MFL #40

725 11 1
                                    

Ada's POV

I wake up in the morning and I already did my morning routines.

I'm still here at my room, seated in my bed and still reminding about what happened last night.

"Hinintay nya kaya ko? Pero hindi siguro, kasi sobrang lakas ng ulan" yan ang mga linyang sinasabi ko sa sarili ko

*Knock knock* katok mula sa pinto ng kwarto ko.

"Anak, anong oras na oh, papasok ka ba!?" Tanong ni mama mula sa labas.

"Opo ma" sagot ko at dali dali ng lumabas ng kwarto ko.

"Pasok na ko ma" sabi ko sabay kiss sa pisngi ni mama.

———

Sa pagpasok ko ng classroom ay si Hailey agad ang nakita ko. She's seating beside my seat na kinataka ko.

"Hi" bati nya sakin paglapit ko at naupo na sa upuan ko

"Ahmm, where's Sasa?" Tanong ko

"Ayun oh" sabi ni Hailey sabay turo sa pinto using her nguso😂

Napatingin ako sa tinuro nya at nakita ko si Sassy at Miggy na kakapasok palang. Masaya silang nagkukwentuhan na akala mo ay walang tao sa paligid nila.

Masaya akong makita si Sassy na ganyan, yung masaya, abot tenga ang ngiti at kasama nya ang taong mahal nya.

"Hello Dada at Haihai" masayang bati samin nitong si Sassy

"Abot tenga ngiti ah" sabi ko

"Da, dito na ko uupo, okay lang?" Sabi ni Haihai at napatingin ako kay Sassy

"Tabi kami ni Miggy" sabi ni Sassy with a smile

"Sige sige" sabi ko na lang.

Ilang oras na ang lumipas at nagsimula na ang klase, pero wala paring Xian na dumadating.

Habang nagkaklase ay hindi parin mawala sa isip ko yung mga narinig kong confession ni Xian, paulit ulit ko yung naririnig sa tenga ko. Kaso di rin maalis sa isip ko yung posibleng mangyari kapag tinuloy ko 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Pano si Candy? Pano yung pagkakaibigan namin? Pero paano yung feelings ko?.

Lumipas ang mga oras ay nanatili akong tahimik, di ko kasi alam yung gagawin ko. Gulong gulo na ko.

"Ada okay ka lang ba?" Tanong ni Hailey sakin

"Yeah" sagot ko na lang at nagpatuloy sa pagsusulat ng lesson namin, pero habang nagsusulat ay di maalis sa isip ko si Xian.

"Iniisip mo siya?" Tanong ni Hailey na kinataka ko

"Si Xian" sabi nya pa

"H-hindi" nautal kong sagot

"Kaya pala" sabi nya sabay tingin sa notebook ko, kaya napatingin din ako sa tinignan nya, at nagulat ako ng makita ko ang pangalang "XIAN" na nakasulat sa notebook ko.

*Tsk!* Pinunit ko agad yung isang page ng notebook ko na nasulatan ko ng pangalan nya at agad na pinasok yun sa bag ko.

"Is there a problem?" Tanong ni Hailey but instead na magsalita ay umiling na lang ako.

———

Uwian na, inaayos ko na yung gamit ko, I don't why pero parang hindi kumpleto ang araw ko.

"Nood tayo training nila Miggy" aya ni Sassy pagkalapit nya samin ni Hailey

After lunch ay di na pumasok si Miggy sa next class namin, dahil kinailangan nilang mag training dahil may laban sila bukas.

"Supportive girlfriend" kinikilig na sabi ni Hailey habang ako ay nanatiling nag aayos ng gamit ko

"Syempre" masayang sabi ni Sassy

"Si Xian pala bat wala?" Tanong ni Hailey. When I heard that ay napahinto ako sa pag aayos, napatingin ako agad kila Sassy at nagulat ako ng makita kong pareho silang nakatingin sakin.

"Bakit nga ba wala si Xian?" Tanong ni Sassy habang nakatingin sakin.

"Is she asking me!?" tanong ko sa sarili ko

"Tinatanong mo ko!?" Tanong ko kay Sassy sabay turo ko sa sarili ko

"Parang ganun na nga" nangaasar nyang sabi

"I don't know" sabi ko na lang

"Si Candy ba tumawag na?" Tanong ko para maiba ang usapan

"Actually tinawagan ko yung number nya, pero yung manager nya yung sumagot" sabi ni Sassy

"Anong sabi?" Tanong ni Hailey

"Busy daw si Candy, tinanong pa nga ko nung manager nya if may problema daw si Candy, napapansin nya kasi na parang malungkot daw si Candy, natutulala bigla, at nawawala yung focus sa trabaho." Kwento ni Sassy at may bigla akong naisip.

Naisip ko na baka kasalanan ko, baka dahil sakin kung bakit sya naging ganun, baka dahil sa confession na yun, tsk! Ayokong masira yung pagkakaibigan na meron kami at meron sila ni Xian. Ayokong ako ang maging dahilan kung bakit nagkakaganyan si Candy, kaya nag decide na ko na kakalimutan ko na lang lahat ng narinig ko, kakalimutan ko na lang na mahal ko si Xian, at kakalimutan ko na lang na dumating sya sa buhay ko.

Tsk! Gusto ng sumabong ng puso ko, gusto ng lumabas ng mga luha mula sa mata ko.

Ada!

Ada!

Ada!

"Ada!" Paulit ulit na narinig kong tawag sakin ni Sassy kasabay ng pagyugyug nya sakin na dahilan ng pagkabalik ko mula sa pagkakatulala

"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Hailey

"Tsaka bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanong ni Sassy. Hinawakan ko ang bandang pisngi ko at naramdaman kong may mga luhang pumapatak mula sa mata ko. Tsk!!!

"I have to go" sabi ko at dali daling lumakad, pero bago pa man ako tuluyang makalabas ng classroom namin ay narinig kong tinawag nila ako "Ada!". But I ignored them.

Patuloy akong naglalakad at hindi parin maalis sa isip ko si Xian, kung paano na yung feelings ko for him at si Candy, pano yung pagkakaibigan namin at nila ni Xian.

Naramdaman kong nag vibrate yung phone ko, kinuha ko iyon sa bulsa ko. I opened it at nakita ko ang isang message ni Candy.

From: Candy
Musta na kayo? I'm sorry if now lang ako nagkaroon  ng time to text you, I'm busy kasi. Nga pala, I hope na nagustuhan mo yung mga narinig mo sa voice record na sinend ko sayo. Masaya ako para sayo Ada.

Sabi nya sa text na dahilan ng lalong pagsakit ng damdamin ko. Pinipilit nyang masaya sya kahit alam kong nasasaktan sya. Base sa kwento ni Sassy kanina, alam kong dinadamdam ni Candy lahat, alam kong ako ang may kasalanan.

*****

A/n: Hello guys, may mga binago po ako sa takbo ng story, sorry po huh! Para po ito sa ikakaganda ng story, I hope na magustuhan nyo.

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon