MFL #37

1.1K 20 0
                                    

Ada's POV

*Yawn* bumangon na ko sa kama ko at agad na ginawa ang morning routines ko before going to school.

After kung magasikaso ay agad na kong lumabas ng bahay, pero napahinto ako sa paglalakad nung mapatingin ako sa bahay nila Xian at naalala ko yung message nya sakin kahapon.

Oo nga pala, di ko pa sya nireplyan, kaso naseen ko, pano kung maghintay sya? Ayshhhh bahala na nga, PAPASOK NA KO!!!😂

*****

Sassy's POV

*Yawn* inaantok pa ko.

Nasa tapat na ko ng school namin, pero bago ko pumasok ay huminga muna ko ng malalim, bakit!? Hmmm... Nag decide na kasi akong kausapin si Miggy.

Sa paglalakad ko sa school, napansin kong konti palang ang mga studyante, masyado ata akong maaga😂.

Nakarating na ko sa tapat ng classroom namin. Nasa labas palang ako pero kita ko na si Miggy mula dito sa bintana.

Nakatitig sya sa phone nya at nalungkot ako ng makitang malungkot sya :'( nasa likod nya na si Xian na nakaupo at nakatitig rin sa phone nya.

Bago ako pumasok ng room ay huminga muna ko ng malalim, at pumasok na.

Sa paglalakad ko papunta saking upuan ay napatingin ako kay Miggy na nakatingin sakin, pero binawi ko ang tingin kong yun at naupo na.

Sinubukan kong muling tumingin sa kanya, pero di na sya nakatingin sakin. Tumayo sya at naglakad, pero bago sya makalabas ng classroom ay nakita kong nahulog ang phone nya mula sa bulsa nya. Tumayo ako agad at pinulot yun, sa pag open ko ay napangiti ako at di ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko.

Tears of joy😊, picture ko yung wallpaper ng phone nya.

Sinundan ko sya, pero asan na nga ba sya!?. Naglakad lakad lang ako kahit saan ako dalhin ng mga paa ko, pero walang Miggy.

Nasan na ba sya!? 😞 Naglakad ako ulit at napahinto ako sa tapat ng Gym. May naririnig ako na parang may naglalaro, pero baka may training sila, pero ang aga pa, tsaka nasa room si Xian.

I decided na pumuntang gym, at napangiti ako ng makita ko si Miggy na hinagis yung bola ng malakas papuntang ring, pero di na-shoot, sa halip ay bumalik pa sa kanya at tumama sa ulo nya kaya napa-upo sya. Nabigla ako sa nakita ko at tanging kaba ang naramdaman ko nung bumagsak sya, kaya agad ko syang nilapitan ng may pag-aalala

"M-Miggy okay ka lang!? Nasaktan ka ba!? Dumugo ba!?" Taranta at nag-aalala kong sabi.

"A-aray!" Sabi nya sabay hawak sa parte ng ulo nya na tinamaan

"Tara na sa clinic" pag-aaya ko, hinawakan ko ang kamay nya para itayo sya, pero hinila nya ko kaya napaupo ako sa binti nya na kinagulat ko.

Ang bilis ng tibok ng puso ko, ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko, at parang tumigil ang pagikot ng mundo

"S-Sassy" sambit nya at niyakap ako.

"Miggy! Nasa school tayo, bitawan mo ko" sabi ko pero mas hinigpitan nya ang pagkakayakap sakin.

"Sorry, di ko sinasadya" sabi nya at narinig kong humikbi sya. Umiiyak sya.

"Mahal na mahal kita, yung nakita mo wala y-" sabi nya pero di ko na sya pinatapos dahil tumingin ako sa mga mata nya at pinunasan ang labi nya gamit ang kamay ko.

"No need to explain Migs" nakangiti kong sabi habang nakatingin at hinahawakan ko ang labi nya na pinupunasan ko pa rin, gusto ko kasing mabura yung pagkakadikit nung labi nung babaeng yun sa labi ni Miggy😤

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon