MFL #44

223 11 5
                                    

Ada's POV

Nagtapos ang basketball championship sa score na 108 at 103, and the LUV basketball team ay masayang nagyayakapan, nagtatawanan at nagtatalunan sa sobrang saya sa gitna ng gym, sila ang nanalo sa laban, and I'm happy kasi si Miggy ang MVP, nagbunga ang mga pagod nya at pagtiya-tiyaga nya.

Nanatili akong nakatayo dito sa bench ng LUV basketball team habang pinagmamasdan sila na may kaligayan sa kanilang mga mata at labi.

Nasa gitna rin ng gym sina Sassy, Hailey at Candy, nakikisaya sila kila Miggy. Napatingin naman ako kay Xian, nakangiti sya habang kausap ang coach nila sabay yakap niya dito. Kumakaway sakin si Hailey habang tinatawag ako para lumapit sa kanila, pero mas pinili kong tumayo kung san ako naroroon para pagmasdan lang sila.

Biglang napatingin sakin si Xian, he smiled at me, di ko alam kung lalapitan ko ba sya, pero kasi kinakabahan ako, at ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakita kong papunta na sya sakin, at di ko alam gagawin ko. Nagsimula na kong iguhit ang mga ngiti sa aking labi, itong ngiti na ngayon na lang ulit nila nasilayan dahil nalubog ako sa pansamantalang kalungkutan noon.

Ngunit ang ngiti ko ay muli na namang nawala, at napalitan ng pagtataka, at pagtanong sa aking sarili kung bakit ang dalagang iyon ay nakayakap sa taong mahal ko.

Napatingin din sila Miggy kay Xian at dun sa babaeng kayakap nya, marahil sila rin ay nagtataka at nagtatanong kung sino yung babaeng yun. Pero nagulat ako nung biglang kiniss nung girl si Xian sa pisngi nito. Nasaktan ako, at kung ano ano na ang pumasok sa isip ko, na baka sila, na baka girlfriend sya ni Xian, bakit ako kinalimutan ni Xian at Hindi siguro totoo yung mga inamin nya kay Candy na mahal nya ko.

My tears started to flow down from my eyes, hindi ko na sya napigilan. I don't know why pero bigla na lang akong tumakbo palayo, I heard Sassy calling me but I ignored her.

I run and run and run and run, hanggang sa mapunta ako sa napakalawak na soccer field at di ko napigilang mapaupo at umiyak ng umiyak. Nakangiti si Xian habang kayakap ang babaeng yun.

"Sana pwede kong ibalik ang lahat, sana pwedeng ibalik ang oras*sob* i love you Xian" sabi ko habang walang tigil sa pag iyak.

"I love you too" narinig kong sabi ng isang familiar na voice mula sa likuran ko. Dahan dahan akong tumayo at hinarap sya.

"Umiiyak ka na naman" nakangiti nyang sabi sabay punas ko naman sa mga mata ko

"so-sorry" sabi ko na kinataka nya, maski ako nagtaka rin eh, siguro yan na lang ang nasabi ko dahil sa kaba.

"I'm the one who need to say sorry. Sorry if I always make you cry" sabi nya. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko, at para akong nanigas dito sa kinatatayuan ko

"huh? Ah- Its n-nice to see you again, y-you look great" yan na lang ang nasabi ko dahil sa mga sinabi ko, at di ko alam kung bakit yan ang lumabas sa bibig ko.

"I miss you so much" sabi nya na dahilan ng muling pag tulo ng mga luha ko.

"and I'm sorry" dagdag nya.

"S-sorry? For what?" tanong ko

"Sorry kasi umalis ako, without saying anything or what" sabi nya at mas lalong lumakas ang pag hikbi ko ang pag agos ng mga luha ko.

I really miss him - sabi ko sa isip ko.

"Sorry din, kasi pinaghintay kita nung araw n-" sabi ko ngunit hindi nya pinatapos, dahil nagulat ako sa bigla nyang ginawa, at yun ay yakapin ako. He hugged me ng sobrang higpit at napawi ng yakap na ito ang mga lungkot na nararamdaman ko dahil sa pag kawala nya.

"miss na miss kita" sambit nya. Rinig ko ang malakas na tibok ng aking dibdib, tibok na nagsasabing masaya ako, at tibok na para sa kanya lang. Iyak na ko ng iyak at hindi ko na talaga ito napigilan. At sa pag yakap nya sakin, alam kong ramdam nya ang tibok ng aking puso na para sa kanya lang.

"look how sweet they are" narinig naming sabi ni Hailey at nakita kong nakatayo sila ngayon sa tapat namin at pinagmamasdan kami. Kasama rin nila yung babaeng humalik kay Xian kanina. Nataranta ako at para akong nahiya kaya kakalas sana ako mula sa pagkakayap nya sakin pero lalong humigpit ang yakap nya sakin.

"Hey! Tama na yan, nilalanggam na kami" sabi ni Miggy kaya bumitaw na si Xian mula sa pagkakayakap sakin.

"ano ba, hayaan na lang natin sila" sabi ni Candy

"yeah! They've miss each other so much" nakangiting sabi ni Hailey.

"Ayoko nga, namiss ko bestfriend ko noh, gusto kong maglaro ulit kami ng basketball ngayon" sabi ni Miggy sabay lapit kay Xian at inakbayan ito.

"hayssss" reaksyon ni Sassy at sinamaan nya ng tingin si Miggy.

"okay okay, sige na, hahayaan ko na si Xian" sabi ni Miggy at niyakap nya ng mahigpit si Xian na kinatawa namin.

"You know what kuya Miggy at mga ate, I think we need to leave them alone so they can talk" sabi nung babae na humalik kay Xian

"Oo na oo na" sabi ni Miggy at binitawan nya na si Xian, lumapit naman sa kanya si Sassy at hinawakan sya sa tenga palayo kay Xian

"aray naman" angal ni Miggy

"Sige na kuya, we're leaving na" sabi nung babae

"kuya?" nagtatanong tanong ko.

"Bakit?" tanong ni Xian, napakamot na lang ako sa batok dahil sa kahihiyan na nagawa ko, pinagkamalan ko kasing mag jowa sila.

"hahaha alam namin kung bat ka nag walk out noh" tawang tawa na sabi ni Candy

"sige na iwan na namin kayo" sabi ni Hailey.

Umalis na sila ang kami na lang ni Xian ang naiwan dito na nakatayo. Di ko alam kung paano ko uumpisan, nahihiya kasi talaga ko sa nagawa ko. Tsk! Di ko alam gagawin ko, pero ayokong sayangin ang pagkakataon na 'to, ayokong maulit yung nangyari nung nakaraan, yung umalis sya na labis kong kinalungkot, kaya ngayon, sasabihin ko na ang nararamdaman ko. Kaya ko 'to!!!

***
A/n: Good evening guyssssss, sorry now lang nakapag update, now lang nagkaroon ng internet because of lockdown, sorry😅✌️

Thank you for waiting guys, I hope na magustuhan nyo tong chapter na to.

Stay safe everyone, TAKE CARE!

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon