111

27 0 0
                                    

One-Hundred-Eleven


Ibinalik ko sa sling bag ang wallet.

Hawak ko ngayon ang duplicate ng susi ng bahay namin na nakuha ko sa tabi ng urn ng pinsan ko. At ang isa pang susi ay naiwan sa wallet ko.

Magpapalipas ako ng gabi dito at bukas ay aalis na rin. Hindi na ako magpapaalam sa mga kaibigan namin dahil baka mahirapan lang ako lalong umalis. Nakita ko naman na nagiging maayos sila, kaya ayoko silang madamay dahil hindi ko pa magagawa yun sa ngayon.

Nakakapagod dahil nanggaling rin ako sa Ihwa Mural Village. Pinuntahan kasi namin yon ni Chan nung huling araw na mag-kasama kami.

Mas masarap at mas madali kasing balikan ko ang mga daang nilakaran namin at magmukmok kaysa pilitin ko ang sarili kong makalimot.

Dahil baka dumating ang araw na wala akong maalala tungkol sa kanya. Nakakatakot isipin yon.

Kaya kahit hindi ko na sya katabi sa pag-balik ko don... Maramdaman ko lang ulit yung parehong hangin na umihip sa akin noong kasama ko pa sya.

Sayang at wala manlang kaming litratong magkasama kundi yung huling kuha ni kuya Jun sa amin ng polaroid. Photographer sya pero bakit nga ba wala akong maalala na kumuha sya ng picture naming dalawa.

Paano kapag matanda na ako at ulyanin? Kapag hindi ko na maalala ang itsura nya? Kapag hindi ko na kayang isalaysay at sariwain sa isip ko ang mga pinagsamahan naming dalawa.

Ipinihit ko ang siradura ng pinto.

Dalwang-taon mahigit mula nang umalis kami dito...

Walang tumira at walang tumingin sa bahay na to dahil hindi bumalik dito maski si Eli.

Huminga ako ng malalim bago humakbang papasok.

Sa lahat ng lugar,

...dito pinakang marami ang ala-ala namin ni Chan.

...alam kong dito ako papatayin ng mas malalim na kalungkutan.

Dumaloy kaagad sa katawan ko ang matinding pamimigat ng puso paakyat sa aking bahay-luha.

Ang bahay na ito,

Nandito parin si Chan.

Pero hindi katulad noon,

...hindi sya papasok sa pinto at yayakap sa akin mula sa likod.

...dahil malamig na hangin ang sumabay sa akin sa paghakbang paloob.

At hindi kagaya ng inasahan, hindi yon magulo.

Walang bakas na napabayaan sa loob ng dalwang taon.

At ibinigay parin sa akin nito ang pakiramdam bago lumipas ang panahon.

"..."

Hanggang matanaw ko ang isang bagay na tuluyang nagpa-bagsak sa luha ko.

Hindi.

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang