60

33 1 0
                                    

Sixty



Nakapikit na si Chan nang silipin ko. Si Hayoung naman ay naka-ub-ob sa kama ng pinsan ko. Alas dos pasado na ng madaling araw kaya tulog na sila pareho.

Wala na ring ibang tao sa loob kundi silang dalawa. Nakauwi nang lahat ang mga kaibigan namin. At malamang bukas ay babalik silang lahat lalo na at Sabado. Tapos na ring mag-rounds ang mga nurse at umaga na ulit ang kasunod.

Ilang oras ko ang lumipas sa waiting area. Bumalik ako sa itaas para silipin si Chan sa kwarto nya.

Pero hindi ako pwedeng pumasok.

Ayos na rin to kaysa umuwi ako samin at mag-mukmok kaiisip sa lalakeng ito.

Matibay naman ako mag-puyat e.

Kaya dito lang ako.

Babantayan ko sya kahit sa labas.

Ngayon lang ito kaya makukuntento muna akong tingnan lang sya mula dito. Pag-labas nya,  magno-normal rin ang lahat.

Nasa labas ako ng kwarto nya at nakakaramdam na ako ng pagod at antok. Naupo ako para mapahinga ang binti ko.

Lalo akong inaantok ng mapasandal ang likod at ulo ko sa pader.

Masama ito.

Gumising ka, hindi ka pwedeng makatulog dito.

Nasasampal ko ng mahina ang pisngi ko at nagigising pa naman ako.

"..."

"..."

"..."

Gising!

"..."

"..."

"..."

Shit.

Inaantok na talaga ako.

"..."

"..."

"..."

Mapipigilan ang gutom pero hindi ang antok.

"..."

"..."

"..."

Wala namang masama kung makatulog ako, diba? Gigising nalang ako pag may dumating na nurse at uuwi na kaagad para hindi ako mahuling nagpalipas ng gabi dito.

Umupo at sumandal ako sa bandang pintuan para magising ako agad pag may magbu-bukas nito.

Tama.

Yun ang gagawin ko.

I just need to get through until the morning.

Good night, Chan.

🍀

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Where stories live. Discover now