinamumuhian ko, niyakap ko sya at dun na tumulo ang mga luhang pinipigilan ko.

"Salamat" sabi nya habang umiiyak

"Sorry po*sob*" umiiyak kong sabi

"Okay lang anak" sabi ng stepmom ko na kinabigla ko. Ngayon ko na lang ulit narinig ang salitang anak😭.

Bumitaw na kami sa pagkakayakap sa isa't-isa at lumabas sila ate, Trixie, at ang stepmom ko mula dito sa kwarto ni Dad.

Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama ni Dad, nakatingin sya sakin, at ibinuka nya kahit pilit ang dalawang kamay nya na nagsasabing yakapin ko sya.

"D-dad" nautal kong sabi dahil sa di ko na napigilang umiyak at niyakap ko na si Dad.

After a years... Ngayon ko na lang nayakap ang aking ama, at masasabi kong, ang gaan na ng damdamin ko.

Ganun pala talaga siguro kapag wala ka ng dinadalang sama ng loob at kapag natuto kang magpatawad.

"Sorry Dad, sorry for all the things that I've done, I promised that I will make it up to you" sabi ko

"A-anak ko" nautal na sabi ni Dad at ramdam ko ang paghikbi nya.

———

Nasa hospital parin ako, at nasa chapel ako. Pinagdadasal ko na sana, sana wag muna ngayon, gusto ko pang makabawi kay Dad *sob*

Sa taimtim kong pagdadasal ay nakaramdam ako ng isang palad na humihimas sa likod ko, napatingin ako sa kanya, ngumiti sya at tumabi sa tabi ko.

"Salamat anak, sa pagpapatawad" sabi ng stepmom ko.

"That day that your Dad chosen me between you and your mother, sobrang saya ko, pero nagsimula akong magalit sa sarili ko dahil inagaw ko sya sainyo" sabi ni Tita Karen, at nag simulang umagos ang mga luha nya.

"Nagsisisi ako, kasi dahil sakin, nasira yung relasyon nyo bilang mag ama" sabi nya

"We're okay na tita, I think we should forget that past and let's start to make a memories, only good memories" nakangiti kong sabi

"Salamat, Xian, gusto ko sanang magpasalamat sa kaibigan mo" sabi ng stepmom ko

"Si Candy po?" Tanong ko

"Hindi si Candy... Dun sa magandang kasama mo noon nung nagkita tayo, actually she told me that she's ready to help me para mapag ayos kayo ng Dad mo, wala daw syang pake kahit magalit ka pa sa kanya" sabi ni tita at biglang pumasok sa isip ko si Ada.

"You know what Xian, she's a nice girl, kind and beautiful" papuri ni tita kay Ada at di ko na napigilang mapasmile dahil sa mga narinig ko

"Dahil po sa kanya, bumukas muli ang puso ko, dahil sa kanya, nawala lahat ng galit, at lumiwanag ang dumilim kong mundo" sabi ko na may malaking ngiti sa aking labi, at bigla kong naalala yung bawat araw na masaya kaming magkasama.

*****

Ada's POV

Tapos na kong mag bihis ng damit pero di parin ako lumalabas ng kwarto ni Sassy, naalala ko parin kasi yung kanina samin Hailey.

Pumatak muli ang mga luha mula sa mga mata ko, at inalala ko ang mga masasayang memories namin noong mga bata pa kami.

*Knock knock*

"Ada! Kain na tayo" tawag ni Sassy mula sa labas ng kwarto, pero di ako umimik.

Pumasok dito sa loob ng kwarto si Sassy at kasama nya si Candy. Umupo sila at tumabi sakin dito sa kama.

"May problema?" Nag-aalalang tanong ni Sassy

"Iniisip mo parin ba si Hailey!?" Tanong ni Candy

"Bakit!? Anong ginawa ni Hailey?" Nag-aalalang tanong ni Sassy

"Sas... Si Haihai, n-nakita ko na sya ulit" sabi ko habang umiiyak at ngumiti ako kay Sassy

"T-talaga?" Nautal na sabi ni Sassy ng may ngiti sa kanyang labi at pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata.

"Si Hailey at Haihai, iisa" nakangiti kong sabi.

"P-paano!?" Nagtatakang tanong ni Sassy.

Kwinento ko lahat lahat ng nangyari samin  ni Hailey sa rooftop, at matapos nyan ay bumuhos ang mga luha ni Sassy, pero hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa saya.

"Mahal na mahal nyo si Hailey noh?" Nakangiting sabi ni Candy.

"Sobra" sagot ni Sassy.

"Sana may mga babae rin akong kaibigan na katulad nyo" malungkot na sabi ni Candy

"Kaibigan mo naman kami huh" sabi ni Sassy at nag nod ako kay Candy.

"After ng mga nangyari nung nakaraan, kaibigan nyo parin ako?" Tanong ni Candy at pumatak ang mga luha mula sa kanyang mata.

"Oo naman" sabi ko

"Cancan" Sabi ni Sassy nung bigyan nya ng nickname si Candy, at sabay kaming tatlo na natawa.

"Pwede ba kong magtanong kung pano nagsimula yung pagkakaibigan nyong tatlo!?" Tanong ni Candy samin.

"Oo ba" sagot ko.

*****

A/n: this is already edited. Sorry for waiting you guys.

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon