MFL #29

1.1K 27 0
                                    

Ada's POV

Nasa bahay ako, dito sa kwarto. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung bakit gusto akong makausap ni Candy, pero sige okay lang naman sakin, kasi gusto ko rin syang makausap. Kaso bat ganto, iba yung nararamdaman ko, para akong kinakabahan.

*Knock knock* katok mula sa pintuan ng kwarto ko

"Da!?" Tawag ni mama, kaya agad akong tumayo para pagbuksan sya ng pinto.

"Ma, bakit po?" Tanong ko

"Tumawag sakin ang tita Sally mo, sabi nya sakin, tumatawag daw sya sayo kaso di mo daw sinasagot" sabi ni mama. Si tita Sally ay mama ni Sassy😊

"Ayy ma nakasilent po kasi yung phone ko, bakit daw po ba?" Tanong ko.

"Si Sassy daw kasi nagkukulong sa kwarto, di naman alam ng tita mo kung bakit, kaya pinapapunta ka ng tita mo bahay nila, kasi di daw sya pinapakinggan ni Sassy" nagaalalang sabi ni mama

"Sige po ma, kaso gabi na po pala" sabi ko

"Sige na pumunta ka na, gabi na rin, dun ka na lang muna mag stay, tutal friday naman na bukas, ako na bahala sa papa mo" sabi ni mama na kinasaya ko kaya kiniss ko sya sa cheek😊.

"Thanks ma, pero ma, pwede bang Sunday na lang ako umuwi?" Nahihiya kong sabi at tumango lang si mama na kinasaya ko. Matagal tagal na rin kasi akong di nakakatulog sa kanila.

Agad akong nagayos ng gamit, at lumabas na ng bahay namin. Sa paglabas ko ay nakita ko si Xian, na nakatayo at nakatingin sakin.

"Gabi na ah, San ka pupunta?" Tanong nya but I ignored him.

———

Sa pagdating ko sa bahay nila Sassy ay sinalubong ako ni tita Sally.

"Ada buti dumating ka, si Sassy kasi nasa kwarto nya at naririnig kong umiiyak sya" sabi ni tita na may pag-aalala

"Ako na pong bahala tita" sabi ko at agad na kumatok sa kwarto ni Sassy.

"*Knock knock* Sas!? Si Ada toh" sabi ko mula sa labas ng kwarto nya at agad akong pinagbuksan.

"Ada*sob*" banggit nya sa pangalan ko habang patuloy sa pagtulo ang mga luha nya.

"Ano bang nangyari sayo? Tsaka bakit ka umiiyak? Sino nagpaiyak sayo huh!?" Nag-aalalang tanong ko.

"Nakita ko si Miggy *sob* kala ko iba sya *sob* kala ko mahal nya ko *sob* pero akala ko lang yun*sob*" sabi nya habang umiiyak parin

"Huh!? Ano bang ginawa nya sayo?" Nag-aalalang tanong ko at pati ako ay naiyak na rin dahil nakikita ko ang kaibigan kong nasasaktan.

"May kaha*sob*likan syang iba" hagulgul nya😭

"Sas, sorry kung pinilit kita kanina, sorry kung sinabi kong iba sya sa lahat" sabi ko

*****

Xian's POV

Nasa bahay ako ni Miggy at nandito sa sala nila. Kanina ko pa sya inaawat dahil nagpapakalunod sya sa alak.

"Sorry sa istorbo Xian huh, di ko kasi kayang awatin si Miggy" nag-aalalang sabi ni tita, yung mama ni Miggy.

"Okay lang po tita" sabi ko.

"Nasaktan ko sya, iyak sya ng iyak" sabi nya habang nakatakip ang mga kamay nya sa mukha nya at naririnig ko ang paghikbi nya.

"Tama na yan, kausapin mo na lang sya bukas" sabi ko sabay kuha ng dalawa pang beer na di pa nya nabubuksan kaso inagaw nya sakin, at binuksan nya yung isa.

"Pang anim mo na yan, tama na" sabi ko

"Gusto ko syang makausap"sabi nya at kitang kita ang lungkot sa mukha nya.

"Magpapakalunod ka talaga sa beer noh" sabi ni Candy na kararating lang at umupo sa tabi ko.

"Bat andito ka?" Tanong ko

"Katatapos lang ng shooting namin" sabi ni Candy

"Dapat di ka na pumunta rito, you need to rest" sabi ko

"Pano ko magkakapag pahinga kung ganyan yang mokong na yan" sabi ni Candy

"Hoy Migs, walang magagawa yang paginom inom mo ng alak" sermon ni Candy.

"Ayaw nya na sakin" sabi ni Miggy.

"Kasalanan talaga toh ng Kylie na yan eh, bakit ba ang kulit kulit nya" galit na sabi ni Candy

"Mahal na mahal ko si Sassy, di ko kayang mawala sya" sabi ni Miggy at ramdam kong sincere sya.

"Di pa kami pero nasaktan ko na sya" sabi nya ulit.

"Tama na yan, mas magagalit si Sassy sayo pag nalaman nya yang pinag gagawa mo, don't worry I'll help you para kausapin ka nya" sabi ni Candy kaya napatingin sa kanya si Miggy. Binitawan na ni Miggy yung boteng hawak nya at sumandal sabay pikit ng mata.

———

Nang makatulog na si Miggy ay nagpaalam na kami kay tita para umuwi. Sa paglabas namin ng bahay nila tita ay niyakap ako ni Candy, kaya niyakap ko na lang rin sya.

"May problema ka rin ba?" Tanong ko

"Wala, pagod kasi ako" sabi nya

"Tara hatid na kita para makapag pahinga ka" sabi ko pero mas hinigpitan nya yung yakap nya.

"Yan na di na ko pagod, ikaw kasi energizer ko eh" nakangiti nyang sabi sabay tanggal ng pagkakayakap sakin.

Nakangiti syang nakatingin sakin at ginulo ko ang buhok nya.

"Ayshhh bat mo ginulo buhok ko" angal nya

"Panget mo" asar ko

"Mahal mo naman" sabi niya

"Syempre naman, mahal kita cause you're my little sister" nakangiti kong sabi.

"Li-little sister?" Nautal nyang tanong

"Oo bakit? Yun yung turing namin sayo ni Miggy kaya sobrang halaga mo samin" sabi ko with a smile at parang nagiba yung expression ng mukha nya

"May problema ba?" Tanong ko

"N-nothing" nautal nyang sabi at sumakay na sya sa sasakyan nya.

"Kuya ingat po sa pagdadrive huh" sabi ko dun sa driver nya.

*****

Ada's POV

Nasa kwarto parin ako ni Sassy at magkatabi kaming nakahiga sa kama nya.

"Wag ka ng iiyak huh, sapat na yung binuhos mo lahat ngayong gabi" sabi ko at nag nod na lang sya.

Dahil sa kakaiyak ay nilagnat na si Sassy, kaya baka di sya makapasok bukas.

"Dito ka lang sa tabi ko huh" sabi nya

"Oo naman, dito lang ako, di kita iiwan" sabi ko.

Si Sassy, ang kaibigan ko... Sobrang mahal na mahal ko sya, at ayaw kong makita na nasasaktan sya. Kaya yung Miggy na yun, humanda sya sakin😤

*****

AN: Hello guysu!!! Another chapter again. by the way, basahin nyo rin po yung unang story na ginawa ko which is the "When you fall in love" and yung another story na ginagawa ko pa lang ngayon yun "Like a FAIRYTALE" thanks for reading this, please vote, comment and follow me😍😘

this chapter is already edited 😊

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon