40

38 1 1
                                    

Forty

"Hoy babaeng pasmado!"

Narinig ko nanaman ang nakakarindi nyang boses.

"Hoy anong ginagawa mo dito?"

"Wag mo sabihing pati dito sa harap ng coffee shop nagpa-practice ka sumayaw?"

Kung makapagtanong sya akala mo naman close kami. Wag mo sabihing magpapa-picture nanaman sya? Ibabarog ko na talaga phone nya---Joke lang, wala kong pamalit. Tipid-tipid muna ang mga resigned. Hehe.

"Hindi ka ba papasok?"

"Ah siguro maghahanap ka ng bagong trabaho dahil tinanggal ka sa dami ng nabasag mo, no?"

Unggoy. Hindi ako tinanggal, kusa akong umalis, bobo. Atsaka, muka ba kong magha-hanap ng trabaho sa suot ko? E sya nga mukhang sailormoon ang suot e. Normal bang suotin yan ng lalake? Pfft.

"Natural nandito ako dahil taga-rito ako. Ikaw ang bakit nandito?"

Kailangan ko ba mag-explain sa kanya? Scholar nya ba ako? Taga Seongdong ako pero ako pa ang tinatanong nya?

At may kasama pa syang mukhang giraffe. Kita mo nga naman, daig ko pa nasa zoo nito. Isang unggoy nagsama ng giraffe?

"Ano nanaman bang kailangan mo?" -Ako

"Meron ka nanaman ba? Mainit nanaman ulo mo."

Pigilan mo, Kang Rio. Pigilan mo.

"Kung magpapakuha ka ng picture pwede bang bilisan mo? May pupuntahan pa ko---!"

"Hep.hep.hep.hep.hep!"

Ano nanaman kaya? May pitik yata pati yung kasama nya.

"Ako na ang kukuha ng picture para maiba naman ang trip mo, Subin."

Sabi nung kasama nya sabay labas ng phone nya.

"Bakit naman ako magpapa-picture hindi pa naman ako pinapalabas ng klase---ARAY ARAY ARAY KO BUHOK KOZXCVBM!!!"

"---Bakit ka ba nananabunot ha?!---A-Aray bitaw na!"

"O bilisan mo gandahan mo ang kuha ha!"

At sumunod rin naman yung lalakeng giraffe sa pagkuha ng litrato. Magkaibigan nga sila, mga maluluwag ang turnilyo.

---Teka, makaalis na nga.

"Hoy babaeng pasmado! Magpasalamat ka at babae ka! Hoy! Bumalik ka rito!"

"O edi salamat!"

"Unggoy!"

Hindi ko na sya nilingon. Infairness sa unggoy na yon, malambot ang buhok. Pero nakakasira parin ng umaga ah.

Kinuha ko yung phone sa bag para i-chat yung mga kasama ko.

At sa dinami-rami nga naman ng ilalaman ng News Feed na ito---atsaka bakit naligaw itong taong to sa feeds ko?

Malamang, Rio. Malawak ang Dongguk pero magkaka-kilala ang tao.



























Choi Byungchan
about a minute ago • 👥

Flex ko lang yung kaibigan kong Jung Subin  na sinabunutan at palalabasin mamaya.

Flex ko lang yung kaibigan kong Jung Subin  na sinabunutan at palalabasin mamaya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

👍😂😡95 likes  |  17 comments  |  0 shares

Kang Seungsik
Planado na ang buhay ng batang to ah.
     ➡️Jung Subin ipapalagay ko na nga sa sched.
                                 ko itong 'get out' na to e.

Kim Hyunwoo
Scary. Classmate ko yata to.
     ➡️Kim Kangmin bat di ka sigurado?
     ➡️Yoo Siwoo malamang di naman kita mukha.
     ➡️Kim Hyunwoo di ko pa pati nakikita mukha
                                        nyan, lagi nakayuko. Creepy.
     ➡️Lee Hohyeon pano mo makikita, tamad
                                     tamad mong pumasok.

Nam Dohyon
Panawagan po sa babaeng yan, kaklase ko po yan. Kontakin nyo po ako pag nakita nyo sya. At pa-like po ng dp ko, like back rin ako.
     ➡️Song Hyeongjun up
     ➡️Kang Minhee mine
     ➡️Lee Eunsang bes tangina mo bes.

Kim Namjoo
Type Amen.

Jung Subin
May araw ka rin babaeng pasmado.

~

Ang liit talaga ng Seoul para mag-kita nanaman kami ng Jung Subin na yon. Pag nasa school ako, bigla nalang sya lumilitaw at nambu-bwisit. At ngayon namang pa-punta akong studio, sya nanaman?!

Isa ko pa nga palang isipin yang 1M studio na to. Bakit kasi mas inuna ko pang bayaran to kaysa sa tuition ko? Inuna ko pa ang pagsa-sayaw kaysa sa pag-aaral at bayad sa tenement?

Mawawalan ka na nga ng tinutuluyang bahay, mawawalan ka pa ng college degree kasasayaw mo! Matino talaga ang isip mo, Rio.

🍀

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Where stories live. Discover now