MFL #07

1.6K 35 0
                                    

Ada's POV

*yawn* good morning SATURDAY!

agad akong bumangon mula sa kama ko, naghilamos na rin ako at nagsipilyo. pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko agad si mama at papa na nag aalmusal

"gising na pala anak mo" sabi ni mama kay papa na tumingin sakin, kaso yung tingin nya parang galit.

"good morning mama at papa" masayang sabi ko at umupo na sa tapat ng mesa.

"anak may itatanong ang papa mo sayo" sabi ni mama

"ano po yun pa?" tanong ko, sabay subo ng pagkain ko.

"sino yung lalaking naghatid sayo kagabi?" tanong ni papa na kinabigla ko at muntik ko ng maluwa ang nasa bibig ko.

"pinag aaral kita tapos magboboyfriend ka lang" galit na sabi ni papa na kinatakot ko.

"papa" sambit ko

"honey naman antayin mo muna yung paliwanag ng anak mo bago ka magalit" pakiusap ni mama kay papa.

"oo nga naman pa, h-hindi ba pwedeng kaibigan ko lang yun" paliwanag ko na medyo kinautal ko.

"kaibigan?" tanong ni papa

"opo papa" sabi ko. Opo kaibigan lang na soon to be boyfriend ko.😂✌️

"ayusin mo lang huh, okay lang yung crush crush wag lang yung boyfriend dahil bata ka pa" sabi ni papa

"grabeh ka naman sa anak mo dalaga na kaya yan" sabi ni mama.

"para sakin wala pa sya sa right age nya para pumasok sa isang relasyon" sabi ni papa

"sige po papa makikinig po ako sainyo" malungkot kong sabi at sumubo ng pagkain ko.

"nga pala anak may lakad kami ng papa mo ngayon" sabi ni mama, kaya pala nakabihis sila na parang aalis kasi aalis pala talaga sila

"san po kayo pupunta?" tanong ko

"nakalimutan ng anak mo na wedding anniversary natin ngayon" sabi ni papa. tsk>_ < nalimutan ko nga, wahhhhhh sorry po mama at papa.

"oo nga pala, happy anniversary mama at papa" masaya kong sabi.

"anak idedate daw ako ng papa mo" masayang sabi ni mama na kinikilig pa.

"ayiehhh si papa talaga ang sweet, sige mama di po ako sasama para di ko kayo maistorbo" sabi ko.

"mabuti yun anak" sabi ni papa

"basta papa pasalubong huh" nakangiti kong sabi

"chocolate ice cream with peanuts?" tanong ni papa at nag nod ako.

"mama papa pwede ko po bang papuntahin si Sassy dito?" tanong ko

"oo naman anak" sabi ni mama

after naming mag breakfast ay umalis na sila mama at papa, iniwanan na lang nila ako ng pera (500 pesos) may iniwan na rin si mama na lutong pagkain. tinext ko naman si Sassy na pumunta sya dito sa bahay, pero hindi sya nag rereply, kaya while waiting sa reply nya ay nanood muna ko ng tv. Isang talk show for celebrity ang pinapanood ko at nanlaki ang mata ko nung makita ko si Candy, Oo nga pala artista sya:)✌

"Candy kamusta ka naman?" tanong ng host

"okay naman po" sagot ni Candy

"so kamusta ang bagong school na pinasukan mo?" tanong ng host

"okay lang po at nagkaroon ako ng bago at mababait na kaibigan" sabi ni Candy na tumingin sa camera.

"may mga kaibigan ka... eto tanong ng mga fans mo, may boyfriend ka na ba?" tanong ng host

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon