MFL #43

560 29 20
                                    

Ada's POV

I wake up in the morning and I already did my morning routines before going to school.

"Aga mo atang papasok" sabi ni mama

"Bye ma, pa" sabi ko at kiniss ko sila sa pisngi.

"Mag iingat ka huh!" Sabi ni papa. Bago pa man ako makalayo kila mama ay narinig kong may sinabi si papa

"Pansin kong ilang buwan ng ganyan ang anak mo, yung tahimik lang, namimiss ko na tuloy yung madaldal kong anak" sabi ni papa na parang tumusok sa puso ko, bigla kong narealized na masyado na pala akong nilalamon ng kalungkutan, di ko na nabibigyan ng oras yung mga tao at bagay sa paligid ko.

Nasa bus ako, punuan kaya nakatayo na lang ako. Nakatingin lang ako sa labas nitong bus, at pinagmamasdan ang bawat madaanan. Bigla namang pumreno ang bus na sinasakyan ko, muntik na kong matumba pero may biglang humawak sa dalawang balikat ko mula sa likuran ko. Nagulat ako dahil sa mga pangyayari, nung muling umandar ang bus ay naramdaman kong wala ng kamay na nakaalalay sa balikat ko, sinubukan kong lumingon para magpasalamat sa kanya at nakita kong isang babae ang nasa likuran ko na nakatayo din tulad ko.

"Salamat sa pag-alalay sakin kanina" sabi ko sa babae

"Huh? Nako hindi ako yun miss, yung lalaki yun kanina kaso bumaba na" sabi niya

"Okay po" sabi ko na lang

Nakababa na ko mula sa bus at naglalakad lakad na ko dito sa loob ng aming eskwelahan. Itong paaralan na 'to ang saksi sa lahat ng katangahan at kalokohan ko, ito ang saksi kung paano ko sundan si Xian araw araw. Dito nagsimula ang lahat, lalo na ang kwento naming dalawa, pero ito na ang huling taon na masisilayan ko ang school na 'to, ito na kasi ang huling taon ng pamamalagi namin dito.

"ADA!!!" Narinig kong tawag sakin. Agad akong napangiti when I saw Sassy, Hailey at Candy na nasa malayo at kumakaway sakin.

Dalidali akong tumakbo palapit sa kanila, sa paglapit ko ay agad ko silang niyakap.

"Hey, what's the matter huh?" Tanong ni Hailey

"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Candy

"Namiss ko kayo" sabi ko with a smile.

"We miss you Ada" sabi ni Candy

"Miss agad? Parang kahapon lang magkakasama tayo eh" sabi ni Hailey then we laughed.

"Sorry kung pinag alala ko kayo ng ilang buwan" sabi ko

"Okay lang" sabi ni Sassy

"I realized na masyado na pala akong nilalamon ng kalungkutan kaya hindi ko na napapansin yung mga tao at bagay na nasa paligid ko, kaya sorry" sabi ko habang nananatili kaming magkakayakap sa isa't-isa

"Don't worry Ada magiging okay na rin ang lahat" sabi ni Candy.

———

Nandito na kami sa gym, at nakaupo kami dito sa likuran ng bench ng LUV basketball team.

Simula kanina nung pagkapasok namin dito sa gym ay parang nag iba yung pakiramdam ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko, I think kinakabahan ako, pero di ko alam kung bakit.

Magkakatabi kaming magkakaibigan dito sa upuan. Nasa left side ko si Candy at katabi nya si Hailey, sa right side ko naman ay si Sassy.

"GO MAHAL!!!" sigaw ni Sassy, agad namang tumingin sa kanya si Miggy at nagbigay ito ng isang flying kiss na sinalo naman agad ni Sassy.

"Sobrang sweet talaga ng dalawang 'to" sabi ko sa isip ko

"Kainggit naman sila" sabi ni Hailey

"Sobra" sabi naman ni Candy habang nakapout. Natawa na lang ako sa kanila, at masaya akong nakikita sila na ganyan.

Hindi pa nagsisimula ang game, pero sobra sobra ang kaba na nararamdaman ko, di ko naman alam kung bakit, eh hindi naman ako yung maglalaro.

Dumating na ang ibang player ng LUV basketball team at ganun din yung kabilang school.

Habang di pa nagsisimula ang laro ay mas pinili kong mag cellphone muna. Inopen ko yung social media account ko which is fb (Friendsbook) at nilibang ko ang sarili ko sa pagtingin ng mga post ng mga friends ko dito.

Narinig kong pinapakilala na isa isa yung bawat player ng LUV basketball team, pero mas pinili kong manatiling nakatitig sa picture ng taong namimiss ko. 2 months ago pa simula nung mag online sya ng fb nya, at lagi kong hinihintay na ichat nya ko pero wala.

Announcer: number 10 Miggy Villanueva.

Narinig ko ng tinawag nung announcer ang pangalan at jersey number ni Miggy pero mas pinili kong magpaka busy sa fb at titigan ang mukha ng taong gusto kong makita.

Mula sa pagiging busy ko sa pag tingin ng mga pictures ni Xian sa fb ay bigla akong napahinto sa pag scroll down nung marinig kong may sinabi ang announcer na dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko at pag hinto ng pag ikot ng aking mundo.

Announcer: jersey number 1, Xian Martinez

When I heard that name, biglang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko, at sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko, nakita ko na lahat ng tao ay nakatingin sa iisang direksyon lang. Tumingin din ako kung san sila nakatingin, at dun ko nakita si Xian na patakbong lumalapit sa mga kateammates nya.

I close and open my eyes many times sa pag aakalang guni guni ko lang ang lahat, pero hindi. He's wearing his jersey at nakatayo sa gitna ng court kasama sila Miggy at ang iba nilang kateammates.

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko, parang gusto ng sumabog ng damdamin ko dahil sa sobrang saya dahil muli ko syang nakita.

"Surprise Ada!" narinig kong sabi ni Sassy. Nanatili lang akong nakatitig kay Xian at patuloy parin sa pag agos ang mga luhang dulot ng kasiyahan.

Hindi pa nagsisimula ang laro, at habang nakatitig ako kay Xian ay bigla syang tumingin sakin.

I expected na hindi nya ko lalapitan kasi sure akong galit sya sakin dahil di ko sya sinipot nung araw na nakikipag kita sya... Pero mali ako, papalapit na sya ngayon sa pwesto ko na nasa likod lang naman ng bench ng team nila.

Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay isang malakas na kabog ng dibdib ko at patuloy sa paglabas ng luha ang aking mga mata na dulot ng labis na kasiyahan.

Sa paglapit ni Xian sa pwesto namin nila Sassy ay hindi parin naalis ang tingin ko sa kanya, di parin kasi ako makapaniwalang nasa harapan ko ngayon, ang taong matagal kong hinintay.

He smiled at me, at pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang daliri nya. Gusto ko syang yakapin ng mahigpit at gusto kong sabihin lahat lahat ng nararamdaman ko, pero hindi pwede ngayon.

"I'm sorry for waiting you so long" sambit nya.

Patuloy lang ako sa pag iyak dahil di ako makapaniwala na nasa harap ko ang lalaking matagal kong hinintay.


***
A/N: Hello guys, good evening, sorry if now lang ulit nakapag update, busy kasi sa school and sa work. Bakasyon namin ngayon because of Covid-19 kaya ito na ang nahanap kong dahilan para makapag update. Guys please keep safe, manatili na lang tayo sa loob ng bahay natin, gayahin nyo ko, nagtitiktok at nag wawattpad lang dito sa house namin, and guys, magdala kayo ng alcohol and magsuot kayo ng mask para makasigurong ligtas tayong lahat, kulong muna natin sarili natin sa bahay, gawa na lang tayo ng ibang activity with our family. God bless to us😊😘💕

Thank you sa paghihintay guys sa bagong chapter ng story na 'to, thank you kasi di nyo ko iniwan, and I hope na manatili pa kayo dyan to support me, salamat po😘💕❤️

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon