MFL #30

1.1K 26 4
                                    

Ada's POV

Sa paggising ko ng umaga ay ginawa ko na yung morning routines ko before going to school.

"Ada mag almusal ka na, dadalhan ko muna si Sassy ng almusal sa kwarto nya" sabi ni tita Sally.

"Ako na po tita" sabi ko

"Ako na Ada, kumain ka na jan kasi baka malate ka pa" sabi ni Tita

"Hmm... Tita mag oopen ba kayo ng restaurant today?" Tanong ko

"Hindi muna siguro, kailangan kong alagaan si Sassy" sabi ni tita

"Sige po tita tutulungan ko po kayo sa restaurant, tutal pinayagan naman ako ni mama na mag stay dito hanggang Sunday" sabi ko

"Salamat Ada, sige na kumain ka na" sabi ni tita

"Ipapaalam ko na rin po sa teacher namin yung about kay Sassy" sabi ko

"Salamat Ada" sabi ni tita, ngumiti na lang ako at kumain na. Si tita naman ay lumakad na bitbit ang isang tray papunta sa kwarto ni Sassy.

———

Maaga akong nakarating sa school at konti pa lang kaming andito sa classroom. Nakaupo ako sa upuan ko at dahil wala pa naman kaming teacher ay kinuha ko muna ang phone ko mula sa bulsa ng palda ko at nag open muna ko ng FB (FriendsBook).

Ang tagal ko na rin di nakapag social media, siguro mahigit 1 week na, hahahaha😂✌️. Ang dami kong friend request, sikat pala ko, charot😂. May mga messages din ako, at nakita kong may message sakin ang tita kong nasa korea, si tita Lucy.

Tita Lucy: How are you my beautiful pamangkin? Sabi ng mama mo tumanggi ka daw sa alok ko? Nagtatampo na tuloy ang tita sayo😢. Diba mahilig ka sa mga kpop and kdramas? It's your chance para makita yung mga idols mo in person. Tara na dito sa Seol.

Nung mabasa ko yun ay napangiti ako. Kaya agad ko syang nireplyan.

To Tita Lucy: Okay lang naman po ang maganda nyong pamangkin. Pero ta, sorry po kung tinanggihan ko po yung alok nyo, ayoko po kasing malayo kila mama at papa.

*Bell rang*

Start na ang klase, kaya tinago ko na ang phone ko, at di ko namalayan na nandito na pala lahat ng kaklase ko😂 sobrang busy sa social media eh.

"Good morning class" bati ni ma'am Santos

"Good morning ma'am" bati namin

"Ma'am" tawag ko

"Yes Ada?" Tanong ni ma'am

"Di po pala makakapasok si Sassy dahil may lagnat po sya" sabi ko

"Ganun ba, sige dahil absent si Sassy, Ada pwede bang ikaw na magcollect ng assignment ng mga classmates mo?" Sabi ni ma'am

"Ok ma'am" sagot ko.

Nagsimula na kong mangolekta ng mga assignment ng iba at nung kila Miggy na yung kukunin ko ay, nakatingin sakin si Miggy pero tinarayan ko na lang. Si Hailey naman inabot sakin yung papel nya sabay roll ng eyes nya. Si Candy naman ay nag abot sakin without looking at me. Samantalang si Xian ay nakatingin sakin sabay abot ng papel.

[Lunch Break]

Sa pagbell ay agad na kong lumabas ng classroom, tsk nagugutom na ko😣

Naglalakad na ko sa corridor pero napahinto ako when someone grab my left hand na kinabigla ko.

Napatingin ako sa kanya ay nakikita ko sa mata nya na malungkot sya.

"M-Miggy" nautal kong sabi dahil first time kong nakitang seryoso sya.

"Kamusta si Sassy?" Tanong at tinanggal ko yung kamay ko sa pagkakahawak nya.

"Ayun sa kakaiyak nag kasakit" mataray kong sabi

"Hindi ko gustong saktan sya, mali yung nakita nya, please help me, I need to talk to her" sabi nya at ramdam kong sincere sya, at nabigla ako ng may luhang tumulo mula sa mga mata nya.

"Bat kita tutulungan? Eh sinaktan mo nga yung kaibigan ko diba, kaya please Miggy, tigilan mo sya" sabi ko at lumakad ng muli.

"Papatunayan kong mahal ko sya" sabi nya pero di ko na pinansin.

[Canteen]

Nakapwesto ako sa table na pang 2 persons lang. Tsk, this is the first time na kumakain ako ng mag isa, di ako sanay ng wala si Sassy.

Kumakain lang ako ng kumakain, ano pa bang gagawin ko? Eh wala naman akong makakausap dito.

"Ada" sabi ng isang familiar voice, pero di ko nalang pinansin. Napahinto naman ako sa pagkain ko nung umupo sya sa upuan na nasa harapan ko, at napatingin ako sa kanya pero bumalik na lang ako sa pagkain.

"Sorry for what I've said to you, di ko sinasadya, and gusto kong mag thank you, kasi, you're the reason kaya nalaman ko na may sakit pala ang Dad ko" paliwanag nya, di ko alam kung matutuwa ba ko or what, tsk, ang sakit kasi ng mga sinabi nya.

"Dadalawin ko yung papa ko sa hospital mamaya, pero gusto ko kasama kita" sabi nya na kinabigla ko kaya napahinto ako sa pagsubo ng pagkain ko at napatingin ako sa kanya.

"Bak—" sabi ko pero di natuloy ng biglang dumating si Candy.

"Hey Xi, tara bili na tayo" sabi nya

"Sige" sabi ni Xian at nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, kasi isang sabi lang ni Candy, Go agad sya. Sasabihin ko sana na "Bakit ako? Bat hindi si Candy?" Kaso di ko nasabi, hayaan na nga natin.

*****

A/n: thanks for reading mga readers, i love you all😘❤️

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon