MFL #24

1.2K 30 1
                                    

Ada's POV

naglalakad na kami pabalik sa classroom namin. tapos na kaming mag lunch, at hindi namin kasabay si Candy, kaya napapaisip ako kung saan sya nag punta.

kanina ko pa napapansin na tahimik si Xian at kanina pa nya dinadial at tinetext si Candy pero hindi man lang sumasagot or nag rereply si Candy sa mga text nya.

"ano bro nag reply na ba?" nag aalalang tanong ni Miggy kay Xian na busy naman sa pag cellphone.

"baka naman may shooting sya ngayon" sabi ko

" nag sasabi yun pag meron syang shooting" sabi ni Xian at kitang kita ang pag aalala sa kanya.

"baka naman biglaan" sabi ni Sassy

"kahit biglaan nag sasabi sya" sabi ni Miggy. grabeh nag aalala talaga sila kay Candy:) ang swerte naman ni Candy to have a friends like Xian and Miggy.

sa pagpasok namin ng classroom ay napansin naming may mga pinag uusapan ang mga classmates namin kaya napatingin ako kay Sassy with ANO-KAYA-YUN-LOOK

"ewan ko" sagot na lang ni Sassy.

"wala rin sya dito" sabi ni Miggy at isang classmate naming girl ang napatingin samin at lumapit.

"pinag uusapan na yung itsura ni Candy sa buong school" sabi ni ate girl.

"pinag uusapan? teka ano bang nangyari kay Candy?" nag aalalang tanong ni Xian

"basang basa at nakayuko sya habang nag lalakad kanina, nakasalubong ko pa nga eh" sabi ulit ni ate girl.

"alam mo ba kung san sya pumunta?" tanong ni Miggy.

"hindi eh" sabi ni ate girl.

"sige salamat huh" sabi ko, nginitian ko si ate girl at umalis na sya.

"basang basa sya" sambit ko at inaamin kong nag aalala ako.

"I think its better kung hanapin natin sya" sabi ni Sassy

"sige, siguro mag hiwahiwalay tayo para mas madali" sabi ni Xian

"sige" sabi ni Miggy at tumakbo na paalis si Xian at ganun din si Miggy.

"text mo ko pag nakita mo sya huh" sabi ko at umalis na rin si Sassy. ako naman ay nag simula ng mag hanap, siguro naman nasa paligid lang sya. tsk sana mahanap namin sya agad kasi sure akong nilalamig na yun dahil sabi ng classmate namin basang basa sya, at sana naman may extra uniform sya sa locker nya. teka nga..... LOCKER? LOCKER ROOM? gosh sana nandun sya...

takbo...

takbo...

takbo...

takbooooooooooooooo

*gasp* \(>o<)/ kapagod.

pag dating ko sa tapat ng locker room ay agad akong pumasok at di ko na naiwasang mapangiti nung makita ko si Candy na nakaupo sa sahig sa may sulok at nakasandal sa pader, kaso nakayuko sya at naririnig ko ang pag hikbi nya. is she crying?

"Candy" tawag ko, iniangat nya ang ulo nya at napatingin sakin, kaso nawala ang ngiti sa labi ko ng makita kong namamaga na ang mata nya kakaiyak at parang galit sya.

"are you okay?" nag aalalang tanong ko habang papalapit sa kanya.

"wag kang lalapit!!!" sigaw nya sakin na kinagulat ko kaya napahinto ako.

"may problema ba? tell me, I'll help you" sabi ko at nag simula muling lumakad papalapit sa kanya.

"wag ka nga sabing lumapit!!!" sigaw nya ulit na kinagulat at kinahinto ko, ang lakas ng tibok ng puso ko at mababaw lang ang luha ko kaya parang konti na lang at babagsak na ito.

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon