MFL #31

1K 32 3
                                    

Uwian na nila Ada. Inaayos nya na yung mga gamit nya at ang ibang classmates nya ay naglalabasan na ng classroom nila.

Nakatingin naman si Xian sa kanya, at nagbabalak na lumapit kay Ada, pero hahakbang palang sya ng biglang...

"Pupunta kang hospital diba?" Tanong ni Candy kay Xian

"Oo" sabi ni Xian

"Sasama ako" nakangiting sabi ni Candy

"Huh? Ah eh s-sige" pagdadalawang isip ni Xian

Napatingin naman ulit si Xian kay Ada, at hindi nya na 'to nalapitan nung lumabas na si Ada ng classroom nila, at nagtaka naman sya nung lumabas din si Candy.

Samantala, si Candy naman ay sinundan si Ada sabay tawag nya dito na kinahinto nito sa paglalakad.

"Ada, sa r-rooftop huh, Hmmm... m-mauna ka na lang" sabi ni Candy na nautal at parang nagdadalawang isip.

"Bat kailangan sa rooftop pa? Ano ba kasi sasabihin mo? Bat di na lang dito?" Tanong ni Ada

"Huh? Ah eh, sige na, sa rooftop huh" sabi ulit ni Candy with a fake smile.

"S-sige" nautal na sagot ni Ada, dahil sa hindi maganda ang nararamdaman nya.

Bumalik na si Candy sa loob ng classroom nila at nakita ni Xian na nagkausap si Candy at Ada kaya nacurious sya kung ano ang pinag-usapan ng dalawa.

"Anong pinag usapan niyo ni Ada?" Tanong ni Xian.

"Huh!? Ah eh wala yun, tara na" nakangiting sabi ni Candy

Si Ada naman ay kinakabahan habang paakyat sya ng hagdan papuntang rooftop, hindi nya alam kung bakit pero kinakabahan talaga sya. Sa pag bukas nya ng pintuan ng rooftop ay pumasok sya at nabigla sya nang makita nya si Hailey, na nakangiti kaya kinabahan sya lalo.

"Akala mo talaga si Candy makakausap mo dito?" Natatawang tanong ni Hailey

"So nag sinungaling pala si Candy?" Seryosong tanong ni Ada.

"Ano ba sa tingin mo" Natatawang sabi ni Hailey

"Di ko alam na closed na pala kayo" seryosong sabi ni Ada na hindi makapaniwalang nag sinungaling ang tinuring nyang kaibigan.

"Teka nga, ano bang problema nyo ni Candy? Sa pagkakaalam ko kasi wala naman akong kasalanan sainyo" galit na sabi ni Ada.

"*Laugh* di mo pala alam" sabi ni Hailey. Naiinis na si Ada kaya napaclenched na sya ng fists nya.

"Naiinis sya at nagseselos because of you, masyado ka kasing lintang dikit ng dikit kay Xian" sabi ni Hailey na kinabigla ni Ada at naalala nya ang mga sinabi ni Candy nung nasa locker room sila.

"Kaya pala" mahinang sambit ni Ada at pinipigilan ang luhang tumulo mula sa mga mata nya.

"Alam mo... Wala kang chance kay Xian kaya wag kang pilingerang may chance ka" sabi ni Hailey at tumawa ng malakas.

"Eh ikaw? Simula pa noong grade 7 lagi mo na kong tinatarayan at hanggang ngayon ang init ng dugo mo sakin"seryosong sabi ni Ada

"Sobrang galit kasi ako sayo, sainyo ni Sassy" sabi ni Hailey

"Wala akong natatandaan na may kasalanan kami ni Sassy sayo kaya di ko maintindihan kung san nanggagaling yang galit mo... You know what, masyadong kang KSP, kaya ka gumagawa ng way mapansin lang namin, kaya pwede ba tigilan mo kami ni Sassy dahil wala kaming kasalanan sayo" sabi ni Ada na kinaseryoso ni Hailey sabay *pak*

Napikit si Ada at napahawak sa kanang pisngi nya na sinampal ni Hailey, di na rin napigilan ni Ada ang pag patak ng kanyang luha at agad syang tumingin kay Hailey na kinabigla nya dahil may tumulong mga luha din sa mga mata nito.

"Hailey!!!" Sigaw ni Candy sa sobrang pagkabigla dahil sa nakita nya at agad syang lumapit kay Ada

" Ada? Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Candy pero di sya pinansin ni Ada.

"Bakit mo sya sinaktan? Ang usapan natin kakausapin mo lang sya" galit na sabi ni Candy

"Teka! Bakit parang nagwoworried ka sa kanya? Eh diba galit ka sa babaeng yan?" Tanong ni Hailey habang patuloy sa pagtulo ang kuha nya

"Oo galit ako, pero di ko sya kayang saktan" galit na sabi ni Candy.

"Pwede ba Candy, kung palabas mo na naman toh na magbait baitan, tigilan mo na" sabi ni Ada na kinabigla ni Candy at nasaktan sya sa sinabi nito.

"Ikaw!!! Ano bang nagawa kong kasalan huh!?" Sigaw at galit na tanong ni Ada sa sobrang galit.

"Di mo alam!!! Kasi kinalimutan nyo ko ni Sassy*sob*" umiiyak na sabi ni Hailey at nagulat si Ada sa narinig nya.

"K-kinalimutan? *sob* a-anong pinag sasabi mo" naguguluhang tanong ni Ada 

"I'm Haihai, kaibigan nyo ni Sasa*sob*" umiiyak na sabi ni Hailey. Nagulat si Ada sa narinig nya kaya napatakip sya sa kanyang bibig.

"Are you surprised? *sob* kasi di na ko yung Hailey na kilala nyo na sobrang kulot ang buhok, may suot na makapal na salamin at laging binibully" sabi ni Hailey

"H-haihai *sob*" banggit ni Ada sa pangalan ni Hailey habang papalapit sya dito kaso umatras si Hailey.

"Kinalimutan nyo ko ni Sasa*sob*" umiiyak na sabi ni Hailey

"A-anong pinagsasabi mo? Hindi yan totoo" sabi ni Ada

"Pero yun ang totoo!!! Naalala nyo pa ba? Iniwan nyo ko ni Sasa. *sob* di na kayo pumasok ng ilang araw at di ko alam kung bakit. Lagi akong binubully nung wala kayo*sob* binabato ako ng plastic bottle, binubuhusan pa ng ketchup yung ulo ko kapag nasa cafeteria ako, at alam mo ba yung pinakamalalang nangyari sakin habang wala kayo? lagi nila akong kinukulong sa CR at iyak lang ako ng iyak dahil wala naman akong magawa, at wala kayo para tulungan ako*sob* " umiiyak na sabi ni Hailey at susubukan ni Ada na lapitan ito pero umatras si Hailey

"tanging pag iyak lang ang nagagawa ko noon, at lagi kong hinihiling na sana dumating na kayo, pero wala, iniwan nyo ko" sabi ni Hailey

"Sorry Hai*sob* nung araw na yun, yun yung araw na nagkasakit ako at namatay ang papa ni Sassy*sob* pero bawat araw na lumipas at di ka namin nakakasama dinadasal na lang namin na sana okay ka" umiiyak na sabi ni Ada

"But I'm not okay!!!*sob* sigaw ni Hailey.

"Sorry Hailey*sob* pero pagbalik namin sa school? Hinanap ka agad namin*sob* kaso wala ka na, at nalaman naming lumipat ka na ng school. Iyak kami ng iyak ni Sassy dahil iniwan mo kami*sob* at si Sassy? Nung nalaman nya na sa bawat araw na wala kami ay binubully ka*sob* galit na galit si Sassy kaya ginantihan namin yung mga nambully sayo*sob* kaso dahil dun, Nagalit ang mga magulang namin pinagpapalo kami at nilipat kami ng school. Ginawa namin ni Sassy yun para sayo kahit pa ikapahamak namin, at nung araw na yun? *Sob* hindi kami nagsisisi na gumanti kami kasi ginawa namin yun para sayo, at ang mas pinagsisisihan namin, ay yung bigla kaming nawala ng walang paalam, kaya Haihai, sorry* sob* sorry talaga *sob*" sabi ni Ada at patuloy parin sila ni Hailey sa pag iyak. Lalapitan sana ni ada si Hailey pero tumakbo ito pababa ng rooftop, susubukan nya pa sana itong sundan pero pinigilan sya ni Candy.

"hayaan mo muna sya" sabi ni Candy at napaupo na lang si Ada at umiyak ng umiyak. Si Candy naman at di maiwasang mapaluha dahil sa nakikita nya.

"Ada I'm sorry, please tumahan ka na" malungkot na sabi ni Candy pero patuloy parin sa pag iyak si Ada.

*****

Author's note: Hello readers!😊 Sorry for the super duper late updating this story, I have a lot of things that I need to do in school so, I'm busy😂. Here's the another chapter of My First Love for you, I hope you guys like this, and please vote and follow me, so ENJOY READERS!😊

ps😂: Already edited.

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon