MFL #35

1.2K 24 0
                                    

Ada's POV

so yung batang lalaki na humawak sa kamay ko palabas ng classroom nila nung grade 3 kami ay si Xian... mula pa pala noon ay nakikita ko na sila specially si Xian. di ako makapaniwalang nagkitakita muli kami ngayon.

Flashback [Grade 3 days: nung hinawakan ako ng batang Xian palabas ng classroom nila]

"hindi parin tama yan kaya tigilan nyo na" linyang sinabi ng batang Xian at tsaka hinawakan ang kamay ko palabas ng room nila.

bata pa lang ako pero crush ko na sya agad nung araw na yun, nakatingin lang ako sa kanya habang hawak nya ang kamay ko at lumalakad kami. huminto lang kami sa playground ng school namin, at bumitaw na sya sa pagkakahawak sa kamay ko at umupo sya sa bench.

"h-hoy! bat mo ko dinala rito?" nautal kong tanong dahil napogian ako sa sobrang cool nya

"dahil maganda rito" sabi niya at nainis ako dahil ang cold nya. aishhh

Nag decide na kong umalis at lalakad na sana ako paalis kaso bigla akong napahinto nung bigla nya kong tinawag ng "hoy!" kaya napalingon ako with taas kilay.

"Dapat inisip nyo muna ang pwedeng mangyari bago kayo sumugod sa classroom namin at nakipag away" sabi nya

"pake mo ba? eh kung sa kaibigan nyo kaya ginawa ang ginawa nila sa kaibigan namin" galit kong sabi

"alam mo bata ka pa pero maagang kukunot yang noo mo kapag lagi kang magagalit" sabi niya na natatawa kaya naningkit ang mata ko sa sobrang inis

"joke lang" sabi niya sabay peace sign😅✌️ at di ko naiwasang mapangiti dahil sa smile nya

"ako nga pala si—" sabi nya pero hindi na tuloy ng biglang kumulog ng malakas at napatili ako. kaya tumakbo na kami pabalik sa mga classroom namin at nung makita nya ang kaibigan nya na nasigawan ni Sassy kanina ay tumakbo agad sya palapit dun dahil umiiyak yun at ako naman ay bumalik na ng classroom pero wala si Sassy dun at biglang dumating ang teacher namin na nakatingin sakin.

"Ada" tawag ni ma'am

"yes po?" tanong ko

"sumunod ka sakin sa office" sabi ni ma'am at ganun na nga, sinundan ko sya. sa pagpunta ko sa office ay nandun si Sassy at nakaupo. at yun ang araw na kinausap kami este pinagalitan kami ng teacher namin at principal. pinatawag din ang mga magulang namin, at matapos nun ay nilipat nila kami sa ibang school.

[End of Flashback...]

"ang sharappp" masayang sabi ni Candy. kumakain kami ngayon ng dinner at natutuwa kaming makita na masaya si Candy habang kumakain ng lutong bahay.

"ngayon na lang ulit ako nakakain ng lutong bahay" sabi ni Candy

"talaga? teka nasan ba ang mga magulang mo?" tanong ni tita Sally

"nasa ibang bansa po inaasikaso ang business namin" sabi nya na may halong lungkot.

"ahh sorry kung natanong ko" sabi ni tita ay mukhang nahalata nya ring nalungkot si Candy

"okay lang po tita" sabi ni Candy

"Don't worry Cancan lagi ka ng makakakain ng lutong bahay kapag pupunta ka dito, at kung wala kang work, pwede ka ritong magpahinga" sabi ni Sassy

"Oo nga naman Candy, welcome ka dito" sabi ni tita Sally

"Thank you po sainyo, ngayon ko na lang ulit naramdaman yun ganto, yung parang may kasamang pamilya" nakangiti nyang sabi

*burppppp* sabay takip ni Candy sa bibig sya sabay peace sign✌️ samin na kinatawa namin

"busog huh" sabi ni Sassy

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon