MFL #03

2K 51 1
                                    

Ada's POV

*Kringkring* uwian na.
tsk nakokonsensya ako sa naging asal ko, nadala lang naman ako ng selos eh kaya naging rude ako.

"mall tayo" aya sakin ni Sassy habang inaayos ko yung mga gamit ko.

"mall?" tanong ko

"kelan ka pa nabingi huh?" birong tanong ni Sassy at nakita ko naman si Miggy at Candy na lumabas na ng classroom, at nakita ko si Xian na hindi pa nakakalabas kaya dali dali akong lumapit sa kanya

"Xian" tawag ko kaya napatingin sya

"sorry nga pala kanina" sabi ko

"wala ka namang kasalanan diba" seryoso nyang sabi

"I mean yung kanina sa canteen, alam ko medyo naging rude ako" paliwanag ko.

"eh ano ngayon" sabi nya

"sorry" sabi ko

"kay Candy ka mag sorry" sabi niya

"a-ayoko" nautal kong sabi, naiinis nga ko dun eh>_<

"Ahmm Xian mall tayo" aya ko para maiba ang usapan

"ayoko" sabi nya at naglakad na palabas ng room

"sabi na nga ba may gusto ka sa Xian ko eh" sabi nung Hailey at naglakad na rin palabas ng room

"Xian mo? wow ! ang lakas mo rin ano, wag kang feeling" nanggigigil kong sabi

"hoy sino kaaway mo huh?" tanong ni Sassy

"yung Hailey, inaangkin kasi si Xian" inis kong sabi

"tsk, yun lang pala" sabi nya at lumabas na ng room, ayshhh iniwan ako>_<

[Mall]


After school ay dumiretso agad kami ni Sassy sa mall. nasa isang kpop store kami at tumitingin lang ng mga items(^v^), hindi po kami bibili, hahaha ang mamahal po kasi.

"pogi ng eunwoo ko dito oh" sabi ni Sassy sabay turo sa isang sticker na si Eunwoo ng Astro ang nakalagay.

"ko ka jan, akin yun noh" sabi ko

"sige sige iyo na" paubaya nya, hahaha:)

after kpop store ay pumunta naman kaming bookstore kung saan libre ang magbasa, hindi tulad sa ibang bookstore na madamot.

Dahil andito kami sa bookstore, ayun naghanap ako ng mga story about love at marami sila dito:) at ito namang si Sassy mystery about crime ang binabasa, hilig nya po kasi yan because she want to be a detective someday kasi.

"ano yan?" tanong ko

"wag kang maingay nagbabasa ako, malapit ng mahuli ng detective yung totoong may kasalanan sa krimen" sabi nya kaya I zipped my lips na lang at umupo ako sa tabi ni Sassy at binasa tong libro na nakuha ko.

Itong libro ay tungkol sa isang girl na may gustong gusto na lalaki sa school nila. patuloy ko lang na binasa kaso ang haba ng story na toh kaya I decided na bilhin ko na lang.

"tara ice cream tayo" aya ko

"sige" sabi nya. pumunta muna kami sa counter para bayaran tong libro na binili ko at ito namang si Sassy binili nya yung librong binabasa nya, hahaha lagi kaming andito at always nyang binabasa yung story na yun tapos kung kelan tapos nya na basahin tsaka nya lang naisipang bilhin, hay nako!

"binili mo kung kelan natapos mo na, dapat nung simula pa" biro ko

"syempre kapag nagustuhan ko bibilhin ko, eh maganda yung story kaya binili ko" nakangiti nyang sabi.

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon