MFL #01

3.4K 69 3
                                    

Ada's POV

*yawn* maaga akong nagising sa sobrang excited ko(^v^) Unang araw kasi ng pasukan ngayon at tulad ng dati, pinagdadasal ko na naman ngayon na sana classmate ko na si Xian:) kasi nung huli ko syang naging classmate nung grade 8 pa kaya sana naman ngayon umayon na si TADHANA(^~^).

Dahil first day ay ayaw kong malate:) kakahiya naman kung first day na first day late ako.

Ginawa ko na yung morning routines ko before going to school, and I double check na rin my things kasi baka may makalimutan ko.

"hatid na kita?" Alok ng papa ko

"no need na pa, maaga pa naman po eh at baka malate ka" sabi ko kay papa na agad namang tumingin sa relo na nasa wrist nya.

"malelate na nga ko, honey alis na ko huh" sabi ni papa kay mama sabay kiss sa lips ni mama

"ingat ka honey" sabi ni mama at umalis na si papa.

"ikaw di ka pa ba papasok?" tanong ni mama sakin.

"papasok na po" sabi ko sabay tingin ko ulit sa salamin na nakasabit sa pader namin, gusto ko lang kasing masiguro na maayos ang mukha ko lalo na't first day ngayon at baka classmate ko pa si Xian kaya nag pulbo ako at nag lagay ng liptint para naman hindi ako mukhang maputla(^v^).

"bye ma" sabi ko at kiniss si mama sa cheek nya

"ingat anak" sabi ni mama.

Lumabas na ko ng bahay at nag simula ng mag lakad papuntang bus station para mag antay ng bus... Ilang minuto rin akong nag antay at buti na lang nakasakay na rin ako, nakaupo ako sa may likuran ng driver at marami akong kasama dito sa bus na kaschoolmates ko.

pag hinto ng bus sa bus station na malapit sa LUV school ay nauna na kong bumaba, sobrang excited ko kasi(^v^)

Pagdating ko sa school ay agad akong pumunta sa classroom na tinext sakin ng bestfriend kong si Sassy Aquino, magkaklase daw kasi kami.

Sassy Aquino is my bestfriend since we are in elementary, and  I'm happy that we're still a bestfriend.

Nakarating na ko dito sa harap ng classroom namin at nanatili lang akong nakatayo dito sa pinto. Agad kong nakita si Sassy na nakaupo sa may pangalawang row
-----------
BB ΠS GB ΠX
GΠ GG BG ΠΠ
GG ΠΠ GΠ BB
BΠ BB ΠΠ GB
GB ΠG BΠ BG

Π ←nag represent as a vacant chair.
B ← as a Boy
G ← as a Girl.
at yung S po dun ay si Sassy and yung X ay si Xian.

nung makita ako ni Sassy ay agad nya kong kinawayaan at bigla akong napatingin sa may pang apat na row kung saan ay nakita ko si Xian na nag dudutdot ng phone nya, kyahhhhhhhh thank you lord dahil sa wakas classmate ko sya(^v^) ibig sabihin lagi ko na syang makikita ng walang kahirap hirap(^~^).

napatingin ulit ako kay Sassy na biglang sumenyas na umupo ako sa tabi ni Xian kaya nag nod ako with a big smile in my BEAUTIFUL face(≧∇≦)/. naglakad na ko papunta kay Xian habang palakad ako ay rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko(^v^) eto na ang chance ko, YEHEY!!!!!

konti na lang malapit na ko sa kanya, at eto na makakatabi na ko sa kanya.

Lakad.

Lakad..

Lakad...

Lakad....

Lakad.....

kaso mula sa paglalakad ko ay napahinto agad ako.

"Hi Xian pwedeng umupo sa tabi mo?" tanong ng isang girl na biglang umupo sa tabi ni Xian kaya agad na nawala ang isang malaking ngiti sa mukha ko at napalitan ng isang lungkot.

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon