MFL #20

1.3K 41 0
                                    

Saturday morning*

maagang nagising si Ada ng may malaking ngiti sa kanyang labi, paglabas nya ng kanyang kwarto ay dumiretso agad syang kusina at doon ay nakita nya ang parents nya na mag sisimula pa lang mag almusal.

"aba ang aga ng anak natin ah, hindi na nag pagising sayo" natutuwang sabi ng ama ni Ada at umupo na si Ada sa upuan para mag almusal.

"may lakad ka ba kaya maaga kang nagising?" tanong ng mama nya

"wala po" nakangiting sabi ni Ada

"nga pala anak san mo ba gustong mag college?" biglang tanong ng papa ni Ada

"di ko pa po alam pa eh" sabi ni Ada

"nako anak wag mo ng problemahin yan, kasi may papasukan ka na sa college" masayang sabi ng mama nya

"saan po?" tanong ni Ada

"sa korea tutal gustong gusto mo ang kdrama diba" sabi ng papa nya

"korea po? anong korea pa, south o north?" tanong ni Ada

"south syempre" sabi ng papa nya

"ano anak gusto mo ba?" tanong ng mama nya

"kahapon kasi kaya kami umalis ng mama mo kasi hinatid namin ang tita mo sa airport kasi dun na sya titira sa Seoul kasama yung koreanong napang asawa nya pero bago yun kinausap nya kami kung gusto mo bang mag aral dun dahil kung gusto mo daw pag aaralin ka nya" sabi ng papa ni Ada

"pero pa, malalayo po ako sainyo" sabi ni Ada

"okay na yun anak basta makapag aral ka, gustong gusto mo naman dun diba?" tanong ng papa nya

"opo, kaso pano po kayo dito pag umalis ako?" malungkot na tanong ni Ada

"wag mo kaming isipin" sabi ng papa nya

"a-ayoko po pa" sabi ni Ada na kinaseryoso ng mukha ng mga magulang nya

"pag aaralin ka na nga ng tita mo ayaw mo pa" sabi ng papa nya

"ayaw ko pong malayo sainyo ni mama pa" malungkot na sabi ni Ada

"sige na kung ayaw mo wag na, kumain na lang tayo" nakangiting sabi ni mama at ngumiti na lang rin si Ada.

alam ni Ada na magandang opportunity yun, kaso ang ayaw ni Ada ay ang mawalay sa mga magulang nya, sa kaibigan nya at kay Xian.

———

lumabas si Ada mula sa bahay nila at napangiti sya ng makita nya si Xian na kalalabas lang rin.

"hi" bati ni Ada with a smile

"mukhang maganda gising mo ngayon ah" sabi ni Xian

"syempre" nakangiting sabi ni Ada

"may lakad ka ngayon?" tanong ni Ada

"wala naman pero may hinihintay ako" sabi ni Xian

"ah sino?" tanong ni Ada pero bago sya sagutin ni Xian ay isang color black na van ang huminto sa harapan ng bahay nila Xian.

nakatingin lang si Ada sa sasakyan at tinatanong ang kanyang sarili sa kanyang isipan kung "Sino kaya yung sakay nito? ito ba yung hinihintay ni Xian?"

bumukas na ang pinto ng van at nagulat si Ada nung makita nyang si Candy ang lumabas.

"hi Xi" agad na sabi ni Candy with a smile sabay yakap kay Xian na kinaselos ng damdamin ni Ada

"wala ka pang tulog pumunta ka na agad dito" sabi ni Xian at bumitaw na si Candy mula sa pag kakayakap nya kay Xian.

"nakaidlip naman ako kanina habang papunta rito" sabi ni Candy at napatingin sya kay Ada with a smiled

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon