54

28 1 0
                                    

Fifty-Four

"Ms.Oh Hayoung will be your center subject ngayon."

"..."

"Bakit sya? Kasi she's plainly beautiful."

Patuloy lang sa pagsasalita ang professor.

"Kaya I need to see uniqueness sa picture na ipapakita nyo sa akin. When I say uniqueness, dapat kapag nakita ko yang pinresent nyo saking output, mararamdaman ko ang pag-ibig, lungkot o anumang feeling sa litrato."

"The picture should convey a feeling."

"The photographer should connect to his subject para makapag-kwento gamit lang ang isang imahe."

"You can use props, extra lighting, bahala kayo."

"As long as you dont present me a plain, boring picture of Ms.Oh."

"Paniwalain nyo akong hindi si Hayoung ang nasa litrato."

"...Ang magaling na photographer ay nababago ang pananaw ng mga kritiko."

"You have an hour and a half. Nasa office lang ako."

Si Mr.Jeong Seohwan yon.

Ibinalik ko ang tingin ko sa katabi nyang babae.---Si Hayoung.

She's wearing a wedding dress. Naka-belo. Mukha talaga syang ikakasal.

At kung hindi ako photographer, iisipin kong wala ng kailangang ipakita sa litrato dahil maganda na ang subject nito.

Tama si Ms.Jeong, she's plain beautiful.

Naupo sya sa katabing bangko.

Kaya pala wala sya sa naunang lesson dahil inayusan sya para dito.

Nagsimulang mag-setup ng camera ang mga kasama ko sa klase, at ang iba ay pumili ng props.

Ang classy ng setup ng studio ngayon hindi katulad ng mga nauna naming shoot dito. Pero kung ako ang tatanungin, mas gusto ko paring mga bagay na wala sa kwartong ito ang kuhaan ng litrato.

Alam mo yon, mahirap kasing gawan ng kwento ang mga bagay na sinadya lang at hindi natural. Pero dahil kasama sa graduate programs namin ang curriculum na ito, kailangan ko rin to.

"Iniisip mo ba kung anong anggulo ang kukunan mo o nagagandahan ka lalo sakin?"

Alam kong si Hayoung ang lumapit sakin dahil naaaninag ng mata ko ang puting suot nya.

"Kuhaan mo na ako habang hindi pa ako pinapawisan sa suot ko, Chan."

"..."

Hindi ako sumagot dahil ayos lang naman sakin kahit mamaya ko pa sya kuhaan.

Nagawi ang tingin ko sa kanang braso nya.

"Anong nangyare sayo?" -I hold her arm.

Agad nya namang binawi ang kamay at itinago ang nangingitim na pasa gamit ang suot na belo.

"W-wala naman. Maybe I hit somewhere."

Masyadong malaki ang pasang yon para sa ganung dahilan.

Her smiles are less-genuine just now.

Hello, Bloodline •  Victon fanfiction✅Where stories live. Discover now