MFL #25

1.1K 35 2
                                    

Ada's POV

nandito ako sa kwarto ko at naalala ko ang sinabi ko sa stepmom ni Xian na tutulungan ko syang kausapin si Xian, aishhhh pano ko tutulungan si tita kung galit sakin si Xian.:( teka nga, Oo nga pala, galit sila sakin ni Candy at hindi ko alam kung bakit.

Tahimik lang ako dito sa kwarto ko, nakahiga at muli kong naalala ang lahat ng masasakit na sinabi nila.

"pwede ba, wag kang mag kunwaring nag aalala ka kahit di naman" — Candy

"baka naman hinanap mo ko hindi dahil gusto mo, kundi para mapansin lang ni Xian" — Candy

"wag kang mag pretend na kaibigan ko dahil ang totoo kinaibigan mo lang ako para mas mapalapit kay Xian" — Candy

"okay lang *sob* kung ayaw mong ipahiram sakin *sob* yung extra uniform mo" — Candy

"Ada *sob* I'm happy to have you and Sassy to be my friends, pero it's hurt me when I found out na kinaibigan mo lang ako just to get Xian's attention at para mapalapit sa kanya" — Candy

"I thought you're my TRUE FRIEND, pero tulad ka rin ng iba *sob* manggagamit ng tao para mapalapit sa taong gusto nila. Isa kang plastic, mangagamit." — Candy

"kaibigan ka diba? pero uniform lang pinag dadamot mo?" — Xian

"I thought na kinaibigan mo talaga si Candy dahil gusto mo, yun pala gagamitin mo. Magkaibigan na tayo, nakalapit ka na sakin, I think its enough para tigilan mo na ko at si Candy, tama na yung pagpapanggap mo" — Xian

Tsk! I can't stop my tears. Lumabas na ito sa mga mata ko.😭

Sobrang sakit ng mga narinig ko, pero mas masakit kasi galing pa kay Xian.

Mas nasaktan din ako, nung makita kong magkayakap sila sa harap ko. Ito na siguro yung sign na kahit kelan, hindi nya ko magugustuhan, kasi kitang kita naman na si Candy talaga ang gusto nya.

*knock knock* agad kong pinunasan ang luhang lumabas mula sa mga mata ko at pinagbuksan ang nasa pinto.

"ma bakit po?" tanong ko

"hinahanap ka kasi ni Xian" nakangiting sabi ni mama. Napaisip ako kung bakit, pero siguro mag sosorry sya. Sana...

"talaga po?" tanong ko

"oo, nasa labas nga lang sya eh, pinapapasok ko naman kaso ayaw nya" sabi ni mama

"ganun po ba? sige ma salamat" sabi ko at agad na kong lumakad.

Pagdating ko sa harapan ng pintuan namin ay agad muna akong huminga ng malalim at binuksan na ang pinto.

nakatayo sya sa harapan ko at nakatingin sakin, I gave him a weak smile, pero sya? Parang may galit sa mata nya.

"bakit?" tanong ko at seryoso syang nakatingin sakin.

"sumunod ka sakin" seryoso nyang sabi at lumakad na sya kaya sinundan ko na lang.

Sa paglalakad naming dalawa ay nakatingin lang ako sa kanya at ang lakas ng kaba ko na parang may mangyayaring di maganda.

huminto kami sa park, sa park kung saan nya ko tinuruang mag bike. naupo ako sa bench pero nakatayo lang sya at seryosong nakatingin sakin.

"ano bang kailangan mo?" tanong ko

"bakit mo kinausap yung babaeng yun?!" galit na tono nyang tanong.

"babae? you mean your stepmom?" tanong ko. teka bat nya alam? nakita nya ba kami?

"OO!!!" sigaw nya na kinagulat ko at lalong kinabilis ng kabog ng dibdib ko

MY FIRST LOVE.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora