MFL #42

1.6K 54 47
                                    

Ada's POV

Nandito ako sa kwarto ko, nakahiga sa kama, at pinagmamasdan sa labas ng bintana ang madilim na kalangitan na punong puno ng mga bituin.

Ilang linggo na kong ganito, yung malungkot tapos bigla bigla na lang may tutulong luha mula sa mata ko.

Naiinis ako sa sarili ko, dahil sinayang ko yung araw na hinihintay nya ko sa park. Kung pumunta sana ako, di sana ako nagkakaganito.

*Ring ring* narinig kong nag ring ang phone ko at nakita kong tumatawag si Candy sakin, pero ayokong sagutin. Gusto kong mapag isa, gusto kong alalahanin yung mga masasayang araw na kasama ko pa sya.

"Babalikan mo pa kaya ako?" Tanong ko habang nakatingin sa kalangitan.

Iniwan na ko ng taong mahal ko, at walang kasiguraduhan kung babalik pa sya, kung makikita ko pa ba sya at kung masasabi ko pa ba ang nararamdaman ko para sa kanya.

Ang 2 weeks na lumipas na walang Xian ay nadagdagan pa ng ilang mga linggo, hanggang sa naging dalawang buwan.

Labis kong pinagsisisihan ang araw na di ko sya sinipot, ang araw na huli ko sanang makikita ang mukha nya. Pero wala na, huli na ang lahat, pero kung sakali mang di na sya babalik, mananatili parin syang laman ng puso't isipan ko.

———

*Buzzer alarmmm...*

*Yawn* bumangon na ko mula sa pagkakahiga ko. Lumabas ako ng kwarto at napansin kong tahimik ang bahay. Pumunta kong kitchen para uminom ng tubig at isang letter ang nakita ko sa mesa, binasa ko iyon at nakita kong galing kay mama.

[Mamamalengke lang ako huh! Mag almusal ka na dyan. -mama]

Ako lang mag isa dito sa bahay, wala naman kaming pasok kaya di ko alam kung ano ang pwede kong gawin.

I feel bored, kaya nag decide ako na mag mall para kahit papano ay mawala yung kaisipan ko sa kakaisip kay Xian.

Sa paglabas ng bahay namin ay nabigla ako when I saw Hailey, Sassy and Candy na nakatayo ngayon sa harap ko at may mga malaking ngiti sa mukha nila.

"Where are you going huh?" Tanong ni Sassy

"Mall lang, just to relax" sagot ko

"Do you want us to join you?" Tanong ni Hailey and I smiled.

"Let's go?" Tanong ni Candy na nakasuot ng sunglass at black mask

"Let's go" sabi ko.

*****

Nasa mall si Ada kasama sila Sassy, Hailey at Candy. At nag rent sila ng isang room na may videoke.

"Gagawin natin dito?" Tanong ni Ada

"Magrerelax" sabi ni Hailey

"*Sigh* makakahinga na rin" sabi ni Candy sabay tanggal ng kanyang mask na suot.

Nakaupo lang sa sofa si Ada, ganun din si Candy na may tinitignan sa phone nya at sila Hailey at Sassy naman ay nagsisimula ng kumanta.

Natutuwang pinagmamasdan ni Ada ang kanyang mga kaibigan, masaya sya dahil masaya rin ang mga ito. Pero di parin nawawala ang kalungkutan at pagsisisi na kanyang nadarama.

"Okay ka lang?" Tanong ni Candy sa kaibigang si Ada

"Oo naman, kasama ko kayo eh" sabi ni Ada ng may isang ngiti sa kanyang labi

"Di kayo kakanta?" Tanong ni Sassy

"Pano kami kakanta eh kumakanta kayo" natatawang sabi ni Candy

"Wait" sabi ni Hailey at biglang pinastop yung kinakanta ni Sassy

"Hala" angal ni Sassy

"Ang sakit sa tenga eh" sabi ni Hailey in a cute little voice like a child.

Natawa na lang si Ada sa nakikita nya, at masasabi nyang ang swerte nya dahil kasama nya ang mga ito.

"I miss that laugh" sabi ni Sassy habang nakatingin kay Ada.

Tawa parin ng tawa si Ada para ipakita sa mga kaibigan nyang ayos lang sya, pero may mga patak ng luha ang lumalabas mula sa kanyang mga mata.

"A-Ada" nautal na sambit ni Sassy ng makita ang itsura ng kaibigan na kung kanina ay tawa ng tawa, ngayon naman ay humahagulgol na.

"Namimiss ko na sya" sabi ni Ada habang umiiyak.

Gabi na at naihatid na nila Sassy si Ada sa bahay nito.

Naglalakad ang tatlo (Candy, Sassy at Hailey) iniisip nila kung paano maibabalik sa dati si Ada.

"Hindi na ba talaga babalik si Xian?" Tanong ni Hailey

"Namimiss ko na yung dating Ada, yung makulit, matakaw kumain at masiyahin" sabi ni Sassy

"Me too" sabi ni Candy

Nagpatuloy lang sa paglalakad ang tatlo, at maya maya ay napahinto si Candy nung biglang nag ring ang phone nya. Kinuha nya iyon sa bag nya at nakita nyang may message sya galing sa isang unknown number.

"Sino nag text?" Tanong ni Hailey

"Di ko kilala eh, number lang" sabi ni Candy

"Ano ba sabi?" Tanong ni Sassy

Agad na binasa ni Candy ang text na yun mula sa unknown number, bigla na lang syang napaluha ng may ngiti sa kanyang labi. Agad nyang hinarap sa dalawa (Sassy & Hailey) ang message na natanggap nya, at tulad nya ay napangiti din sila.

———

Gabi na pero nanatiling nakaupo si Ada sa labas ng bahay nila para pag masdan ang magagandang bituin sa kalangitan.

Napatingin si Ada sa bahay nila Xian, at hindi nya maiwasang alalahanin ang magagandang alaala na binuo nilang dalawa.

Tumayo si Ada mula sa pagkakaupo, at lumakad sya papunta sa tapat ng pintuan ng bahay nila Xian.

"Namimiss na kita" sabi ni Ada. Mula sa pagtitig sa pintuan ng bahay nila Xian ay bigla syang napatingin sa paligid nya, nararamdaman nya kasi na parang may nanonood sa kanya. Pero binaliwala nya na lang ito at lumakad na sya papasok sa bahay nila.

"Siguro nga hanggang dito na lang talaga, hindi ka na talaga siguro babalik. Pero kahit wala ka na, matitili ka parin sa puso ko, ikaw parin yung unang pag-ibig na dumating sa buhay ko" sabi ni Ada sa isip ko

"Ada, matulog ka na, may pasok ka pa bukas" sabi ng papa ni Ada

"Opo pa" sagot nya. Bukas ay may laban ang basketball team ng school nila Ada, kailangan nilang suportahan si Miggy na syang nagdadala ng buong team. Nalulungkot si Ada tuwing manonood sya ng basketball game kasi naaalala nya lang si Xian, pero pansamantala nyang kinakalimutan yun para kay Sassy at Miggy.

***

A/n: hello guyssss sorry if late na nakapag UD, I'm busy lang kasi, I have a lot of things that I need to do first pero hindi ko kinakalimutan na gumawa ng another chapter para sa story na 'to, I hope na manatili kayong nandyan at patuloy nyong basahin ang story na 'to, salamat sa suporta, labyahhhhhh!❤️

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon