MFL #12

1.4K 35 0
                                    

Miggy's POV

uwian na, at buti naman maagang natapos ang practice game namin:)
nasa labas ako ng school namin sa may gate, at nakasakay ako sa motor:) may hinihintay kasi ako.

"hey Migs tara sabay tayo" sabi nung girl na lumapit sakin

"no thanks, hinihintay ko girlfriend ko" nakangiti kong sabi na kinasama ng face ni ate.

"Miggy free ka ba now? tara labas tayo" sabi ulit ng isang girl na lumapit sakin, grabeh ang hirap maging sikat.

"may date ako" sabi ko at padabog na umalis si ate girl.

"ang tagal naman nya" sabi ko habang patingin tingin sa paligid hanggang sa nakita ko si Ada na mag isa.

"Ada" tawag ko

"bakit?" tanong nya pagkalapit nya

"si Sassy?" tanong ko

"bakit mo hinahanap?" curiuos nyang tanong

"huh? ah eh wala lang" sabi ko na lang. si Sassy po kasi ang hinihintay ko.

"nasa office sya ni ma'am Santos may inutos kasi" sabi ni Ada at umalis na, teka bakit parang may kakaiba sa kanya? hindi man lang kasi sya ngumingiti.

"Miggy" tawag sakin ng familiar voice at napatingin ako kung saan galing yun. si Candy lang pala na nakasakay sa kotse nya, mukhang may shooting sya ahh. kapag wala kasing shooting yan motor ang dala.

"may shooting ka?" tanong ko at nag nod sya, oh diba tama ako:)

"nakita mo ba si Xian? di nya kasi sinasagot yung call ko" sabi niya

"nakita ko sya sa school parking lot kanina" sabi ko

"ahh, sige kapag nakita mo sya ulit sabihin mo wag nya ko kalimutang sunduin:)" sabi nya at nag ok sign na lang ako sa kamay ko👌

naghintay pa ko ng ilang oras, siguro nag tataka kayo kung bakit ko sya hinihintay:) kasi gusto ko syang ihatid:) actually I like her since the first time I saw her, at yun yung araw ng unang pasukan, nung nag pakilala sya napako ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya, I think eto yung sinasabi nilang Like at first sight:) hahaha, ang astig nya, kaso masungit.

sa pag aantay ko ng matagal ay sa wakas andito na sya at malapit na sa gate.

"Sassy" tawag ko sabay kaway, kaso bigla syang napahinto sa paglalakad at biglang tumalikod. anyare sa kanya???

"hey Sas" tawag ko ulit at humarap na sya, hindi man lang sya sakin tumingin, tuloy tuloy lang syang naglalakad hanggang sa makalabas na sya ng school gate, akala ko lalapitan nya ko kaso hindi pala, nilagpasan nya lang kasi ako, kaya dali dali akong sumakay ng motor ko at pinaandar ko ito ng sobrang bagal at sinusundan ko lang sya sa may likuran nya. pero napahinto ako nung bigla syang huminto at humarap sakin at nakita ko na parang galit na sya.

"bakit ba?" masungit nyang tanong

"gusto lang sana kitang ihatid" sabi ko habang nakangiti

"ayoko!!! kaya pwede ba tigilan mo na ko at wag mo na kong lalapitan" sabi niya, at nag simula ng maglakad palayo sakin, at dahil sa sinabi nyang yun medyo nasaktan ako. hinayaan ko na lang sya lumakad na at hindi ko na sya sinundan, kasi baka lalo syang magalit sakin.

"kahit sungitan mo pa ko ng sungitan hindi ako titigil hanggang sa maging close na tayo sa isat isa" sabi ko at nanatiling nakangiti.

*****

Ada's POV

from school ay dumiretso muna ko sa store na malapit lang sa lugar namin, tumambay muna ko at kumain ng kumain:( dito ko na lang ilalabas yung lungkot ko:( bumili ako ng dalawang footlong at isang chocolate Ice cream na half of gallon. naubos ko na yung dalawang footlong at ngayon naman etong ice cream na ang nilalantakan ko, nakakainis kasi eh ang tagal tagal kong hinihintay na maging kami kaso may girlfriend na sya:(

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon