48

35 1 2
                                    

Forty-Eight


"Subin...look."

Hindi ako lilingon dahil siguradong hindi yon importante at mag-aaya nanaman to sa RCP Alley para sa bagong gaming console.

Pauwi na sana kami galing kina Dongpyo pero nag-aya si Sejun hyung sa kanila. May announcement daw. Amputa, akala mo naman may kwenta talaga yung sasabihin nya.

"Diba si ano yun...Si...?"

Mga dalehan mo Choi Byungchan. Kapag nandito kami sa Yongsan, wala syang ibang inisip kundi pasukin ang Retro Console Paradise para mag-aksaya ng allowance nya.

Nung nakaraan nga hindi ko alam kung saan sya bumili ng PS5 at halos isang buwan syang nag-fasting ng kain dahil don!

At siguradong hindi nya titigilan hangga't wala syang SeriesX! Pati allowance ko hahatiin ko pa para samin dahil sa katangahan nya,  lagi naman syang talunan kay Yuvin!

"Ayun o sa kabilang kalye!...Si..."

Patuloy lang ako sa paghanap ng kasunod na ipe-play na kanta sa airpods ko.

Daig pa nya ang ulyanin nito ah?

"Si ano...sino nga ba yun?!"

"Ano ba? Si ano ka ng si ano, Byung?! Para kang tanga."

"Yung...taga Fine Arts...si ano..."

Nilingon ko na ang paligid para tingnan kung sino ba yon.

Naku po.

Mukhang alam ko na kung sinong tinuturo nitong bwisit na kaibigan ko.

"O-o-o san ka pupunta?"

"Don. Aasarin ko."

"Aasarin mo tapos ikaw ang pikon---!"

"---Akala ko ba uuwi na tayo at pupunta kina Sejun hyung---Hoy!"

Talikuran ko nga ang loko. Ituturo-turo tapos magrereklamo?

"---Hoy! Jung Subin! Intayin mo ko, gago."

Tumakbo sya palapit sakin.

Ano nanaman kayang ginagawa ng babaeng to dito at nakaabot pa ng Yongsan?

Mukha nanaman syang tanga sa suot nya. Ilan ba ang hoodie jacket ng babaeng to at hindi sya nauubusan? Mukha tuloy lagi syang galing sa kalawakan. Punong-puno pa yung back-pack nya.

Para syang pulubing nakaupo sa gutter. Ano kayang problema nya at mukha nanaman syang pusang ligaw?

"Hoy!"

"Hoy babaeng kalog ang kamay at fan ni Kokey!"

"Hoy Kang Rio na walang pambayad ng tuition!"

Kung hindi ko pa kinontak yung kaklase nyang si Dohyon na famewhore, hindi ko malalaman kung bakit laging wala sa school tong babaeng to. Wala naman akong pakialam, gusto ko lang sya asarin. At bakit naman kaya sya umalis sa Jaws Pub kung wala syang pambayad ng tuition?

"Hoy---T-teka...!"

"---U-umiiyak ka ba?"

"H-hoy..."

"..."

"---Woi."

"..."

"Ano ba? Hoy ka ng hoy?!"

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon