MFL #22

1.2K 36 0
                                    

Sa pag gising ni Ada ng umaga ay nanatili syang nakahiga sa kanyang kama at nakayakap sa stuffed toy nyang panda na pinangalanan nyang Xian dahil si Xian ang nakakuha nun sa toy crane sa mall.

*knock knock*

"anak bangon na mahuhuli tayo sa misa" narinig sabi ng mama nya mula sa labas ng kwarto nya.

"opo" sagot ni Ada at walang ganang tumayo mula sa kama nya at dumiretsong cr. Iniinda parin kasi ni Ada ang selos na nararamdaman nya at sa tingin nya kasi posibleng gusto ng dalawa ang isa't isa.

after ng ilang minuto ay tapos na syang mag asikaso ng sarili nya, nag suot sya ng isang color pink dress na sakto lang hanggang tuhod nya, simple lang ang dress na walang design pero kahit simple ay maganda sa kanyang tignan, pinarisan nya ito ng isang color black close shoes at nag pulbo na lang rin sya at nag lagay ng color pink lipstick sa lips nya para di naman sya mukhang maputla.

paglabas nya ng kwarto ay wala syang naubutang tao kaya akala nya ay iniwan na sya ng parents nya.

"ang tagal naman ng anak mo" reklamo ng papa ni Ada na kanina pa nasa labas kasama ng kanyang asawa at inaantay nila ang anak nila.

"palabas na yun" sabi ng mama ni Ada.

*****

kalalabas lang ng bahay nila Trina, Trixie at Xian at sa paglabas nila ay napansin agad nila ang mag asawa na nasa labas ng bahay nila.

"good morning po" masayang bati ni Trixie sa mga magulang ni Ada.

"good morning din baby girl" nakangiting bati ng mama ni Ada

"may lakad din ba kayo?" tanong ng papa ni Ada kila Trina dahil nakita nitong mukhang may pupuntahan rin tulad nila.

"mag sisimba po kami tito" sagot ni Trina

"ganun ba? edi sabay na tayo kasi mag sisimba rin kami " offer ng mama ni Ada

"sige po" sabi ni Trina.

"hindi po ba kasama si ate Ada?" tanong ng batang si Trixie

"kasama sya baby kaso ang bagal kumilos ng ate Ada mo pero palabas na yun" nakangiting sabi ng mama ni Ada kay Trixie.

"Ada!" tawag ng papa ni Ada mula sa labas. bumukas na ang pinto at lumabas na si Ada, sa paglabas nya ay napatitig si Xian sa kanya dahil sa gandang bumabalot sa dalaga, first time nya lang nakita ang dalaga na mag suot ng ganyan at di nya na naiwasang mag blushed at bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"ang ganda mo naman ate Ada" masayang sabi ni Trixie na kinailang ni Ada.

"s-salamat" nautal na sabi ni Ada dahil nahiya sya.

"tara na para maabutan natin ang misa" sabi ng papa ni Ada.

habang sila ay papunta sa simbahan upang mag simba, ay di maiwasan ni Xian ang mapatingin at mapangiti dahil kay Ada.

[Simbahan]

pag pasok ng simbahan ay napakunot noo agad si Xian, dahil ang ibang kalalakihan ay di maiwasang mapatingin kay Ada at kitang kita nya na hanga ang mga ito sa simpleng ganda ng dalaga kaya isang idea agad ang naisip ni Xian. habang nag lalakad sila dahil sa pag hahanap ng upuan ay nilapitan ni Xian si Ada.

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon