MFL #48

51 3 1
                                    

Uwian na nila Ada at nagyaya si Candy na mag group study sa condo nya.

Exam nila bukas at kailangan nila mag review.

"Sure papaalam lang ako kay mama" sabi ni Ada at ganun din ang ginawa ng iba (Miggy, Sassy, Hailey at Xian)

"Tsk! Wala pa naman akong naintindihan sa math kanina" sabi ni Miggy

"Don't worry mag aaral tayong dalawa" nakangiting sabi ni Sassy sa boyfriend nya.

"Correction TAYONG LAHAT!" Sabi ni Hailey na kinatawa namin.

"Guys I'm sorry di ako pinayagan ni mama, need ko daw umuwi ngayon kasi may emergency" nag aalalang sabi ni Ada

"I will talk to Tita na lang para pumayag" sabi ni Candy

"I think di na lang muna ko sasama ngayon, need ko talaga umuwi" sabi ni Ada

"Hatid na kita" sabi ni Xian. Napatingin naman si Ada kay Xian na hindi masaya, kasi hanggang ngayon dinadamdam nya kung bakit hindi parin sya tinatanong ni Xian to be his girlfriend.

"No need, sumama ka na lang sa kanila" sabi ni Ada. Gusto nyang ihatid sya ni Xian pero nalulungkot sya pag nakikita nya ang binata at sa tuwing gumagawa ito ng sweet thing para sa kanya.

Naisip ni Ada na lagi silang nag hoholding hands pag mag kasama, hatid sundo sya lagi ni Xian, at dinadala pa nito ang bag nya. Lumalabas na sila ng silang dalawa lang at sobrang sweet nila sa isa't-isa pero patuloy na tinatanong ni Ada kung bakit hindi pa sya tinatanong ni Xian o nililinaw man lang kung ano ba ang status nila.

*****

Ada's POV

"WHAT?!" Pasigaw kong tanong. Nasa bahay ako at umiiyak ang magulang ko. Di ko na rin mapigilang maluha at mapaupo na lang sa pagkabigla.

"We already packed our things and 2 weeks lang kaming mawawala ng papa mo kaya habang wala kami ikaw na muna bahala sa bahay" bilin ni mama na kinagulat ko. Gusto kong sumama sa kanila papuntang korea at makita ang tita ko 😭. Naaksidente daw ang tita ko kaya kailangan nilang pumunta bigla sa korea para asikasuhin ang mga dapat asikasuhin.

"Your tito said that your tita has a serious injury kaya 2 weeks kami dun" sabi ni papa

"Bat di nyo na lang ako isama?" tanong ko

"Alam kong itatanong mo yan" sabi ni mama

"Exam nyo bukas diba... And tatawagan ka na lang namin lagi" dagdag pa ni mama

"Pero ma gus--" sabi ko pero di na ko pinatapos ni papa

"Please Ada, makinig ka na lang" sabi ni papa

"Okay fine... Pero ihahatid ko na kayo sa Airport" sabi ko.

———

Nasa taxi na kami papuntang airport. Di na dinala ni papa ang car nya kasi wala naman daw mag dadrive pauwi kasi di ako marunong at wala akong license.

Nasa tabi ng driver si papa at nasa likuran naman kami ni mama. Busyng busy si papa sa cellphone nya at ganun din si mama na kausap ang asawa ni tita sa phone para makahingi ng updates about sa lagay ni tita.

*Phone Ring* nag ring ang phone ko at nakita kong tumatawag sakin si Sassy kaya agad kong sinagot ito.

"Ada asan ka?" tanong nya mula sa kabilang linya

"Hmmm nasa taxi ako with mama at papa" sabi ko

"Huh? So wala ka sa bahay nyo?!" tanong nya na parang may gulat.

"Oo, why?" nagtataka kong tanong

"Eh kasi ano, ahmmm what time kayo uuwi?" tanong nya na parang natataranta

"Pupuntang korea nga-" sabi ko na hindi pinatapos ni Sassy

"PUPUNTA KAYONG KOREA?!!!" pasigaw nyang tanong na gulat na gulat

"Oo pe-" papaliwanag ko na sana ang nangyari kaso biglang nag shutdown ang phone ko.

"tsk di ko pala nacharge phone ko" sabi ko.

"I have powerbank here" offer ni mama sabay abot sakin ng powerbank

"thanks ma" sabi ko.

———

Nasa airport na kami. Niyakap ko na sila at pinanood silang maglakad palayo sakin. Naiiyak ako kasi naiwan akong mag isa pero inaalala ko na para kay tita ang pag alis nila.

Nag lakad na ko palabas ng airport.

Gabi na din at need ko ng umuwi para makapag review.

Nag abang ako ng taxi at agad na nakasakay din.

Nagpababa ako sa malapit na convenient store dito sa lugar namin. Gabi na kasi at hindi pa ko nag didinner.

I buy a cup noodles, a bottle of water at isang burger.

"waahhh nabusog ako ang sarap" sabi ko pagtapos ko kumain

Agad na kong naglakad pauwi ng bahay, habang naglalakad ay iniisip ko yung about samin ni Xian.

Habang naglalakad gusto ko sana ng music man lang pero lobat pa din ang phone ko di naman kasi nag charge phone ko sa powerbank ni mama.

Tahimik lang akong naglalakad at kalmado lang ganun, pero biglang napalitan ng kaba at takot. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, di ako makagalaw at naninigas ang mga paa ko. Dalawang kamay ng panglalaki ang nakayakap sakin mula sa likuran ko. Sisigaw na sana ako pero di ko na naituloy ng marinig ko ang boses nya

"Kala ko iiwan mo na" sabi ni Xian at halatang halata ang lungkot sa boses nya.

"X-Xian" nautal kong banggit sa pangalan nya.

"Mahal kita, sobra! Ayokong mawala ka" sabi nya na kinataka ko. Iniharap nya ko sa kanya at kitang kita ko na parang umiyak sya pero may ngiti sa mga mata nya

"Akala ko tuluyan ka ng pupuntang korea" sabi nya at di ko napigilan ang sarili ko na mapatawa

"ano ka ba hinatid ko lang sila mama sa airport noh" sabi ko

"huh? Ganun ba akala ko kasi" sabi niya na nahiya bigla at napakamot pa sa batok nya.

Sobrang gwapo nya para sakin, at ang cute nya sa part na nahihiya sya habang nagkakamot ng batok nya hahaha. Alam ko na nakakahiya pero mahal ko ang tao na 'to.

"I wan to ki--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla nya kong ikiss.

***

Author' s POV

Masaya ang magkakaibigan na nagcecelebrate sa condo ni Candy dahil natapos nila ang kanilang mga exam.

"No beer" Sabi ni Sassy kay Miggy

"isa lang?" tanong ni Miggy pero kumunot noo na lang si Sassy

"wala sanang LQ no, kaibigan nyo andito" natatawang sabi ni Hailey habang nag iihaw ng barbecue

"wait asan na sila Ada at Xian?" tanong ni Candy

"we're here!" masayang sabi ni Ada habang nakaangat ang kamay nila na pinapakita sa kanyang mga kaibigan singsing na nasa daliri nya

"O myyyyy!" gulat na sabi ni Hailey

"kami na" sabi ni Xian

"huh kala namin noon pa" sabi ni Miggy at bigla itong binatukan ni Sassy

"ikaw pilosopo ka" sabi ni Sassy kay Miggy

"I mean yung totoo na talaga" masayang sabi ni Ada

"kiss kiss kiss" sigaw ni Candy habang tinatapik nya ang kutsara sa baso na kala mo naman ay bagong kasal ang dalawa.

"hoy mag tigil" tawang tawa na sabi ni Ada pero bigla itong kiniss ng mabilis ni Xian na kinatulala at kinablushed nyaa.

End...

*****

a/n: Hi guys! Sorry for the late update. This is the end of this story and if you want me to create a part 2 of it then you can pm me. I hope you like this, thank you so much po 😊. Please support me po sa lahat pa ng story na gagawin ko.

Salamat!

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon