MFL #46

70 5 0
                                    

Ada's POV

It's already 8 pm. Nandito kami sa condo ni Candy at kumpleto kami, kasama din namin ang dalawang bata (Trixie and Robin). We're eating our dinner at sobrang saya namin.

"Tito Xian can you himay me this" sabi ni Trixie sabay turo sa inihaw na isda.

"ate Ada" tawag sakin ni Robin, inalok nya ko ng pagkain and hindi naman ako nag dalawang isip pa para tanggapin ito.

"Thanks Rob" sabi ko. Kumain na ulit sya at napansin ko na hindi nya alam ang gagawin nya sa isda na nasa plato nya.

"akin na, himayin ko para sayo" pag aalok ko na kinatuwa nya

"ate Ada yung akin din" sabi ni Hailey in a cute voice like a kid. Kaya naman natawa ako at ganun din sila

"ako na mag hihimay ng 'yo" sabi ni Sassy

"pati yung akin?" tanong ni Candy kay Sassy at nagpacute pa ito

"Sige sige na" sabi ni Sassy.

Natapos na kaming mag dinner at ang lahat ay nandito sa sala para manood ng movie. Pinapanood namin ang nakakakilig na movie ni Candy na kung saan ay nasa korea sya at katambal nya dito ang isang sikat na idol kpop star😍

*Ding dong* the bell rang

"I think it's mom" sabi ni Robin, dali dali syang tumayo at patakbong pumunta sa pintuan. Sa pagbalik nya ay kasama nya ang isang magandang babae na halos kasing edad lang ng mga magulang ko.

"Hi girls" bati nya samin habang nakangiti.

"Tita" masayang sabi ni Candy at dali daling tumayo upang yakapin ang babaeng nasa harap namin.

"I miss you so much Candy, you look so beautiful" sabi nya. Mukhang ito ang mommy ni Xian, ang biological mom nya.

"I miss too po, ang ganda ganda nyo po" sabi ni Candy

"thank you Candy, until now bolera ka pa din. By the way where's your mom and dad?" tanong nya

"nasa business trip po" sabi ni Candy. Bigla namang tumingin samin ang mom ni Xian

"by the way tita, this is Hailey, Sassy and Ada" pagpapakilala ni Candy samin

"mom she's beautiful diba?" tanong ni Robin sa mommy nila na kinagulat ko, tsk kinakabahan ako

"Oo, she's very beautiful" sabi nya

"salamat po" sabi ko with a smile

"pero mas maganda po kayo" dagdag ko na kinatuwa nya

"mom andyan ka na pala" sabi ni Xian na kalalabas lang galing kusina

"I'm here to pick Robin and Trixie" sabi ng mom nya

"let's go na po lola" sabi ni Trixie

"okay, so pano mga bata, uuwi na kami huh" sabi ng mom nya

"ingat po kayo" sabi ko. Lumakad na sila palapit sa pinto, pero huminto saglit ang mom nila Xian, lumingon ito sabay tingin sakin with a smile.

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon