MY FIRST LOVE.

6.1K 123 9
                                    

Ito ang story ng una kong pag-ibig...

love at first sight...

do you believe in that words?

kasi ako? I'm 99.9% sure na totoo yan(^v^), kasi yung love ko for my first love ay nag simula sa mga salitang yan ( Love at first sight )

sabi nila ang love unang nagsimula sa mata, tumambay sa isip hanggang sa naging bukam bibig at naging pag-ibig.

I'm Ada Estrada, 17 years old at isang senior high school student sa LUV high school, ako si ate girl na kumakapit sa salitang SANA na sana ng sana na mapansin nya ko, kaya SANA mangyari na yun .

Sana tulad ni Chen Xiaoxi at Jiang Chen sa A love so beautiful ay mag katuluyan din kami ni Xian, sana same kaming may feelings sa isa't-isa.

Noong grade 8 ako ang importante lang talaga sakin ay ang family ko, bestfriend ko at syempre ang pag-aaral ko, pero noong dumating ang taong nagpabilis ng tibok ng puso ko ay lalong sumaya ang buhay ko, Sya si Xian Martinez, isang transfer student sa LUV nung grade 8 ako at naging classmate ko pa sya. nagustuhan ko sya kasi ang bait nya, magalang, mahilig sa sport at matalino, kapag may mga group activity noon ay lagi kong pinagdarasal na sana kagrupo ko sya, kaso madamot ang tadhana, naging classmate ko man sya noong grade 8 ako pero kahit kelan ay di ko sya naging kagrupo, ang malas ko kasi sa bilangan, yung papabilangin kayo ng 12345 tapos lahat ng 1 magkakagrupo at ganun din yung 2345.

Hanggang sa natapos ang grade 8 days ay di kami naging close, nahihiya kasi akong lumapit sa kanya.

Akala ko pag tapos ng grade 8 magiging classmate ko ulit sya, yun pala hindi na.

Bukod sa family ko and bestfriend ko, Inspiration ko rin si Xian sa lahat ng bagay na ginagawa ko, kaya nga pinagbubutihan ko ang studies ko.

Lagi ko syang sinisilip sa room nya, at lagi akong nanonood ng mga practice game nya, alam ko na stalker na ang tawag sakin, pero wala eh, ang lakas kasi ng tama ko sa kanya.

Kaya Sana ngayong senior high school student na kami ay maging classmate ko sya. oh diba yan na naman ako sa SANA.

*****

My first love.

Annyeong!!!
this is the second story that I wrote so I hope you guys like this(^v^)

konting reminders po, yung LUV high school na ginamit ko sa story na toh ay ginamit ko na rin po sa una kong story, at galing po yung LUV sa song ng favorite kong girl kpop group idol ko na APINK (^~^). Yung mga places po, name ng characters at mga pangyayari ay galing lang po sa malawak na imagination ng mahal nyong author.

warning! plagiarism is a crime kaya wag nyo po sanang kopyahin o angkinin yung isang idea na pinaghirapan ng isang tao, okay lang po yung i-criticize nyo tong story ko and give me an advices na rin dahil makakatulong po yun sakin.

Sana po magustuhan nyo at suportahan nyo like what you guys did to the first story na napublished ko.

Read, vote and comment!!! at follow nyo na rin po ako para lalong mainspired si Author (≧∇≦)/ kamsahamnida(^~^).

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon