MFL #34

748 22 0
                                    

This is the story kung paano nagsimula ang pagkakaibigang Sassy, Ada and Hailey.

*****

Ada's POV

FLASHBACK...
[Elementary Days: Grade III]

Unang araw ng pasukan nun sa grade 3. mag kasama kaming dalawa ni Sassy at kasama rin namin ang mama ko at ang mama ni Sassy. hinahanap namin ang classroom namin at pareho naming nakita ni Sassy ang isang batang babae na sobrang kulot ang buhok at may bilog at makapal na salamin na suot sa kanyang mata. walang kasama ang batang babae na yun na magulang nya, kaya sa unang araw ng pasukan ay nakita namin na binubully sya.

"Mama may pupuntahan lang po kami saglit" paalam namin ni Sassy.

"sige basta bilisan nyo, hahanapin pa natin ang mga name nyo sa mga classroom" sabi ng mama ko

"opo ma saglit lang po kami" sabi ko kay mama.

"tara" sabi ni Sassy at lumakad na kami palapit sa batang babae na nasa corridor sa may sulok at patuloy na binubully ng ibang bata.

"hahaha ang panget"

"kulot salot"

"tatlo mata"

"labo labo"

yan ang mga asar ng ibang bata sa kanya, nakayuko lang ang batang babae na yun at hinahayaan lang nya na bulihin sya.

"hoy!" sigaw ni Sassy kaya natahimik ang mga batang yun sa pang aasar.

"sino ka naman?" tanong nung matabang batang babae

"kaibigan nya kami" matapang kong sabi at napatingin samin ang kulot na batang babae na may suot na salamin at nakita naming umiiyak sya.

"kaibigan? talaga? may kaibigan pala sya hahahaha" sabi ulit ng matabang batang babae.

"pag di nyo nilayuan ang kaibigan namin malalagot kayo sakin" galit na sabi ni Sassy at nakita naming natakot na ang mga batang yun at nagsialisan na kaya dali dali na naming nilapitan ang bata

"okay ka lang ba?" tanong ko

"salamat" sabi ng kulot na batang babae.

"tahan na" sabi ni Sassy at inabot ang panyo nya sa bata.

"salamat" sabi ng bata, tinanggal nya ang salamin nya at pinunasan ang luha nya.

"hindi ka dapat pumapayag na awayin ka nila" sabi ni Sassy

"di kasi ako marunong lumaban at ayoko ng nakikipag away" sabi ng bata matapos nyang punasan ang mata nya at sinuot muli ang salamin nya.

"pareho tayo:) actually lagi rin akong binubully pero may bestfriend ako at lagi nya kong pinagtatanggol" nakangiti kong sabi sabay akbay kay Sassy.

"buti kapa, kasi ako wala akong kaibigan" malungkot nyang sabi na kinalungkot rin namin ni Sassy.

"anong wala, di mo ba narinig yung sinabi ko kanina? sabi ko sa bata kaibigan mo kami" nakasmiled kong sabi.

"pero transfer ako dito at ngayon ko lang kayo nakita" sabi niya

"ganun ba, edi kami ang una mong kaibigan dito okay ba yun?" tanong ni Sassy at nag smiled ang bata.

"kayo ang first kaibigan ko" nakangiti nyang sabi.

"ako si Sassy at ito si Ada" pakilala ni Sassy

"ako naman si Hailey" pakilala nya

"teka alam mo na ba ang room mo? at bakit wala kang kasama o kaya mama mo?" tanong ko

"busy kasi ang mama ko sa work nya pati ng papa ko kaya hinatid na lang nila ako dito, at nung hinahanap ko ang classroom ko ay bigla akong inaway nung mga bata kanina" sabi nya

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon