MFL #27

1.1K 28 0
                                    

Months na ang nakalipas simula nung magsimula ang pasukan nila, at 1 week na rin ang nakalipas simula nung nangyari sa locker room, at park between Candy, Xian at Ada.

Nasa classroom sila Ada. tahimik sila at nakikinig ng mabuti sa teacher nila.

"class ilang months na lang gagraduate na kayo" nakangiting sabi ng guro nilang si ma'am Santos.

"yehey makakapag college na rin" sabi ni Miggy na kinatuwa ng buong klase

"can you please make sure kung gagraduate ka talaga" sabi ni Sassy na kinatawa ng buong klase sabay "Ayiehhh"

"of course gagraduate ako kasi magaling ang tutor ko" sabi ni Miggy in a cute voice like a child, at kinangiti ni Sassy ng palihim.

"quiet na" saway ng guro nila.

"dahil malapit na ang graduation gusto kong isulat nyo sa ¼ sheet of paper kung ano ang gusto nyong maging in future at babasahin ko yang mga sinulat nyo isa isa dito sa harapan ng buong klase" sabi ng guro nila at nag simula na silang mag sulat, pag tapos nun ay tumayo na si Sassy to collect their papers at ibinigay na ito sa teacher nila.

"okay una agad si Miggy... he wants to be a business man, a basketball player and he want to be a husband of... SASSY?" sabi ng guro nila na nagulat dahil sa nakasulat at nag simula ng mag ayiehhh ang buong klase.

"quiet na" saway ng guro nila

"ikaw naman Miggy puro ka talaga kalokohan" sabi ng guro nila

"ma'am di naman po yun kalokohan, totoo po yun" sabi ni Miggy na muling kina "Ayiehhh" ng buong klase.

"quiet na... next ay si Sassy, Wow si Sassy ay gustong maging detective" nakangiting sabi ng guro nila.

"Sassy gusto mong pakasalan si Miggy sa future?" tanong ng isang lalaking classmate nila na kinablushed ni Sassy

"syempre gusto nya, aishhh ano bang klaseng tanong yan" inis na sabi ni Miggy sa lalaki.

"mga batang toh talaga, tama na yan, next na si Candy, pero yung dream nya ay natupad nya na:) pero bukod sa pagiging artista ay gusto nya ring maging author at makapag sulat ng isang libro" sabi ng guro nila at bumasa pa ng ilang mga papel hanggang si Xian na.

"next ay si Xian, of course he want to be a professional basketball player, at gusto nya rin makasama ang babaeng gusto nya" sabi ng guro nila na kinakunot ng noo nito

"ma'am sino po yun? may pangalan ba?" tanong ni Candy at umaasang sana ay sya.

"tinatanong pa ba yan Candy, halata namang ikaw yun" sagot ng isang girl na classmate nila at fan ni Candy

"kayo  talagang mga kabataan kayo, puro kayo love" sabi ng guro nila.

"Hailey want to be a doctor,  Wow naman" nakangiting sabi ng guro nila.

"at ang huli naman ay si Ada, she want to be a preschool teacher, so Ada you love kids huh" nakangiting sabi ng guro nila at ngumiti na lang si Ada

"so class, itong mga papael na toh ay itatago ko at kapag nag high school reunion kayo ay muli nating babalikan, kaya make sure na tutuparin nyo ang mga sinulat nyo huh" sabi ng teacher nila.

"opo ma'am" masaya at malakas na sagot ni Miggy

"gustong gusto ka talaga ni Miggy noh" sabi ni Ada

"tumahimik ka nga" sabi ni Sassy

"see you tomorrow class, good bye" paalam ng guro nila.

"good bye ma'am" paalam ng buong klase

"Sassy papayag ka bang pakalasan si Miggy?" tanong ng iba nilang classmate kay Sassy kaya di na nito maiwasan ang mag blushed.

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon